Chapter 29

12 1 0
                                    

"Talaga mahal mo ako?" Tuwang tuwang sabi ni Ace.

"Para ka namang ewan Ace e! Diba sabi ko hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kong ibigay? Oo, mahal kita. Kagaya nang pagmamahal ko nila Ann at Ni Angiena patas lang kayong tatlo sa pagmamahal ko. Walang lumalampas!" Inikutan ko sya nang mga Mata ko. Ang loko tinawanan pa ako tss.

"Talaga bang wala na akong pag-asa? Ligaw lang naman Khen eh. Pumayag kana please!" Napailing nalang ako sa kanya..

"Umuwi na tayo. Gabi na sigurado ako hinahanap na ako nila inay at itay ngayon kasi lagpas na alas 9:30 malapit na mag 10" sabi ko sakanya.

"Sige, hatid na kita at magsosorry narin ako kina inay at itay dahil binasted mo ako." Aba maypalabas dila pa sya.

Sa pagiging magkaibigan namin ni Ace nakilala narin nya ang mga magulang ko akala nga nila itay na boyfriend ko.

(Flashback)

Araw nang linggo naglalaba ako habang si itay nanunood nang TV. Si inay naman at kakatapos lang nyang maglinis.

"Tao po? Tao po?"

"Nay, maytao ata sa labas nay." Sigaw ko.

Habang nagsasampay ako. Biglang sinigaw ni itay ang panggalan ko.

"Kheishly Khen!" Bakit galit si itay? Kaya dali-dali akong pumunta sa loob.

"Bakit po tay?" kinakabahang tanong ko.

"May boyfriend kana ba?" Seryosong tanong ni itay.

"Po? Wala po. Diba study first before boyfriend" tumago si itay sa sagot ko.

"Kung ganoon sino yung lalaki na nasa salad?" Naguguluhan kong tiningnan si itay? Lalaki? Si Ace at si Ezian lang ang mga kaibigan Kong lalaki. Imposible naman kong si Ace mas lalong imposible kong si Ezian.

Kaya lumabas ako sa sala at nakita ko kung sinong damuhong lalaki ang bumisita sakin na napagkamalan ni itay na nobyo ko!

"Ace!" Sigaw ko sa pangalan nya. Pangiti pa syang lumingon sakin.

"Hi, Khen." sabi nya saka nya nilingon ang mga magulang ko " inay, itay bibisitahin ko lang po ang KAIBIGAN ko" ang mukong talagang diniin ang salitang kaibigan.

(End)

"Hoy! Tayo na dyan" nandito na pala kami sa harap nang bahay.

"Sige na alis na choo, choo." Pagtataboy ko sakanya. Ang turing ko kay Ace para ko na syang Boy Best friend.

"Papasokin mo muna ako. Magsusumbong pa ako kila inay at itay." ang luko parang sakanila ang bahay dumiretso talagang pumasok ah! Kapal talaga nito.

Pagpasok ko nasa salas na sila nag uusap. Nadatnan ko si Ace talaga ang loko tinutoo talaga ang pag sumbong.

"Alam mo inay? Binasted po ako ni Khen kanina." Nakangusong sumbong nya sa nanay ko

"Dapat lang sayo." Sagot naman ni itay. Natatawa ako kasi si tatay ang laging bumabara kay Ace.

"Tay naman e. Hindi ba kayo naaawa sakin?" Naka ngusong tanong nya kay itay. Sinagot sya ni itay sa pamamagitan nang pag-iling nang kanyang ulo.

Nagkwentohan muna sila bago ko tinaboy si Ace paalis nang bahay namin.

Kinabukasan maaga akung pumasok sa sobrang aga kong pumasok ako palang ang unang tao na nakatambay sa guardhouse. Kaya nag basa nalang ako nang notes ko baka may surprise qiuz na naman si miss.

"Hindi mo ata kasama ang manliligaw mo dito." Nagulat ako kasi may biglang nagsalita sa tabi ko. Kaya lumingon ako sa kanya.

"Nakakagulat ka naman Ann" sabi ko kay Ann "Ha? Sinong manliligaw?" Tinuon ko ulit ang mga mata ko sa binasa ko.

"Anong tawag mo doon sa surprise ligaw nya kahapon?" Kibit balikat nyang sabi.

"Ahh, ekis nayon kaagad kahapon. Naintindihan naman nya kung bakit." Ngiting sabi ko.

Tumango-tango lang sya saka nya kinuha ang cellphone na sa kanyang bulsa. Wala siguro sa mode si Ann. Kalaunan dumating rin si Ace parang walang nangyari kahapon kasi kagaya nang dating ginagawa ni Ace kay Ann iniinis nanaman nya ito. Mukha hindi naman gaano naaapektohan si Ace sa pagbabasted ko sa kanya kahapon naiintidihan nya rin siguro.

"Hi Ezian" bati ko kay Ezian nang umupo na sya.

Nandito na pala kami sa classroom namin hinihintay nalang namin ang magtuturo samin ngayon.

Tumanggo lang si Ezian at hindi na ulit nya ako nilingon pa. Nagtaka ako may problema na naman ba kami? Hindi nya kasi ako sinagot.

"Ahmmm, okay ka lang ba?" Tanong ko sa kanya.

"Pwede mamaya nalang tayo mag-usap" sabi nya at tumingin na sya sa harap. Hindi na ako sumagot mukhang badmode ata sya ngayon. Hayy ano bang nangyayari sa mga tao ngayon? Kanina si Ann ngayon si Ezian na naman?! Hayy...

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now