Chapter 53

1 1 0
                                    


Kinabukasan nagising ako sa ingay nila Ann at Angiena sa kwarto namin.

Bali dalawa ang kwarto ang kinuha nila. Girls and for boys daw hindi daw pwede mag katabi ang magkasintahan baka daw matukso. Tinawanan nalang namin ni Ezian ang sinasabi nila kagabi. Kasi wala pa sa isip namin iyon ni Ezian.

"Ahh, ang ingay nyo natutulog ang ato dito." Sigaw ko sakanila

Bumangon na ako sa kama nang makita ko silang dalawa na naka swimsuit na.

"Khen, magbihis kana nang swimwear sayang ang stay natin dito kung di natin makita kung gaano ka ganda ang lugar." Sabi ni Angiena habang sinusuot ang high waist short niya na manipis lang.

"Hinalughog ko pala yung bag na dala mo. Bakit wala akong nakita na swimwear hindi kaba maliligo?" Tanong ni Ann.

"Ha? Ano mag t-tshirt lang kasi ako. Hindi ko feel mag ganyan kagaya nyo. Atsaka wala akung ganyan hindi kasi ako gumagamit nang ganyan e." Nahihiyang sabi ko.

"Don't worry may dala akong maraming extra. Atsaka magkasize naman tayo kaya sure sakto to sayo " Maligayang sabi ni Angiena.

Nang mabigay na ni Angiena nag thankyou ako saka nagbihis na sa cr. Hindi na ako naligo kasi maliligo naman kami sa dagat.

Pagbaba namin kumain na muna kami. Napansin ko si Ezian. Grabe maka titig sakin kay tinaasan ko sya nang kilay para sabihin na "What?"

Umiling lang sya saka pinag patuloy ang kinain. Nang matapos na kami kanya kanyang picture sila.

Nong lumapit si Ezian sakin bigla syang umakbay. Hinayaan ko nalang tumingin ako sakanya saka kulang napansin na ang suot nya.

Ang gwapo manamit nang Boyfriend ko. Sa isip ko lang sinabi kahiya naman.

Tumingin narin ako sa paligid. Ang ganda sa lugar na ito ang pino nang buhangin nila ang at puti rin. Hindi pa ako naka punta nang Boracay pero para sa akin parang nasa Boracay narin ako.

Nagtaka ako kung bakit ang daming babae tumitingin sa gawi namin ni Ezian.

"Pinag nanasaan na nila yung boyfriend mo Khen. HAHAHA!" Sabi ni Angiena.

Ngayon ko lang namalayan na tapos na pala silang lumangoy ni Ann kasama si Ace. Pero asan na yung dalawa pa naming kasama?

"Yung dalawa ayun umaariba na." Biglang sabi ni Ann.

Nagkita nya siguro na may hinahanap ako. Tumango lang ako saka inaya si Ezian na maligo kami nung una hindi sya pumayag pero kalaunan pumayag na rin naman.

"Sa'ang University ka mag e-enroll?" Biglang tanong ni Ezian habang nasa dagat kami hanggang bewang lang di kasi ako marunong lumagoy.

"Sa UC ako. Ikaw ba?" Tanong ko pabalik.

"Sa Manila." Natigilan ako. Sure?

"Ahh, ganun ba? Anong course ang kukunin mo don?" Tanong ko nalang hindi ko kasi alam ang sasabihin ko.

"Kukunin kung course ay yung magiging driver ako." Nagtaka akong tumingin sa kanya.

Ngumiwi ako eh, anung pinagsasabi nito. Bigla syang tumawa.

"Baliw." Saka umirap sa kanya.

"I want to be a Pilot. That's my dream. Kaya doon ako sa manila mag aaral." Kaya ngumiti lang ako sa sagot nya.

"Ikaw anong gusto mo course?" Tanong nya habang hawak ang kamay ko.

" Gusto ko maging tagapagsilbi." Sagot ko agad.

"Okay, you're hired." Ngumiwi ako

"Eh?" Tanong ko.

"Sabi mo gusto mo maging taga silbi." Ulit nya sa sinabi ko.

"Oo. Nga pero hindi ako nag apply na taga silbi mo no." Umirap ako. Tumawa pa ang loko.

"Tss, sige na ano ngang course kukunin mo?" Tanong nya.

"Home ika-nanay gusto kung course." Natatawang sagot ko.

"Sige gawin natin yan pag katapos kung mag'aral at kapag nakahanap na ako nang trabaho agad. Tutuparin natin yang course na gusto mo." Kumindat pa nyeta.

Umismid lang ako. Saka sya winisikan sa mukha. Tawang-tawa ako nang gumanti siya.

"Pero seryoso anong kukunin mong course, Mine?" Seryosong tanong nya nang matapos kami sa panandaliang laro namin.

"Stewardess."  Ngumiti ako pagkatpos kung sumagot.

"Nice, Mine." ngumiti sya saka nag salita ulit  "Mag aaral ka nang mabuti ha. Para sa future natin." Natawa ako sa sinabi nya.

"Bakit nakikita mo na ba ako bilang future mo?" Tanong ko habang naka taas ang kilay ko.

"Oo. Simula nung sinagot mo ako." Ngumiti ako saka ko siya ni yakap.

"HOY!! ANO BAYAN! PARA KAYONG HINDI NA MAGKIKITA AH. SINUSULIT NYO BA ANG MGA ORAS LAGI HA!" Sigaw ni Ann sa pwesto namin kanina.

Napailing nalang kami ni Ezian. Sa totoo lang ngayon ko lang na realize na baka ito na huling pagsasama naming dalawa na ganito kami kasi nga diba sa manila na sya mag aaral. Andami pang magaganda don at mag Better pa sa akin.

Ang paranoid mo naman. Hindi pa nga umalis oh. Ganyan kana mag-isip. Okay. Quiet ka.

Pero hindi ko ma alis sa iisip ko ang posibilidad.

Posibilidad na makahanap siya nang iba doon.

Pero may tiwala ako sa kanya. Kaya paghahawakan ko yon.

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now