CHAPTER 26

6 0 0
                                    

Pagkatapos kong marinig ang mga sinabi niya ay napanatag ang loob ko. Aaminin kong maya't maya pa rin na sumasagi sa isipan ko ang pagdududa pero pinipili ko na lang na maniwala sa kaniya at panghawakan ang sinabi niya.

"Bilis na Zik! Mahuhuli ta'yo!" Sigaw ni Faniel sa loob ng sasakyan ni Uno.

"Bakit ba kasi tayo nagmamadali maaga pa naman!" Natataranta kong pinagsalikop ang mga gamit ko.

Ang ingay ingay niya sa likod. Nandito kami sa gitna ng Quezon Ave. Sa traffic mismo at bababa raw kami dahil hindi na namin maaabutan ang concert ni Jayze.

"Bababa na ak-

"Goddamit Faniel!" Mala kidlat ang boses ni Uno.

Nilingon ko sila at nakitang kinalas ni Uno ang seatbelt niya bago bumaba ng sasakyan.

"Anong nangyari?!" Nag aalalang tanong ko at kinalas na rin ang seatbelt.

"M-muntik na akong mahagip ng sasakyan." Tulalang sagot ni Faniel.

"Ayos ka lang ba?"

"Oo."

"Teka si Uno."

Mabilis akong bumaba at umikot para puntahan si Uno na ngayon ay hawak na sa kwelyo ang driver ng isang SUV.

"Ano ha?! Nakita mong sumenyas na ako diba? Makakapatay ka ng tao!"

I run to him and held his arms.

"Uno, ano ba kalma."

"Hindi eh itong gagong 'to yumayabang!" Galit talaga siya dahil namumula na ang mukha niya.

Binalingan ko ang lalaking hawak niya. Medyo matanda lang iyon sa amin ng kaonti.

"Hindi ko talaga nakita yung senyas mo tol, hindi ko alam na bubuksan niya yung pinto."

"Gag-

"Uno!" Sigaw ko at hinatak siya palayo.

May narinig kaming whistle bago nakita ang mga traffic enforcer.

"Ano'ng kaguluhan ito?"

Nag kamot ako ng kilay. Lumabas na rin si Faniel ng kotse at lumapit kay Uno na ngayon ay iritado pa rin.

"Mis understanding lang po sir, pero maayos naman na po."

"Nakakaabala kayo sa ibang mga motorista. Bumalik na kayo sa mga kotse niyo. Huwag kasing mag asal hari sa kalsada!" Saway ng officer.

"Sorry po sir," I apologized and dragged Uno.

Tinulak ko siya papasok sa kotse, sa front seat dahil ako na ang umupo sa driver's seat.

"Bakit ba ang init ng ulo mo? Muntik pa tayong mapahamak paano kung mainit din ang ulo ng driver na'yon?!"

"Wala. Mag drive ka na."

"It's my fau-

"Shut up Faniel!"

"Uno!" Saway ko ulit, gusto ko na siyang iuntog sa salamin.

I looked at Faniel in the rear mirror and she looks confused. I sighed, nag away na naman 'tong dalawang ito.

Imbis tuloy mag enjoy kami sa concert, ang ending naging para kaming patpat na nakatayo lang sa harap ng stage.

"Wow ang saya ng concert na'to." Tamad at sarkastiko kong sabi.

Si Faniel ay ngumingiti at pumapalakpak naman pero sa t'wing malilingunan niya si Uno ay tumitigil siya. Si Uno naman ay parang bombang sasabog in no time.

Hindi pa tapos ang concert ay umuwi na lang kami kaysa naman mag sayang pa kami ng lakas doon mukha kaming pinagbagsakan ng langit at lupa dahil sa mga mukha namin.

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now