Chapter 14

12 0 0
                                    

"Class dismissed!" Anusyo ni Miss at lumabas na sa aming classroom.

"Yahooooo! Taposssss na din sa wakasssss!" Sigaw ni Floyd kaklase namin.

Nasitawanan ang aming mga kaklase sa sigaw nya. Ngumiti naman ako nang bahagya sa kanyang sigaw at iniling ang aking ulo.

Mayamaya pa pumasok na ang susunod na guro namin. Pinakopya lang nya kami hindi na nya diniscus. Pagtunog nang bell, hudyat na tapos na ang klase at breaktime na buti nalang at natapos namin ang sinulat sa pisara.

"Khen, sasama daw sila satin sina Flyod at si Felix kung okay lang daw sayo?" Tanong sakin ni Angiena.

"Ha? Bakit ako ang tinatanong nyo dyan?" Tanong ko pabalik.

"Basta, so ano okay lang sayo o hindi? Okay lang naman sakanila kung ayaw mo maintindihan nila iyon" sabi ni Angiena.

"Ano kaba Gie, syempre okay lang sakin no. Kayo dapat ang magdisisyon no, bakit ako ang tinatanong nyo?" Tanong ko

"Para malaman namin kong okay lang sayo" sabi ni Angiena.

Nginiti'an ko lang si Angiena, okay lang naman sakin mukhang nagiging close narin naman nilang dalawa ang mga katabi nila.

Pagkatapos naming bumili dumiretso na kami sa usual spot naming tatlo, kasama sina Floyd at Felix.

Pagkarating namin sa usual spot. Nagkwekwentohan na kaagad silang apat ako naman taga pakinig sa kanilang mga kwento. Tawanan at asaran silang apat kaya natatawa nalang din ako sa kanila.

"Ikaw khen?" Tanong ni Ann

Kunot noo ko syang tiningnan may hindi ba ako napakignan sa kanilang mga kwento? Bakit napunta sakin?

"Ha? Bakit ako?" Nalilitong tanong ko.

"Ikaw anong kwento mo?" Ahh, akala ko ano.

"Hehe, wala akong kwento e." Ngiti kong sabi.

"Okay, sige ganito nalang Truth or Dare nalang tayo. 1hour break tayo ngayon e para hindi tayo nakatunga-nga nalang dito. Okay b sainyo yon guys?" Tanong ni Ann

Buti pa nga at maglaro nalang muna kami mahaba haba naman kasi ang break namin ngayon. Para hindi kami mabored dito sa katunga-nga.

Sumang-ayon kaming lahat sa opinyon ni Ann. Ang ginamit naming spin the bottle ay ang lagayan nang tubig ni Angiena.

Ang ingay nang pwesto namin nang nagsimula na ang laro. Pinagtitignan na kami nang ibang mga studyante dito.

"Yahooo! Tumapat narin sa wakas kay Khen!" Sigaw ni Floyd.

Nahihiya tuloy ako sa mga ibang studyante na nakatambay din sa stage kaya napatungo ako.

"Para kang ewan Floyd" pabirong inirap ko sya.

Ang loko tinawanan lang ako at syempre kung tumawa sya tumawa narin yong tatlo.

"Para kayong mga ewan lahat" inis na sabi ko sa kanila.

Tawa parin sila nang tawa tss. Sumakit sana ang mga tyan no dyan sa kakatawa! Hayst!

"Sige na play na tayo. Tama na ang tawanan guys, baka mapikon na si Khen satin." Sabi ni Ann.

"Oo nga itong si Floyd kasi" sisi ni Angiena kay Floyd

Iniling ko lang ang ang ulo sa kanila mga baliw na mga kaibigan. Hays!

"Oh ito na ano, truth or dare?" Tanong ni Felix. Sya ang magtatanong sakin kasi nasa kanya nakatutuk ang pwetan nang bottled water.

"Syempre truth, baka ano pa ang e utos nyo kapag dare ang pipiliin ko" sagot ko sankanya.

"Hayst! Sayang naman"

"Yes! Nag truth si khen"

Iniling ko nalang ang ulo ko sa mga bulong-bulongan nila parang ang layo namin ah, pabulong-bulong pa sila tss.

"Okay, dapat magsasabi ka nang totoo ha. Kasi kaming mga nakikita sa inyo para kayong mag M.U pero syempre haka-haka lang namin yon." Sabi nya nalilito tuloy ako ano bang pinag sasabi nito?

"Diretsohin mo nalang kaya ako wala kasi akung maintindihan e" Sabi ko kaagad bago pa sya makadag dag sa kanyang sasabihin.

Napakamot muna sya nang ulo bago ako tanongin. Sasagot naman ako nang totoo e kasi truth ang pinili ko bakit paligoy ligoy pa? Hays!

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now