CHAPTER 3

6 0 0
                                    

The most important part of your life is the making of it. So you have to be brave and smart because this isn't as easy as building a snowman.

I inhaled as I lift my chin to look at the huge and proud university in front of me.

University of the Philippines.

The school who witness and mold the dream of every student who wants to prove themselves. The back mirror that hold the naive and fragile vista of dreamers like me.

Isa na namang abalang araw sa loob ng napaka laking unibersidad. Tanaw ang mistulang langgam ng estudyante, nakatayo lang ako sa harap ng Quezon Hall.

Kung paanong ang isang katulong na tulad ko ay naka pasok sa isang marangyang unibersidad na ito iyon ay dahil may isang matapang at masipag na babae na naka alalay sa akin.

"Zik!"

Hinahanap ko ang pinanggagalingan ng boses na'yon at nakita ko si Faniel na tumatakbo palapit sa akin.

"Hello Good morning!"

Niyakap niya ako ng pagka higpit higpit.

"Teka Fan, miss na miss mo naman yata ako."

"Ahh I miss you so much talaga! Hirap na hirap na ako mag review I need your help."

"Ano namang tulong ang kailangan mo?" I winced.

"Group study tayo nila Uno mas effective kasi kapag may nagtatanong sa akin eh."

"Oh bakit hindi mo tawagan si Sir at sabihin mong gusto mo ng magtatanong sa'yo, kahit mag umaga papalag yun." I flashed a playful smile.

She rolled her eyes.

"Ayoko nauumay na nga ako sa kaniya tsk. Nasaan na ba si Uno?"

Pagka sabi niya n'on ay sakto naman na tumunog ang cellphone ko, tumatawag si Uno.

["Hinahanap niyo ako?"] Bungad niya.

"Nasaan ka na?"

["Sa second floor tinitingnan kayong dalawa."]

Pagka sabi niya n'on ay tumingala ako sa second floor pero napanguso rin agad.

"Hindi ko man lang maaninag tsk. Pupunta na lang kaming dalawa diyan."

["Sige bilisan niyo."]

"Nasaan daw siya?" Si Faniel.

"Nasa second floor daw punta na tayo do'n."

"Baliw ba siya? Bakit may pa second floor pa siyang nalalaman?"

"Hindi ko alam sa kanya ang mabuti pa puntahan na natin."

Nakahalo kami sa grupo ng mga estudyante na pa akyat sa second floor ng Quezon Hall. Ang maganda sa pagiging isang Iska, tawag sa mga nag aaral dito sa U.P ay matatanggap mo ang pagkilala. Nasanay kasi tayo na kapag naririnig ang U.P unang tumatatak ang salitang "Matatalino at Magagaling" isa sa mga dahilan kung bakit ginusto kong makapasok dito.

Pero kaakibat ng mga salitang magaling at matalino ay ang hirap at pag titiyaga ng mga estudyante. Sa entrance exam pa lang ay pahirapan na doble o triple pa kapag nag simula ka na sa course mo.

Para sa isang med student na katulad ko, I need to be emotionally, physically and mentally prepared. Dahil hindi biro ang kursong kinuha ko. Kung sa bagay, wala namang kursong madali.

"Naks naman artistahin ka sa salamin mo ah!" Kantyaw agad ni Faniel ng makarating kami kung nasaan si Uno.

Habang ako naman ay inalis ang suot niyang salamin at hinawakan ang panga niya para ipaharap sa akin ang mukha niyang puno ng gasgas at pasa.

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now