Chapter 31

6 0 0
                                    


Maagang natapos ang klase namin sa umaga kaya tambay Mona kaming tatlo dito sa may stage. Tiningnan ko ang dalawa kong kasama ang b-busy nila sa kanilang mga cellphone kaya nilabas ko rin itong aking pinaka-iingatang cherry mobile. Wala lang ingit ako sa dalawa ang b-busy kasi wala akong makausap. Pero tinago ko nalang ulit naaalala ko wala pala akong load.

"Guys" tawag pansin ko sa kanila.

"Bakit?/Mmmm?" Sabay na sagot nilang dawala. Pero hindi parin nila ako tinapunan nang tingin.

"Pwede pansinin nyo naman ako. Parang wala kasi kayong kasama e. Hello! O.P. here." Nakangusong sabi ko sakanila.

"Sorry Khen. Naaliw lang ako dito sa ipinapapasa kong video" Sabi ni Angiena.

"Ahmm, ako may tiningnan lang sa files?" Hindi siguradong sagot ni Ann.

"Ahh, okay." Sagot ko nalang sa kanila.

Tumahimik na ulit. Di naman nag tagal biglang tumunog ang Tyan ko. Tumingin ako sa dalawa na ngayoy nakatingin na sakin.

"Hehehe. Nagugutom na ako kain na tayo?" Nahihiyang aya ko sa kanila. Tumango at umiiling iling lang silang dalawa at pinipigilan nilang matawa.

Ang sama nang mga to. Pagtawanan ba naman ako akala nila di ko yon nakita ha.

"Ilabas nyo na yan. Baka maka utot pa kayo dyan e."

"Hahahahaha. Ang dami kong tawa." Si Angiena sige lang tawa lang kayo.

"Hahaha. Tawa ko mga tatlo" sira ulo talaga tong dalawa mmmmp.

"Ewan ko sa inyo." Inikotan ko nalang sila nang mata.

Pagkatapos naming kumain nang pananghalian biglang nagsalita si Ann. Pero nasa room na kami. Tumabi kami ni Angiena sa kanya.

"Anyare sainyo ni Ezian mo." Taas kilay nyang sabi Ann

"Oo. Nga." Epal na naman ito.

"Walang nangyare. Teka bakit ako na naman ang topic?" Nakangusong tanong ko.

"Wag kang ngumuso di bagay sayo." Ang sama ni Ann grabe sya sakin.

"Wag kang maniwala dyan. Ang cute mo kaya." Nakangiting sabi ni Angiena buti pa ito ang baet saakin.

"Cute kalang pero maganda ako. Hehehe." Binabawi ko na ang sinabi ko pareho silang dalawa ang sama nila sakin pareho.

"Nagfefeling na naman." Irap ni Ann Kay Angiena.

"Shut up!" Nagaaway na ba sila nito? Bakit nakangiti? Hays. Mga baliw.

"Wag mong ibahin ang topic. Iwasan ang drama? Dedmahan? O tagoan nang feelings?" Kinonotan ko nang noo si Ann ang pinagsasabi nito?

"Ha?" Sagot ko nalang e sa diko gets ang sinabi nya e.

"Ewan ko sayo Khen. Hanggang saan mo titiisin yan?" Ano bang pinagsasabi nang babaeng to?

"Titiisin ang alin?" Nalilitong tanong ko sa kanya.

"Sooner or later. Malalaman mo rin kong anong ibig kong sabihin." Si Ann ba talaga tong kausap ko?

"Haha. Pagnalaman na ni Khen ang ibig mong sabihin Ann sigurado ako mas lalo lang nyan itatago." Isa pa to si Angiena e.

"Diretsohin nyo nalang kaya ako. Ako lang ba ang walang ka idea-idea sa sinasabi nyo? Kung oo. Pwede pakilinawan naman?" Sabi ko sa kanila.

"No!/Hindi." Sabay nilang sagot. "Dika pwede namin pangunahan sa bagay nayan Khen. Kaya ikaw dapat ang makatuklas kung ano ba talaga." Dugtong ni Ann.

"Im sure malapit mo narin malaman yan kung ano yon." Bumuntong hininga muna sya bago sya nagpatuloy sa pag sasalita. "Nakita ko ang reaksyon mo kanina nakita mo sya diba? Anong nararamdaman mo kanina?" Kalmadong tanong ni Ann.

Bakit kinakabahan ako? Ano batong  pinagsasabi ni Ann? Ano bang nangyayare? Nakita ang reaksyon ko? At anong  pinagsasabi nitong nararamdaman ko? Nalikito na talaga ako.

"Ha?" Sagot ko. "Ann wala bang clue? Nalilito na talaga ako sa pinagsasabi mo sa akin e." Pagtatapos ko sa sinabi ko.

"Pagisipan mong mabuti ang sinasabi ko sayo  Khen. May clue na yon di mo lang pinagtounan nang pansin." Ano ba yan o. Naninibago talaga ako sa kanya ngayon.

"NANDYAN NA SI SIR!" sigaw nang  kaklase namin diko namalayan ang dami na pala namin. Nag bell na ba? Tumingin ako sa katabi nang upoan ko si Ezian. Nagpaalam na kami ni Angiena Kay Ann saka bumalik na sa aming  kanya kanyang upoan.

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now