CHAPTER 9

3 0 0
                                    

Pagkatapos na pagkatapos akong pakainin ni Gideon ay bumaba na agad ako. At ngayon ay kaharap ko si Melissa at Gara na kanina pa nakatingin sa akin habang nagbubulungan.

"Ano ba kayong dalawa kanina pa kayong ganiyan." Pagpuna ko na.

Umarko ang kilay nila sa akin at nilapit ang mukha nila sa mukha ko.

"Normal naman siya Melissa," si Gara.

"Of course I'm normal! Ano ba kayo."

"Natulog lang kami pag gising namin nasa kwarto ka na ni sir Gideon? Ikaw ah! Anong ginawa niyo?"

Nanlaki ang mga mata ko.

"Hoy w-wala kaming ginawa. Nilalagnat ako kagabi."

"Alam namin. Pero bakit ka nasa kwarto ni sir Gideon? Eh may kama naman dito at may gamot."

Ngumuso ako ng hindi makahanap ng sagot. Hindi ko rin alam kung paanong napunta ako doon sa kwarto niya.

Pumasok si Tita at sinagot ang tanong ni Melissa.

"Kukuha lang dapat ako ng maligamgam na tubig pero nakita ako ni Gideon at nagtanong siya kung ano ang gagawin ko sa tubig. Sinabi kong inaapoy ng lagnat si Zik."

Kunot noo sila habang nakikinig kay Tita at maya't maya ang pag sulyap sa akin.

"Ang sabi niya ilipat sa kwarto niya si Zik dahil may heater pumayag naman ako dahil nakaka awa na itong pamangkin ko."

Pero bakit pumayag kayong siya ang mag punas at mag alaga sa akin?

Tanong kong hindi ko na isinatinig.

"Ahh 'yon pala ang dahilan," halos sabay nilang sabi.

Hinarap ako ni Tita.

"Zikretto nag paalam na ako kay Senyora Gillyn kung puwede kang umuwi para makapagpahinga. Puwede naman kaya mag ayos ka na ng gamit mo at umuwi ka muna sa Bulacan."

Ngumiti ako at tumango.

"Sige po Tita pero, hindi ka ba sasama?"

"May trabaho ako rito at isa pa nakakahiya kung dalawa tayong aalis. Lalo pa't malapit na ang kaarawan ni senyor."

Dahil sinabi niya iyon ay may naalala ako.

"Nga pala Tita baka sa susunod na buwan po mag resign na ako rito."

"Huh bakit naman?" Si Melissa.

"Kasi magsisimula na ang mas hectic na schedule ko hindi ko na kayang pagsabayin ang trabaho at ang pag aaral ko."

Their emotion softened.

"Don't worry, bibisita ako sa inyo at saka next month pa naman." I chuckled.

Pagkatapos ng kwentuhan namin ay inayos ko na ang gamit ko. Nang nasa akto na ako ng pag bibihis ay naalala ko na suot ko pa pala ang hoddie ni Gideon.

"Sa bahay ko na lang lalabhan," I talked to myself before taking it off.

Lumabas ako na dala ang backpack ko. Masama pa rin ang pakiramdam ko at siguradong makakatulong kung uuwi ako sa bahay pansamantala.

"Tita aalis na po ako," pag paalam ko sa kaniya.

Inabutan niya ako ng pamasahe at tumalikod ako. Pero hindi paman ako nakaka hakbang ay lumingon ulit ako.

"Uh Tita.." I uttered not surely.

"Bakit?"

I bit my lower lip and just shook my head.

"Wala po alis na po ako."

"Mag iingat ka at ayusin mo na rin pala yung bayad ng mga tenants."

"Opo sige po."

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now