CHAPTER 15

5 0 0
                                    

Buong linggo niya akong sinundo sa eskwelahan ko. Sa tingin ko nga ay gusto niya rin akong ihatid dahil ilang beses ko siyang naabutang nakahilig sa sasakyan niya at sa t'wing lalabas na ako ay tatayo siya at hahakbang pero hindi naman siya tumutuloy sa paglalakad bagkos ay papasok siya sa loob ng kotse niya at aalis na.

Ilang beses na rin akong pumunta sa kwarto niya at naabutan siyang nilalagyan ng kalat ang sahig at ginugulo ang higaan niya. Kung iisipin, sa tingin ko sinasadya niyang gawin iyon. Hindi ko lang matukoy kung ano ang tamang dahilan niya para gawin iyon.

Kanina pa ako nag iisip habang nasa tapat ng pool. Makulimlim ang panahon at ilang araw na rin ang ulan.

Binigyan kaming lahat ng day off kaya naman sila Melissa at Gara ay naliligo sa pool. Sila Tita naman ay nanonood lang ng palabas sa loob kasama si Nata.

"Ganda halika na! Masarap ang tubig!" Anyaya ni Gara.

Pareho silang nakasuot ni Melissa ng two piece. Siya ay kulay asul habang si Melissa ay orange. Sabi pa nila talagang ni reserve nila ang mga iyon para sa pool ng mga Mañejas.

Ngumiti lang ako sa kanila habang ginagalaw ang paa na nasa ilalim ng tubig.

Walang tao ngayon sa mansion dahil busy sila sa launch ng isa pa nilang company sa tagaytay at mamayang gabi pa naman siguro sila darating kaya dapat lang na sulitin namin ito.

"Magbibihis lang ako."

"Yehey! Bilisan mo ah dali!"

Tumayo ako at pumunta sa quarters para magpalit ng akmang kasuotan. Sinuot ko ang pinahiram ni Melissa sa akin. Kulay pulang string bikini iyon na hapit na hapit sa katawan ko.

I just wear my white shirt on the top of it before I went back to the pool.

"Akala ko ba magbibihis ka? Bakit naman naka tshirt ka?" Nanunuyang reklamo ni Melissa.

Umirap ako at tinanggal ang damit na naka ibabaw sa bikini ko.

"Oh ayan okay na ba?" Tanong ko sa kanila.

"Super okay! Alam mo minsan nalilito na rin talaga ako kung straight pa ba ako o hindi eh! Ang sexy mo Zik!"

Tumawa kami ni Gara dahil sa sinabi ni Melissa. Nag sabuyan silang dalawa ng tubig habang ako naman nilagay ang t-shirt at salamin sa sun lounger bago dahan dahang lumubog sa tubig.

Ang malamig na tubig ay agad na nanuot sa katawan ko. Nagdadala ito ng sariwang pakiramdam. It's relaxing to feel the coldness of water.

I swim back and forth. I even go at the bottom of the pool to touch the floor and then I will rise up to meet the gloomy cloud. It's dark yet the sun is shining from the place I couldn't find. Just like my feelings, I'm feeling the strange feeling inside me but I can't pinpoint what kind of feeling it is. It's.. confusing.

Hinayaan kong lumutang ang sarili ko habang nakatingala sa langit.

"Sir Gideon swimming po tayo!"

Bigla akong nanginig sa lamig dahil sa narinig. Kanina kanina lang ay sakto ang temperatura ng tubig, ngayon parang biglang lalong lumamig.

Nakatalikod ako at pinakikinggan ang pag kombinsi nila Melissa at Gara sa lalaking kararating lang. Nilubog ko ng maigi ang sarili ko na para bang hindi niya ako makikita gayong walang kasing linaw ang tubig ng pool na ito.

"Malamig ba?" Ayun na ang namamaos niyang boses.

"Hindi po! Masarap ang tubig halika na langoy ka na sir!"

Lalangoy na dapat ako para umahon pero bigla ay tinawag ako ni Gara.

"Zik! Tulungan mo naman kaming pilitin si Sir Gideon!"

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now