CHAPTER 5

7 0 0
                                    

Pasalamat na lang talaga ako na hindi nga sila kumain sa mansion dahil doon ay nakahinga ako ng maluwag.

Gabi na at tanging si Ma'am Calli at Lei pa lang ang nandito. Ang mga magulang nila ay nasa ibang bansa. Si Gideon ay hindi ko alam at wala akong balak na hanapin siya.

Nag pupunas ako ng mga pinggan ng pumasok si Ma'am Katie. Nakasuot pa siya ng school I.D at halatang kadarating lang.

"Good evening ma'am." Bati ko sa kaniya ng umupo siya sa high chair.

Inabutan ko siya ng tubig.

"Evening thanks. Where are the people in this house?"

"Sila Ma'am Calli at Lei po baka nasa kwarto na. Si Gideon wala pa."

Agad na umikot ang mga mata niya. Sa isang iglap ay nakita ko ang pagkaka hawig nila ni Gideon. Kung paano maging tamad ang mga mata niya ay kuhang kuha ang mata ni Gideon. Only that Katie is a woman and has a soft features than him.

Maganda. Walang halong duda.

"Gusto niyo pong ipaghanda ko kayo ng pagkain?" Tanong ko pero umiling lang siya tila may iniisip.

"Isa sa mga araw na'to mapapalayas ko talaga yang kapatid ko." Ngumiwi siya bago ako tiningnan.

"I heard may mga bisita siya kanina dito, ilan sila?"

Inayos ko ang salamin ko at inalala kung ilan ba sila.

"Walo po sila. Apat na lalaki apat din na babae."

Tumango tango siya at bumaba sa high chair.

"All right thankyou Zik. Papahinga na ako."

"Good night ma'am Katie." Tipid akong ngumiti.

Tinapos ko na rin ang ginagawa ko at saka na pumunta sa quarters para magpahinga.
Wala akong balak mag aral ngayon dahil lubos yatang napagod ang utak ko kaya hindi ako makakilos ng maayos.

Bagay na ikinatuwa ni Tita dahil makakatulog ako ng maigi. Nakahiga na ako katabi si Gara, si Kuya Emz ay humihilik na tulog na rin silang lahat pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok.

Iniisip ko pa rin kung paanong trato ang natanggap ko kanina ay nag iinit na ang katawan ko. Hindi ko pa rin matanggap. Siguro may mga tao talagang kayang kaya kang pagmukhaing tanga sa harap ng iba, mga taong nagiging magaling lang kapag may napapahiya sa harap nila.

I sighed.

Pinikit ko na lang ang mga mata ko at nag patangay na sa tulog. Kinabukasan ay maaga akong umalis papunta sa eskwelahan kung saan agad naman kaming binungad ng sandamakmak na aralin.

"Grabe parang hindi ko na talaga kaya as in! Yung ulo ko sasabog na!" Pahisteryang sabi ni Faniel pagkatapos naming pumunta ng library para kunin ang libro naming aaralin.

"Why don't we hang out kaya?" She suggested.

Si Uno ay nakakunot ang noo at may kung anong tinitingnan sa cellphone habang ako naman ay tulalang nakikinig kay Faniel at iniisip din kung saan ako magsisimulang magbasa mamaya.

"Hoy! Ano ba kayo mga bingi?" Asik niya ng hindi kami sumagot.

"Narinig kita. Para namang may oras akong gumala," I hissed.

"Ito naman napaka kill joy eh! Minsan lang naman sige na bago yung prelim natin! Saka wala namang pasok bukas." Inuga uga niya pa ako.

"Uno ano? Game ka?"

"Ha?" Nalilitong tanong ni Uno halatang hindi naman nakikinig.

"Sabi ko party tayo mamaya ano game ka?"

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now