CHAPTER 14

3 0 0
                                    

They say all things have reasons, and it's up to you if you want to find that reason or create on your own.

Pero ngayon hindi ko mahanap ang rason sa kahit anong anggulo. Nakatayo lang kaming tatlong magkakaibigan habang tinatanaw ang agaw pansin, gwapo at mayamang lalaki na nakahilig sa sports car niya. Ang cellphone ay nasa tenga at maya't maya ang pagsulyap sa relo.

"Seryuso ka bang amo mo 'yan Zik?" Si Faniel na kulang na lang ay tumulo ang laway.

"Maganda yung sports car. Pero medyo presko siya tsk." Himutok naman ni Uno.

"Presko ba 'yan Uno? Kanina pa nga kami init na init dito dahil sa kaniya! My gosh ipupusta ko ang lahat ng pwede kong ipusta maka one night stand ko lang siya!" Malakas na sigaw ni Faniel dahilan kung bakit naagaw namin ang atensyon ng ilang mga estudyante.

"Tangina Faniel! Sige isigaw mo at ng magahasa ka." Inis na saway ni Uno bago pinitik ang bunganga ni Faniel.

Napayuko rin ako dahil sa kahihiyan. Masyadong nagugulo ang university dahil sa kaniya ano ba kasi ang kailangan niya rito?

"Oh my gosh palapit na siya!" Nanlaki ang mga mata ko at agad na nag angat ng tingin matapos marinig ang sigaw ni Faniel.

Kumalabog ang kaba sa dibdib ko ng makita nga siyang palapit sa direksyon namin. He's wearing corporate attire, kaya lalo siyang agaw pansin sa tikas ng tindig at lakas ng dating niya.

Halos mahugot ko ang lahat ng hangin sa katawan ko ng huminto siya sa harapan namin.

"Are you done?" He asked not minding the curious eyes flocking to him.

"Zik tinatanong ka." Paimpit na Sabi ni Faniel saka ako siniko.

Lumunok ako at bahagyang napapikit dahil sa nakukuhang atensyon.

"Uh yes."

Nilingon niya ang paligid bago binalik ang tingin sa akin.

"Do you have any plans now?" He raised his brow.

Umiling lang ako. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita ko kung paano pinasadahan ng tingin ni Uno si Gideon pagkatapos ay umismid.

"Shall we go home?"

We?

Inayos ko ang salamin ko at nalilito siyang tiningnan pati na ang kotse sa likuran niya. Nilingon ko rin sila Faniel at Uno para humingi ng saklolo.

"Hindi na bro sa amin na sasabay si Zik." Gusto kong yakapin si Uno dahil sa sinabi niya.

Gideon's mocking eyes darted at him.

"Pareho lang kami ng bahay na uuwian. So she'll come with me."

"May dadaanan pa kami at maabala ka lang."

"I can take her wherever she wants and it's not a big deal. Besides, she said she has no plan after this."

Tiim bagang na umabante si Uno para pantayan siya. Mas matangkad lang si Gideon ng ilang pulgada pero mas maganda ang hubog ng katawan ni Gideon.

Damn! Why am I complimenting this arrogant man?

Nang mapansing nagiging tensyunado na silang dalawa at masyado na kaming agaw pansin ay hinila ko na si Uno.

"Ayos lang Uno, sa kaniya na lang ako sasabay."

"Naiinis ako Zik." He whispered.

I held his arms to assured him.

"Ayos lang Uno, ihatid mo na si Faniel tapos kita na lang ulit tayo bukas."

He sighed.

"Fine."

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now