CHAPTER 7

7 0 0
                                    

In life the worst thing that we can ask is being recognize without worrying if we have the title or not. Most of our lives we ask for validation to the point that we forgot to validate ourselves.

I don't usually ask for validation from the other people, only from my mother. Sa kaniya lang.

Inayos ko ang name plate sa gilid ng uniporme ko. Tiningnan ko rin ang sarili sa salamin, sinuri ang puting skirt at blouse maging sapatos. Ang mahaba kong umaalon na buhok ay mamasa masa pa habang nakalugay. Nag pulbo ako at naglagay ng kaunting liptint. May maputi akong kutis, malalim na mga mata, makapal na kilay, matangos na ilong at perpektong hubog ng labi, bagay na madalas mapuna sa akin. Sakto para sa maliit kong mukha.

Halos isang oras lang ang tulog ko kaninang madaling araw at ngayon ay maagang nagising.

Lumabas ako ng kwarto at nakita si Melissa at Kuya Emz nag kakape.

"Aalis ka na?"

"Oo Kuya may long quiz kami eh."

"Naks! Good luck Zik!" They cheered and I smiled.

"Thankyou. Una na po ako."

Sila palagi ang walang sawang sumusuporta sa akin. Mula sa maliit kong achievements hanggang sa malalaki ay sila ang pumapalakpak sa akin.

Kapag exams week halos kunin na nila ang lahat ng trabaho ko makapag review lang ako ng maayos.Para sa kanila, isa akong espesyal na tao.

Lumabas na ako ng quarters at inayos ang strap ng bag ko. Sumilip muna ako sa kitchen para mag paalam kay Tita at Nata.

Palabas na ako ng gate ng maalala ang naiwan kong notebook sa kama ko kaya naman bumalik ulit ako sa loob.

Mabagal lang ang lakad ko dahil maaga pa naman at habang ginagawa ko iyon ay nag me-memorize ako sa utak ko.

Pero sa kalagitnaan ng paglalakad ko ay tumigil ako dahil naagaw ng damit na nakalutang ang atensyon ko. Nanlaki ang mga mata ko ng may kamay na kumawag kawag.

Nakita ko si Lei na nasa ilalim na ng pool at mukhang nalulunod.

Wala sa sariling inalis ko ang bag at basta na lang tumalon sa pool. Sa lakas ng bagsak ko ay nakagawa ito ng alon.

Mabilis akong lumangoy papunta sa kaniya. Sa ilalim ay kita kung paano siya pilit na pumapadyak na naging dahilan ng pag bula ng tubig.

Nang sa wakas ay makarating ako sa kaniya ay tumigil na siya sa pag padyak. Inangat ko agad siya sa tubig.

"Lei? Lei ayos na okay na."

Pero hindi siya sumagot. Nang tingnan ko siya wala na siyang malay. Agad na dumagundong ang kaba sa dibdib ko at mabilis na sumigaw.

"Tulong! Tulungan niyo kami!" Sigaw ko habang lumalangoy papunta sa gilid.

Pilit kong binuhat si Lei at paulit ulit na sumigaw.

"Ano bang ingay 'yan- Oh my gosh Jadelei!" Sigaw ni Ma'am Calli na nagmadaling lumuhod sa pool para salubingin kami.

"W-what happened?!" Sigaw niya pero hindi ko masagot dahil abala ako sa paglangoy.

Lumabas na rin ang mga kasambahay at iba pang tauhan sa bahay.

"Diyos ko anong nangyari? Bakit nandiyan si Lei?" Si Nata na agad humawak sa dibdib niya.

Nang makarating sa gilid ay may kamay na humablot kay Lei. Nang mag angat ako ng tingin ay nakita ko si Gideon. Magulo pa ang buhok at halatang bagong gising.

"Call the ambulance! Bilisan niyo!" Si Ma'am Katie na muntik pang madulas dahil sa pagtakbo.

"Is she breathing? Lei? anak mommy's here baby wake up."

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now