CHAPTER 20

6 0 0
                                    

Binalik ko sa lagayan ang singsing at sinara na ang drawer. Lumabas ako ng kwarto at bumalik sa quarters.

Hindi ko alam kung kanino ang singsing na iyon pero may kung anong guwang ang naramdaman ko sa loob ko. Pero ipinag kibit balikat ko na lang iyon.

Buong gabi ay malakas ang ulan, halos hindi tuloy makatulog si Tita dahil sa pag aalala. Kung ganitong hindi tumitigil ang ulan ay posibleng bumaha o kaya'y bumabaha na doon ngayon sa Bulacan.

Kinaumagahan ay maaga nga kaming nagising para umuwi sa doon.

"Oh kayo na muna ang bahala rito babalik lang kami agad kapag humupa ang bagyo." Bilin ni Tita.

Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang ulan.

"Sige Ate kami na po ang bahala. Ingat po kayo."

"Salamat Melissa, at siya nga pala alalayan ninyo yung dalawa baka magkamali at mapagalitan."

Habang nakikipag usap siya kila Melissa at Gara ay panay naman ang lingon ko sa pintuan. Masama ang panahon, siguro cancelled ang flight niya pabalik.

Napa iling na lang ako ng mapagtanto kung ano ang ginagawa.

"Zikretto naman! Ano ba." Daing ko na may kasamang pag pitik sa noo.

"Halika na Zik."

Bumuntong hininga ako at tumango kay Tita. Habang palabas ng mansion ay sinilip ko pa sa garahe ang kotse niya pero yung sports car lang ang nakita ko.

Hanggang makalabas ay mukha akong tanga kakahintay sa kaniya. Nababaliw na yata talaga ako.

Habang pauwi ay hirap na hirap kami ni Tita sa pag commute. Basang basa kami hanggang makarating sa bahay at hindi nga ako nagkamali na isiping baha na. Dahil papasok pa lang sa kalye namin ay mataas na ang tubig naabutan din namin ang mga tenants na binubuhat ang mga importante nilang gamit pa akyat.

Hanggang tuhod na ang tubig. Sa mga ganitong panahon palagi kaming abala sa pag akyat ng mga gamit na mahalaga para hindi masira ng tubig baha.

Mababa kasi ang lugar namin at kapag umuulan ay mabilis ding bumaha. Kawawa tuloy ang mga tao rito lalo na yung mga barong barong lang ang bahay. Mabuti na lang at dalawang palapag at kongkreto ang sa amin dahil paniguradong sa evacuation ulit ang bagsak namin kagaya noon.

"Nasaan ang mga bata?" Tanong agad ni Tita ng makita si Caleb na tumutulong sa pag akyat ng mga gamit.

Pati ako ay tumulong na rin sa kanila at hinayaan ng mabasa ng ulan.

"Ma, nasa kwarto po yung kambal akyat na kayo maulan."

"Ang papa mo umuwi na ba?"

"Hindi ako pumasok mahal, namiss kita."

Abala ako sa pag abot ng oven ng ngumiti na lang ako bigla dahil sa narinig galing kay Tito. Halatang sabik na sabik ang boses niya at nagmadali pa siyang sumilip sa pintuan.

Nag hiyawan ang mga tenants dahil sa sinabi ni Tito. Si Tita naman ay namumula habang tumatawa pa akyat.

"Ate Carmen mukhang miss na miss ka talaga ah sakto malamig pa naman ngayon!" Kantyaw ni Liam.

"Yieee panibagong kambal naman yan!"

"Hoy tumigil kayo. Dalian niyo na diyan at umakyat na kayo." Saway ni Tita sa kanila.

Naki sabay ako sa mga halakhak nila. Nang matapos ay umakyat na rin ako para makaligo.

Matapos maligo ay sinilip ko ang labas at nakitang mas tumaas pa ang lebel ng tubig. May mga lumilikas na papunta sa covered court at ang iba naman ay kaniya kaniya ng ayos ng bubong at bintana ng mga bahay nila.

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now