CHAPTER 16

5 0 0
                                    

Nasa gano'n kaming sitwasyon ng datnan kami ni Gara at Melissa kaya ako na ang lumayo sa kaniya.

"Ito na ang meryenda!"

Umahon ako sa tubig at kinuha ang damit at salamin bago sila hinarap.

"Magbibihis na ako Gara, Melissa." Malamig kong sabi bago umalis sa pool.

"Teka Zik!" Tawag nila pero hindi ko sila nilingon.

Para akong lumulutang habang naglalakad. Dirediretso lang akong naglakad hanggang sa makapasok sa C.R.

Sinarado ko ang pintuan at sumandal sa likod nito. I put my hand on my chest and feel the heavy heartbeat of my heart.

It's beating with ache.

I don't know what to say after I felt his gestures. I'm feeling the doubts and not the sincerity from his actions given that he didn't give the assurance that I want. It's terrifying to interpret his actions and words because I know that when I did, I will lose the control in myself.

Pagkatapos ng eksena sa pool ay hindi na ako pumunta sa mansion. Day off naman kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa mga babasahin ko pero masyadong magulo ang utak ko para mag sink in lahat ng binabasa ko.

Kaya nahiga na lang ako ng tahimik at tumingala sa kisame. Wala sa sariling hinawakan ko ang labi ko ng maalala ang dampi ng labi ni Gideon doon.

Sinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako naapektuhan sa halik niya. At traydor nga siguro ako kung gugustuhin kong paniwalaan na hindi ako humalik sa kaniya pabalik.

"Zik tumutunog yung cellphone mo." Pag basag ni Tita sa mga iniisip ko.

I shifted on my position to quench the thoughts on my head.

Sinagot ko ang tawag ng makitang si Uno iyon.

["Hello Zik?"]

"Pautang nga ako ng 5k" Lutang kong sinabi.

["Pambihirang bungad yan. May nangyari ba?"]

Bumuntong hininga ako.

Sobrang dami ng nangayari Uno.

"May kailangan lang akong bayaran. Babayaran na lang kita."

["Sige mamaya mag wi-widraw ako, teka ngayon mo na ba kailangan?"]

"Kahit na bukas na lang."

["Ang tamlay ng boses mo ayos ka lang ba?]

Hindi ako ayos Uno, Pero syempre hindi ko iyon pwedeng sabihin.

"Hmm. Ano nga palang kailangan mo bakit ka tumawag?"

[Ah oo nga pala! Birthday celebration ni Jayze ngayon invited tayo ano sasama ka? Kung masama ang pakiramdam mo pwede naman na kami na lang ni Fan."]

"Sasama ako."

I need to breathe and get away from this house. I need to distant myself from Gideon at least for the mean time.

["Whoah bago 'yan ah. Alright I'll pick you up on six?"]

"Yes, take care."

I ended the call and get up from my bed.

"Tita aalis po ako mamaya ayos lang ba?"

"Saan ka pupunta?"

"Birthday party po kasama ko sila Uno at Faniel."

"Mag iingat ka lang."

Tumango ako at binuksan ang cabinet para maghanap ng susuotin. Habang ginagawa ko iyon ay umupo si Melissa sa kama ko.

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now