CHAPTER 13

6 0 0
                                    

Nang dumating ako sa kwarto ay naabutan ko siya na umiinom ng beer. Magulo ang buhok at ang puting longsleeve ay gusot gusot. Nakapamewang siya habang nakatingin sa bintana.

Halata naman na galit siya at tensyunado. Tumikhim ako para makuha ang atensyon niya.

"Sir, yung pagkain niyo po nand-

He cut me off.

"Hindi ako kakain." Matigas niyang sagot.

"Bakit?" Wala sa sariling tanong ko na agad kong pinagsisihan dahil marahas niya akong nilingon.

Umatras ako ng isang beses at nakita niya iyon. Nag angat siya tingin sa akin at napalunok na lang ako ng makita ang ngising alam mong walang magandang pahiwatig.

"Are you afraid of me?" Hindi ko alam kung nananakot ba yung tanong niya o nag aalala.

Umiling ako. Hindi naman ako natatakot, kinakabahan lang talaga ako kapag nakikita ko siyang galit.

Ininom niya ang natitirang beer bago basta na lang tinapon sa sahig. Bahagya pa akong napatalon ng lumikha ito ng ingay.

"Lumabas ka hindi ako kaka-

"Masama ang mag palipas ng gutom." Agarang sagot ko ng hindi siya pinapatapos magsalita.

Tiim bagang niya akong tiningnan pero nilabanan ko ang mga titig niya at matapang na naglakad papunta sa lamesa.

"And who are you to tell me that?"

Umismid ako, hindi nagustuhan ang tanong niya. Inayos ko muna ang pagkain niya bago siya hinarap.

"You are just my mai-

"Maid?" Ako ang nagpatuloy.

Huminga ako ng malalim, wala akong pakialam kung pagalitan o palayasin niya ako ngayon o bukas. Basta sasabihin ko kung ano ang gusto ko dahil talagang namumuro na siya. Palagi na lang siyang ganito.

"Katulong mo nga lang ako at wala dapat akong pakialam sa'yo diba? Wala naman kasi sa job description ko ang pakialaman ang buhay mo o ng kung sino sa inyo rito."

"How da-

"Listen Gideon," I ordered that made him stop and widened his eyes a bit.

Ngayon ko lang siya tinawag sa pangalan niya.

"If you're mad at work then don't bring it at home. Huwag kang mandamay ng mga wala namang alam, at isa pa gabi gabi ka na lang umiinom what is your problem really? Babae? For Pete's sake Gideon you're old enough to know that liquor is not a solution for any problem. Be a man and face it on your own."

Habol ko ang hininga ko matapos ko iyong sabihin. Siya naman ay nakamaang na nakatingin sa akin. He's amuse and shock at the same time. Umirap ako at tatalikuran na sana siya ng bigla ay higitin niya ako.

Dinungaw ko ang kamay niyang nakahawak sa braso ko. Hindi naman iyon mahigpit pero para akong tinatanggalan ng hininga. Tiningala ko siya at nag taas ng kilay. He bit his lower lip.

"D-don't be mad, kakain na ako." He whispered huskily before looking away.

I bit the inside of my cheek.

Pinanood ko siyang umupo at kumuha ng kutsara't tinidor. Sumubo siya ng pagkain habang tinitimbang ang reaksyon ko.

Bumuntong hininga ako.

"Papalitan ko ba ulit ang bedsheet mo?" Tanong ko dahil naiilang na ako sa tingin niya.

Umiling siya sa akin kaya naman kinuha ko na lang ang mga kalat sa sahig.

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now