CHAPTER 11

4 0 0
                                    

Bandang alas tres ng hapon ng mag desisyon akong bumyahe. Hinatid ko pa muna ang kambal sa pictorial nila bago ako sumakay ng bus.

Habang nasa bus ay hinahayaan kong mag masid ang mga mata ko sa labas. Magmula sa mga kalye hanggang sa mga bata at matanda, mga paninda at sitwasyon ng kalusugan sa lugar.

Sa bawat pagdaan ng panahon ay iyon ang madalas kong pansinin. Kung paanong ang kalusugan palagi ang una kong inaalala at buhay ng tao ang palagi kong inuuna. Hindi dahil sa parte ito ng magiging propesyon ko, kung hindi dahil gusto kong mag ligtas at mag pahaba ng buhay, Maging doktor man ako o hindi.

Dalawang oras ang tinagal ng byahe ko at dumaan pa muna ako kay Faniel para ihatid ang librong hinihiram niya. Madilim na ng makarating ako sa mansion at naka agaw agad sa pansin ko ang ingay na nagmumula sa bulwagan. Marami rin ang sasakyan at nakabukas ang malaking gate kung saan nagkalat ang mga bodyguards.

Bahagya akong sumilip para sana makita kung ano ang nangyayari sa loob pero nakita na ako ni Melissa.

"Zik! Nandito ka na halika dali!"

May dala siyang mga walang lamang tray habang kinakawayan ako. Lumapit ako sa kaniya.

"Magaling ka na ba?" Tanong niya pero nasa loob ang atensyon ko.

"Oo, ano'ng meron bakit parang maingay yata?"

"Ah oo nga pala may party kasi si senyora para kay sir Gideon, tapos nakalabas na pala si Lei sa ospital."

"Gano'n ba? Ede maraming gagawin? Ilalagay ko muna itong gamit ko sa quarters tapos tutulong ako."

"Sige bilisan mo tulungan mo ako mag serve."

Dali dali naman akong pumunta sa quarters at nagbihis ng uniporme bago pumunta sa mansion.

"Tita!" Tawag ko kay Tita, kausap niya si Gara at may kung anong inuutos.

"Zik anak kadarating mo lang ba?"

"Opo, ano pong maitutulong ko?" Sinuyod ko ng tingin ang abalang kusina halos nandito rin ang mga katulong sa kabilang mansion.

Kapag kasi may party ay pumupunta sila rito kapag wala naman ay kami lang dahil hindi naman masyadong kailangan ng pagsisilbi ng mga Mañejas, kailangan lang panatilihing maayos at malinis ang bahay at syempre ang sundin ang mga utos nila.

"Dalhin mo itong mga wine sa labas."

"Hmm."

Kinuha ko ang red wines at inilagay sa tray bago maingat na naglakad papunta sa malaking bulwagan. Ngayong may party mas malawak ito dahil inalis ang mga malaking vase at upuan saka pinalitan ng mga pandalawahang mesa at ilang upuan.

"Alam mo ba kung para saan ang party?" Bulong ko kay Gara ng makasabay ko siya.

"Ang alam ko may ipapakilala raw kay sir Gideon si Senyora, iyong anak daw ng business partner nila. Ang dinig ko pa nga kamag anak daw ng mga royalties from England."

My eyes widened and my lips formed O.

If that's the background then she must be very beautiful and powerful.

Lumapit ako sa mahabang mesa at nilagay sa bucket ang mga wine. Habang ginagawa ko iyon ay may yumakap si binti ko.

Nang dumungaw ako ay nakita ko si Lei, nakangiti siya sa akin. Awtomatiko naman akong natuwa ng makitang ayos na siya.

"Lei!" I excitedly call her name.

"Hi Tita Zik! I'm fine na po, where have you been ba? I was looking for you yesterday po."

Maya maya pa ay lumapit na si Ma'am Calli. Nakangiti siya sa akin at magandang maganda sa suot niyang pulang dress.

"Zik, I didn't have the chance to formally thank you for saving my daughter. Thankyou very much." She sincerely said before holding my hand.

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now