CHAPTER 24

4 0 0
                                    

The week went smoothly. And in that week, Gideon doubled his flirting skills and me on the other side is welcoming him to my life.

Walang pakialam kung saan ako dadalhin ng kapusukan dahil ang alam ko lang ay gusto ko siya.

Parang ngayon lang, kadarating niya lang pero naghahanap na yung mga mata niya. Sumiksik ako likod ng malaking banga na nililinisan ko.

"Hi sir! Coffee po?" Masiglang alok ni Peng.

He's now removing his necktie.

"Tubig na lang. Where is Ceana?" Nakagat ko ang labi ko at lalong nag tago sa likod ng banga.

Noong nakaraan ko pa siya sinasabihan na tigilan ang paghahanap sa akin dahil baka makahalata ang mga tao rito sa bahay lalong lalo na si Tita. Pero sa daming beses ko iyong sinabi ay gano'n rin karami ang mga palusot niyang sinasabi sa t'wing hinahanap niya ako.

"Ah kanina po nandiyan lang naglilinis baka po nasa quarters. Bakit po? Maglilinis po ba ng kwarto niyo? Pwede naman pong ako na lang."

Nakatalikod siya sa akin kaya kitang kita ko ang perpekto at malawak niyang likod at balikat. Hapit din ang suot niyang button down shirt.

"Call her. Tell her I need her in my room." Matigas niyang sabi.

Pero si Peng ay disidido.

"Ah sir ako na lang po ang gagawa ng iuutos mo." Bahagya niya pang inipit ang buhok sa likod ng tenga niya.

Nagtaas ako ng kilay at pinanood lang sila.

"No. I want her, only her." Gideon said firmly before leaving her behind.

Natikom ko ang bibig ko at yumuko ulit para hindi niya makita. Nang makita ko siyang paakyat na ng hagdan ay nilingon ko naman si Peng. Halatang hindi niya nagustuhan ang ginawang pag tanggi ni Gideon sa kaniya. Nakita ko pa siyang umirap at padabog na lumabas.

Dahil wala naman na si Gideon ay lumabas na rin ako. Naka salubong ko rin si Melissa at Gara na galing sa gate.

"Saan kayo galing?" Tanong ko sa kanila.

"Oh Ganda, galing kami sa club house hinahanap ka sana namin kanina kaso sabi ni Ate busy ka raw eh"

"Ayos lang." I smiled.

Maya-maya pa ay dumating si Peng.

"Hoy Zik! Tawag ka ni sir!" Pagalit niyang tugon.

Tiningnan namin siya sa nalilitong reaksyon. Nagawa niya pang umirap at tinalikuran lang kami ng basta.

"Ano'ng problema niya?" Awang ang bibig ni Melissa.

"Nag away ba kayo Zik?" Tanong naman ni Gara.

Umiling ako.

"Hindi. Bakit ko naman siya aawayin?"

"Bakit uma- attitude siya? Alam mo last week ko pa 'yan nahahalata eh feeling ko, feeling ko lang ha kampon yan ni satanas."

"Melissa!" Sabay naming tawag ni Gara.

"Bakit? Sabi ko feeling ko lang para naman kayong ano. Tawag ka na raw ng alaga mo Zik."

Maka alaga akala mo naman aso si Gideon tsk.

"Puntahan mo na." Ngumisi si Gara sa akin.

Ngumiwi lang ako at tumango.

"Pupuntahan ko na nga po eh." I said mockingly.

Ako rin may feeling, feeling ko may nalalaman na itong dalawang ito.

Argh! Para akong naglalaro ng apoy sa gitna ng yelo halatang halata. Hindi na naulit yung gabing iyon pero may physical touch pa rin sa pagitan namin kaya nag take na ako ng pills just to make sure.

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now