CHAPTER 21

8 0 0
                                    

Kinuha ko ang tuwalya at inabot sa kaniya. Hindi ko siya matitigan ng matagal dahil para siyang mananakmal dahil sa sama ng tingin niya.

Ano bang problema niya?

"May dala ka bang damit Hijo?"

"Wala po."

Nagugulat akong tumingin sa kaniya.

Aba himala gumamit ng po.

"Hindi naman magka kasiya yung damit ni Caleb sa'yo. Pano ba 'to." Nag iisip si Tita ng gagawin habang si Gideon ay basa pa rin at may tuwalya lang na nakasabit sa katawan.

Nag pigil ako ng ngiti. Lalamigin ka boy HAHA

"Ako pre may damit ako pwede kitang pahiramin," Alok ni Victor pero inismiran lang siya ni Gideon.

"Zikretto ikaw?"

Natigil ako sa pag ngiti at nabibiglang nilingon si Tita.

"P-po?"

"Hindi ba may mga oversized shirt ka na hindi pa nagagamit? Iyon bang nasa package na pinadala ng mama mo."

Kumurap kurap ako.

"Tita hindi po 'yon kasiya sa kaniya."

"American size naman iyon tingnan mo baka mayroon."

"Pero Tita kasi.."

Nilingon ko si Gideon at nakita kong lumaylay ang balikat niya. Inayos na niya rin ang tuwalya sa braso niya at tinikom ang bibig.

Bumuntong hininga ako at tumango na lang.

"Okay fine hahanapin ko."

Umangat ang sulok ng labi niya at labag sa loob naman akong pumasok sa kwarto ko at naghanap ng damit na kakasya sa kaniya.

Pinabigay ko na lang iyon Kay Caleb habang nasa C.R siya dahil tinulungan ko si Tita na maghanda ng hapunan.

Nang lumabas siya ng C.R ay nahanap niya agad ang tingin ko. Sinuri ko naman ang itsura niya, sakto lang ang itim na shirt na nahanap ko pati na ang gray short.

"Sa sala muna tayo Kuya,"

Tinapunan niya muna ako ng tingin bago siya sumunod kay Caleb papunta sa sala. Nang makalayo na siya ay bumaling naman ako kay Tita.

"Tita saan mo po ba 'yan nakita?" Halos mag tunog iritado ako sa tanong ko.

"Si Gideon? Ah nakita ko siya sa kanto ang sabi niya papunta sana siya sa malapit na resort kaso baha na kaya hindi siya natuloy. Hindi na rin naman siya maka alis kaya sinama ko na lang dito."

Umirap ako. Resort? Hindi naman daanan ang barangay namin papunta sa kahit saang resort eh sinong niloko niya tss.

"Ahh gano'n po ba kawawa naman siya." Asar kong tugon pero may kasamang pag irap.

Nang matapos na kaming mag ayos ng hapag ay inutusan ako ni Tita na tawagin na sila at nakita ko silang naglalaro pa rin ng chess. Pero si Gideon ay halatang nababagot sa ginagawa, si Tito naman ay nawiwili sa panonood.

Tumikhim ako at agad kong naagaw ang atensyon ni Gideon. Umayos siya ng upo at hinintay ang sasabihin ko.

"Kakain na raw tayo." I announced.

"Kain na raw tol masamang umabot ng tatlong tawag 'yan si Zik parang dragon." Nagmadaling tumayo si Benjie.

"Bilis gago mamaya na 'yan!" Sumunod si Liam at lahat sila ay tumayo na.

Ngumiti ako dahil sa ginawa nila. Nag form pa sila ng line na para bang isang platoon sila. Si Tito ay nanguna at sinabayan ang trip nila. Si Gideon ay nakakunot ang noo at nalilito pero sumunod pa rin sa pila. Nasa pinakahulihan siya kaya naman naubusan siya ng upuan.

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now