CHAPTER 27

4 0 0
                                    

Nang bumalik ako sa mansion ay sumalubong sa akin si Tita. Tinali ko na ang buhok ko at inalis ang suot na salamin. Naiinis rin ako sa sarili ko kung bakit ba ginagawa ko 'to.

"Zikretto saan ka ba galing? Ang daming trabaho rito," Sermon ni Tita.

"Sorry po," Nakatungo ko na lang na sagot dahil wala naman akong ibang pwedeng i dahilan.

"Darating ang mga kaibigan ni Gideon, ayusin niyo ang pagkain nila."

"Ilan ho ba sila Ate Carmen?" Tanong ni Melissa.

"Pito yata sila. Mag ayos na kayo at nauna na silang dalawa ni Maliyah sa pool."

Ngumuso ako. Kilala niya pala si Maliyah.

Nag handa kami ng meryenda nila, pati na ang mga towels na gagamitin nila ay nakahanda na rin. Ilang sandali pa ay dumating na ang mga kaibigan ni Gideon.

Agad kong nakita ang babaeng walang modo kung umasta.

"I can't tie my bikini top Gideon can do it for me?" I shifted on my position and looked behind me.

And there I saw Gideon facing Maliyah's bare back while tying the lace of her bikini top. He's topless and just wearing a black short. Maliyah is wearing a lace bikini that perfectly hug onto her body, her hourglass figure is domineering.

My shoulders dropped while looking at them.

"Zik! Tara na!" Sigaw ni Gara na naka agaw ng atensyon nila.

Gideon turned his face to me, his eyes widened and he immediately removed his hand on Maliyah's back.

"Z-zik," He muttered nervously.

I blinked twice and pulled back the string of my senses. Without any words I went back to the kitchen.

The bitterness is slowly creeping in me as the scenes lately repeatedly flashed in my memory.

"Zik mahihiwa ka!" Napatalon ako sa gulat dahil sa sigaw ni Gara.

Nahatak ko ang kamay ko pataas pero huli na ang lahat. Nahawakan ko na ang nakatingalang kutsilyo at dumudugo na rin ang gitna ng palad ko.

"Hala be nasugatan ka! Ang daming dugo a-anong gagawin ko? Takot ako sa dugo!" Kinakabahan niyang sigaw at hindi malaman ang gagawin.

Pinanood kong umagos ang dugo galing sa palad ko, tumulo pa ito sa malinis at makintab na tiles pero wala akong maramdamang hapdi o kirot dahil abala ang sarili ko sa ibang pakiramdam.

"Anong na- Inay ko po! Bakit may dugo? Ano'ng nangyari?" Si Vicky ay lumapit agad sa akin at hinawakan ang kaliwang kamay ko.

"Nahiwa siya, pakikuha nga ng first aid kit sa quarters Vicky. Bilisan mo."

"Sige sige sandali lang."

Nang makontento sa panonood at sa wakas ay maramdaman ang kirot ay lumapit ako sa sink at hinayaan itong linisin ng agos ng tubig.

"Patingin nga ako,"

Bumuntong hininga ako ng makita ang mahabang hiwa sa gitna ng palad ko.

"Si Melissa talaga kahit kailan napaka burara kasi! Tingnan mo nasugatan ka tuloy."

"Gara kalma, hiwa lang ito."

Vicky came with a first aid kit and I cleansed my wound and put a bandage on it. Now I look really useless.

"Ayos na. Tara na balik na tayo sa trabaho," I smiled at them.

Bumalik kami sa trabaho at inutos ko na lang kila Gara at Melissa ang pagdadala ng mga meryenda ng mga nag kakasiyahan sa pool. Imbis na silipin sila ay naglinis na lang ako sa kwarto ni Katie.

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now