CHAPTER 10

4 0 0
                                    

Nang matapos akong magluto ay dumating na si Tito. Agad na tumakbo ang kambal papunta sa kaniya at nag paunahang mag pa karga.

Pagod man ay pinagbigyan sila ni Tito. Natatawa niyang kinarga ang dalawang bata at ng mapansin ako ay ngumiti rin siya sa akin.

Lumapit ako at nag mano.

"Mabuti nakauwi ka Zik, kumusta ka?"

"Maayos naman po Tito. Nagka sakit po kasi ako kaya ako umuwi muna."

Gumuhit ang pag aalala sa mukha niya.

"Maayos ka na ba?"

"Maayos na po ako. At nagluto po ako kain na tayo?"

"Sakto gutom na gutom na ako."

Pumasok sila sa kusina ang dalawang bata ay nakasampay sa balikat niya at tumatawa. Samantalang binuksan ko naman ang pintuan ng kwarto ni Caleb at naabutan siyang nakadapa sa kama habang nasa harap ng iPad.

"Caleb kakain na."

"Sige ate mauna na kayo," sagot niya ng hindi ako sinusulyapan.

"Ngayon na Caleb."

"Wait lang ate."

"Isa," I started to count.

I stifle a smile when I saw how he hurriedly click the iPad that I almost hear the sound of his fingers.

"Dalawa," I continued.

Mabilis niyang tinapon ang iPad sa kama at tumayo na. Nagkakamot ng ulo habang palapit sa akin.

"Si ate talaga napaka strikto."

Ngumiwi siya.

"Masamang pinaghihintay ang pagkain at lalong masamang mag palipas ng gutom."

"Oo na po."

Mas bata sa akin si Caleb at nasa first year college pa lang siya habang ang kambal ay nasa grade two pa lang. Sobrang layo ng agwat dahil nahirapan si Tita na mabuntis.

No'ng gabing iyon sabay sabay kaming kumain at habang kumakain kami ay hindi ko maiwasang isipin kung kumain na rin kaya si mama? Iniisip niya rin kaya kung kumain na ba ako? I felt a hollow space in my stomach.

Nagpatuloy na lang ako sa pag-kain at ng matapos ay kinuha ang mga libro at lumabas sa veranda. Kanina ay tumawag si Tita at pinaalala na uminom ulit ako ng gamot, ganoon din sila Tito at Caleb maging ang kambal ay concern sa akin.

Funny how they care about me while my mother doesn't even know that I'm sick.

Nag basa ulit ako at nagsulat, ng matapos ay kinuha ko ang cellphone at sinubukang tawagan si mama pero hindi naman nag ri ring. Kaya nag iwan na lang ako ng message at pumasok na sa kwarto ko.

Malalim na ang gabi pero hindi pa rin ako inaantok kaya naman lumabas ako para mag timpla ng gatas, nakita ko naman si Tito na nakaupo sa sofa at may tinatahing damit.

"Hindi ka ba makatulog?" Tanong niya ng makita ang isang baso ng gatas na hawak ko.

Lumapit ako sa kaniya at tiningnan ang ginagawa.

"Katatapos ko lang po mag review hindi pa po ako inaantok."

Abala siya sa pag sulsi ng kulay pink na bistida na halata namang sa kambal.

"Gabi na po ah bakit hindi niyo na lang ipag pa bukas iyan?"

Ngumiti siya at umiling.

"Gagamitin kasi ni Casei ito bukas para sa pictorial niya. Kasali kasi siya sa mutya ng barangay eh nakita kong may punit sa bandang laylayan."

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now