CHAPTER 8

3 0 0
                                    

Alas otso pa lang ng gabi ay ramdam ko na ang bigat ng pakiramdam ko. May sipon na ako at ubo.

"Ganda oh inumin mo 'tong gamot." Inabutan ako ni Gara ng gamot at tubig.

Nasa quarters na ako pagkatapos ko maglinis kanina sa kwarto ni Gideon dahil panay na ang bahing ko. Sila Tita ay nasa mansion pa at nag aayos ng pinagkainan, dumating din kasi si senyor at senyora.

"Salamat Gara."

"Naku baka nabigla ka kaninang umaga pagtalon mo sa pool saka kulang ka pa kasi sa tulog eh."

Baka nga.

"Hindi ka pa nga pala kumakain. Dadalhan na lang kita dito saglit lang ah."

"Salamat talaga ah."

Matanda sa akin si Gara pero ayaw niya naman magpatawag ng ate kaya Gara lang ang tawag ko sa kaniya. Galing siyang probinsiya at lumuwas dito para maghanap ng trabaho dahil sa hirap daw ng buhay nila doon.

"Sige magpahinga ka na. Mainit ka na rin naku baka trangkaso 'yan Zik!" She shook her head when she felt my hot temperature.

"Ipapahinga ko lang siguro."

"Babalik ako agad higa ka na muna diyan."

"Hmm."

Sinarado ko ang bintana at humiga saka nagtalukbong ng kumot. Ang sakit ng katawan ko pati na ulo. Hindi naman ako sakitin pero sa t'wing nagkaka sakit ako ay talaga namang sulit.

Naka idlip na ako ng bumalik si Gara dala ang pagkain ko.

"Sabaw sana yung maganda sa'yo Zik kaya lang walang soup ngayon eh gusto mo bang magluto ako?"

Umiling ako.

"Ayos na ako Gara salamat."

Umupo ako at kumain saka uminom ng gamot. Pagkatapos ay tumayo muna ako para magpalit ng jacket at sweatpants.

Bumalik ako sa kama at natulog.

Pero nagising ulit ako ng hatinggabi dahil sa sobrang lamig.

"Ano bang nangyayari sa'yong bata ka. Sobrang init mo," sabi ni Tita ng hawakan ang noo ko. Nagising siya at ngayon ay dinadagdagan ang kumot ko.

"Tita patayin niyo po yung aircon please." I shivered.

"Kanina pa hindi umaandar anak. Sandali lang at kukuha ako ng maligamgam na tubig."

Pati ulo ko ay nasa loob ng kumot dahil sa sobrang lamig nasa ganoon akong sitwasyon ng bumukas ang pinto.

"Where is she?" Nag aagaw ang antok sa sistema ko ng marinig ko ang boses ni Gideon.

Nag dediliryo na yata talaga ako.

"Ayan sa ilalim ng kumot. Apat na kumot na nga yang nasa kaniya pero nanginginig pa rin."

"Ilipat natin sa kwarto ko. It's warmer there."

I pass out.

Nagising na lang ulit ako ng may basang telang dumampi sa noo ko. Kumpara kanina na malamig na malamig, ngayon ay hindi ako masyadong giniginaw.

Minulat ko ang mata ko at agad na nalula dahil umiikot ang paligid. Ang nakita ko ay ang malamlam na ilaw sa kisame.

Nilingon ko ang nagpupunas sa akin at nakita ko si Gideon. Wala lang akong lakas para punahin o kumpirmahin kung siya nga ba talaga ang nasa tabi ko.

Hinayaan ko na lang siya sa ginagawa niya at natulog ulit. Pero hindi paman ako matagal na nakatulog ay ginising niya ako.

"Wake up," he whispered huskily.

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now