CHAPTER 4

6 0 0
                                    

Araw-araw pareho lang ang routine ko. Papasok sa eskwelahan at uubusin ang maghapon tapos uuwi ng gabi para magtrabaho. Pero ngayon half day lang ang klase ko kaya naman mas maaga ako sa trabaho ko.

Kasalukuyan akong gumagawa ng snacks para sa mga lalaki at babaeng naliligo ngayon sa pool. Mga kaibigan ni Gideon. Hindi ko pa nalilimutan kong paanong ilang araw akong hindi nagpakita kay Gideon dahil sa sobrang kahihiyan.

"Zik, ayos na ba 'yan?"

Nag angat ako ng tingin kay Melissa bago hininto ang paghahalo sa juice.

"Ayos na'to bakit?"

"Ako na lang ang magdadala sa kanila."

"Sige eto oh."

Marahan kong inabot sa kaniya ang tray na may pitcher at mga baso. Kinuha niya naman eto sa akin at handa na sanang lumabas ng bigla ay tinawag siya ni Nata.

"Melissa pumunta ka muna ngayon sa grocery store dahil naubusan ako ng sangkap sa lulutuing ulam mamaya. Magagalit si Gideon kapag kulang ang sangkap ng ulam niya."

Pagkasabi niya n'on ay tiningnan ko si Melissa na nakatingin din pala sa akin.

"Pano yan Zik ikaw na muna ang magdala nito sa kanila mamamalengke pa raw ako eh. Ayos lang ba?"

Sumulyap ako sa pool area at nakitang nagkakatuwaan na ang mga babae sa tubig habang ang mga lalaki naman ay binabasa sila. Hinanap ng mata ko si Gideon at nakita ko siyang nasa gilid kaharap ang laptop at may kausap na lalaki.

I slightly bit my lip and nodded. Ayos lang naman dahil malayo naman siya.

"Akin na ako na." Kinuha ko ulit sa kaniya ang tray at naglakad na palabas.

Malawak ang infinity pool, sa gilid ay nakalinya ang ilang sun loungers at preskong preskong tignan dahil sa mga halamang maayos ang pagkakatabas. Sa bandang gilid naman ay ang may makikitang shower.

Nagpatuloy ako sa paglalakad habang pasimpleng pinapanood ang mga babaeng lumalangoy. They're shamelessly showing their curve with their sexy swimwear same with the boys.

Pinilig ko ang ulo ko at dumeretso na sa isang lamesa. Inilalagay ko ang pitcher ng orange juice pati na ang mga baso ng lumapit ang isa sa mga lalaki.

"Hi! Can I get my drink now?" He asked.

Tumango naman ako nananatiling blanko ang ekspresyon habang inabot sa kaniya ang isang baso. Ngumiti naman siya sa akin at kumuha ng iinumin niya.

Sumunod din ang ilan pa pati na ang mga babae.

"Juice nga," The girl with the red two piece ordered and the other girls did the same.

Nasa isang linya lang ang labi ko habang isa isa silang sinasalinan ng juice. Dumating din si Gara na dala ang mga nachos at iba pang junkfoods at umalis din agad.

"Ang sinasabi ko lang naman bakit hindi mo tigilan?" My brows furrowed and I slightly lifted my eyes to look at the two man heading to us.

The reason why I didn't notice that the glass is now full of juice.

"What the heck?! Wala ka bang mata?" Inis na sigaw ng kulot na babae at padarag na binaba ang baso.

Sa gulat ko ay naibaba ko rin ang pitcher.

"P-pasenya na hindi ko sinasady-

"Stupid!" She spat.

I pursed my lips. Dinaluhan siya ng mga kasama niya na para bang mainit na tubig ang sinaboy ko sakanya at napapaso siya.

Basa na rin naman siya tss..

"Is this your maid Gideon? My god I can't believe you have a stupid maid in your house." At hindi pa talaga siya tapos ah.

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now