CHAPTER 22

4 0 0
                                    

Agad rin na naglaho ang mga paru-paro dahil bumukas ang pintuan at sabay naming nilingon si Tita.

"Maayos ka naman ba diyan sa lapag Gideon?" Tanong ni Tita ng makita akong inilalagay ang ilang unan ko sa higaan ni Gideon.

Gideon who's still looking at my chart board manage to look at her and nodded.

"Ayos na ayos po. Salamat."

Naninibago talaga ako sa uri ng pakikipag usap niya. Para siyang maamong tupa na alagad ng isang propeta. Oh baka naman talagang hindi ko pa siya naririnig na ganito makipag usap sa kahit kanino.

"Walang mag tatabi sa higaan ha, Zikretto."

Alisto akong tumango.

"Opo Tita, wala po."

Gusto kong tanungin sa kaniya kung sanay na ba talaga siyang ipaubaya ako rito sa lalaking ito. I mean ngayon pa siya naging concern eh noong may sakit nga ako doon ako natulog sa kwarto niya ng wala man lang bantay na kahit sino o dikaya'y makakarinig kung sakaling sumigaw ako dahil ginagahasa na pala ako ng lalaking ito.

Ka stress.

"Sige matulog na kayo. Good night."

"Good night!" Gideon replied back.

Tumayo na ako at minwestra sa kaniya ang higaan niya. Komportable naman iyon dahil makapal ang foam iyon nga lang hindi ko alam kung komportable iyon para sa kaniya.

"Naiinitan ka ba?" Tanong ko habang inaayos ang aircon.

"I'm fine. Baka lamigin ka pa."

Sinulyapan ko siya at nakitang nakaupo na siya sa higaan niya. Tinabi ko na lang ang remote ng aircon at lumapit sa pintuan.

"Where are you going?" He asked.

"Lalabas bakit?"

"Bakit?"

Kumunot ang noo ko.

"Kukunin ko yung tubig ko. Gusto mo rin ng tubig?"

He shook his head.

"Can I use your bathroom?"

I tilted my head. Of course he can tsk.

"Go ahead."

Iniwan ko siya doon sa loob ng kwarto at pumunta sa kusina. Nakita ko pa si Liam at Caleb na naghuhugas ng pinggan.

"Ano ate ayos lang sa'yo na doon matulog si Kuya Gideon? Pwede namang magsiksikan na kami sa kwarto ang arte kasi ni mama." Si Caleb sa tunog na nag aalala.

"Ayos lang. Nakakahiya nga naman kung matutulog siya sa masikip." I smiled to assure him.

"Basta Zik pag may ginawa sa'yo sigaw ka lang ha kaming bahala."

Natawa ako dahil sa sinabi ni Liam. Gideon's maybe rough and arrogant but he's harmless. He maybe short tempered and playful sometimes but I'm sure he knows how to respect the boundaries. Well sana nga sure talaga ako.

Bitbit ang tumbler ko ay bumalik ako sa kwarto. Aminadong kabado dahil si Gideon ang makakasama ko sa kwarto.

Pag bukas ng pinto ay nakita ko agad siya na naka upo habang ang likod ay nakasandal sa gilid ng kama ko.

"Uh you can read books if you want, or watch t.v kaso.. mahina nga pala yung signal."

"Mag aaral ka ba?" Tanong niya, walang pakialam sa sinabi ko.

Kumurap kurap ako bago umiling.

"Hindi. Uh bukas na siguro."

"Hmm I see, matutulog ka na ba?" He asked again.

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now