CHAPTER 12

4 0 0
                                    

Pumasok ako ng eskwelahan at suot na ang eyeglasses na binigay ni Gideon. Ayaw ko sanang suotin pero kinuha ni Tita yung luma kong salamin at tuluyan ng binasag. Kaya wala akong choice kung hindi gamitin.

Nagtaka pa nga ako na kuhang kuha ang grado ng mata ko. Halos pareho lang ng dati kong salamin, mas matibay at halatang mahal nga lang ito kumpara doon.

"Ganda ng salamin natin ah! Bagong bili?" Si Uno ng makita akong nakatulala sa may bintana, maaga akong pumasok at halos wala pa ang mga blockmates namin.

"Regalo lang wala naman akong pambili," tamad kong sagot.

"Bakit parang bad mood ka yata? Ay Teka nga pala si Jayze naalala mo?"

Nilingon ko na siya ngayon. Nakasuot siya ng rayban at prenteng nakaupo sa lamesa.

"Yung lalaki sa bar?"

"Oo siya nga. Dadaan daw siya dito mamaya gusto kang makita."

"Baliw ka ba?!" Inis kong tanong.

"Bakit? Makulit eh gusto ka raw makita kasi hindi ka na bumalik sa bar. Tinamaan talaga yun sa'yo Zik. Hanep ganda mo kasi eh." Umiling iling siya habang nakangisi.

"Binugaw mo na naman ako Uno!"

"Hindi nga! Promise siya talaga ang nag insist pakita ko pa sa'yo convo namin eh. Hinihingi nga sana number mo kaso hindi ko binigay, sabi ko hindi ka naman pala gamit ng phone."

Sa lahat ng sinabi niya diyan lang ako natuwa.

"Mabuti naman at may natitira pa palang katinuan diyan sa utak mo."

He chuckled. "After class daw dadaan siya ah."

"Sino?" Faniel just arrived.

"Oh nandito ka na pala panget."

"Uno 'wag mo akong simulan. Kay aga aga sinisira mo ang mood ko." She rolled her eyes.

"Sino ba ang pinag uusapan niyo?" She asked while fixing her things on the table.

"Wala, si Jayze dadaan daw dito mamaya gustong makita si Zik."

Faniel exaggeratedly turn her head to me.

"As in?! Oh wa- Kaya ba bago ang eyeglasses mo?!"

"Don't shout. Hindi ko alam na dadaan siya okay? Si Uno ang may alam at isa pa binigay lang 'to sa akin ni Gideon." Tuloy tuloy kong sabi.

Na naging dahilan ng biglang pag tahimik nila. They even look at each other's eyes like I said something really life changing.

"Who the hell is Gideon?" Uno muttered.

"Oo nga sin-

Hindi na natapos ni Faniel ang sasabihin niya dahil dumating na ang professor namin. Bagay na pinagpasalamat ko.

Sa buong maghapon namin ginugol ang oras namin. Halos lahat yata kami ay kabisado na ang buong libro dahil sa kurso namin bawal kang makalimot. Isang mali lang ng salita o ng kahulugan ng gamot ay pwedeng ikapahamak ng magiging pasyente namin. Isang maling galaw ng kamay ay pwede kaming makapatay at iyon ang pinaka nakakatakot na pwede naming pagdaanan. Ang makitang mamatay ang taong gusto naming mabuhay.

Being a doctor is an amazing title but only the people like us can see the difficulties that we are facing to get that title. Many people wants the idea of being a doctor because it gives you a strong and competitive image but they didn't know that in order for us to become a doctor, we experienced first to become a patient. Because of low blood pressure due to lack of sleep, fatigue because we barely rest, and mental drain because we pushed our mind to the core. Even the emotional health is affected when we get scolded because we didn't meet the passing score for exam or we failed to do the procedure for the given surgery.

HYPNOTIZING LOOKS(Looks Series #2)| OngoingWhere stories live. Discover now