CHAPTER 1

13 0 0
                                    

"Psst, ganda tapos na yata umikot yung washing machine."

"Ay tapos na ba?"

"Hmm."

Tiniklop ko ang libro ko at nilapitan ang washing machine.

"Hindi ka sumali sa rally?" Tanong ni Melissa.

"Hindi ano namang gagawin ko do'n? Hindi na nga ako mag kanda ugaga sa schedule ko sasali pa ako."

"Buti na lang hindi ka sumali, nag kagulo andaming sugatan."

Kumunot ang noo ko at tiningnan ko siya.

"Totoo?"

"Oo nakita ko sa news kanina. May mga nabalian pa nga ng buto."

"Buti na lang hindi ako sum-Ay lagot!"

Tumayo ako bigla at kinuha ang cellphone.

"Bakit?"

"Yung kaibigan ko sumama siya."

"Huh?"

"Wait lang tatawagan ko."

I scroll down on my phone and make a call.

["Hello sino 'to?"]

"Uno, ayos ka lang ba? Nag kagulo raw sa rally."

["Ah Zik ikaw pala. Oo ayos lang ako galos at saka pasa lang."]

I sighed.

"Why would you join that rally in the first place? Look what you got."

I heard his low chuckles.

["I'm fine Zik, kailangan ma patalsik na ang corrupt na'yon masyado ng magulo ang bansa dahil sa isang katulad niya."]

"Wow, ede sana nag Law ka hindi nag doctor diba?"

["Wala yan sa kurso nasa puso yan."]

"Zik, nandiyan si Ma'am!" Melissa whispered.

"Tatawagan kita ulit Uno, balik lang ako sa trabaho."

Binaba ko ang tawag at tinago ang cellphone saka ipinag patuloy ang pag lalaba. Bandang tanghali na ng matapos ako.

Kasalukuyan kami ngayong kumakain ng tanghalian dahil katatapos pa lang kumain ng mga amo namin.

"Natupi mo na ba yung mga labada mo?"

"Opo Tita."

"Dalhin mo na lang sa kwarto at si Gara na ang mag pa-plantsa, hindi ka pwedeng mag plantsa dahil baka mapasma ka."

"Nga pala Zik, lalabas ako mamaya gusto mo sumama?"

"Saan ang punta mo?"

"Diyan lang mag lilibot libot, sabado naman ngayon eh."

"Hay nako Melissa huwag mong idamay si Zik sa pagiging lakwatsera mo kita mo ngang hindi na siya mag kanda ugaga sa pag aaral isasama mo pa sa lakwatsa."

"Ate Gara naman parang hindi ka rin lakwatsera ah at saka okay nga 'yon eh para naman maka pag pahinga siya."

"Pahinga ba ang pag lalakwatsa Melissa? Mapapagod din ang binti mo sa kalalakad." Pag singit ni Kuya Piyo, ang hardenero dito.

Inabot ko ang baso at uminom ng tubig.

"Tatapusin ko pa yung reaction papers ko."

Nginiwian ako ni Melissa samantalang tumayo na ako para ilagay sa lababo ang pinag kainan.

"Where's Tita Zik?"

Ang maliit na boses na iyon ang naka pag patigil ng tsismisan nila.

"Hi Lei, bakit mo hinahanap si Zik?"

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now