Chapter 37.2

6 0 0
                                    


Nakakunot ang noo nya habang tinititigan ako. Napangiti ako kahit ganito ang expresion nang mukha nya ang gwapo nya parin tingin. Justice!

"Anong sinasabi mo Khen?" Naguguluhan siguro sya sa mga sinasabi ko.

"Bago ko sasabihin pwede bang mag request? Pwede mo bang ibalik ang pagtawag sakin nang Kheishly? Ezian?" Natingin lang ako sa kanya. Kahit kinakabahan ako ngayon kakayanin ko.

Tumango-tango sya saka ako napangiti. Ito na sana lang talaga hindi nya ako e-reject kagaya nang pagka-reject ko sa kanya noon.

"Gusto kita Ezian. Noon pa." Tumingin ako sa kanya. Bahagyang nakabukas ang kanyang labi. "Sorry talaga Ezian kung sana lang pinag-iisipan ko lang talaga ng mga de---" hindi ko natuloy ang sasabihin ko kasi bigla nya akong niyakap nang mahigpit nang mahigpit.

"Ezian pwede paluwagan mo nang kunti? Naiipit na yung dib-dib ko sa dib-dib mo Ezian." Nahihiyang sabi ko sa kanya. Feeling ko ang pula-pula na nang mukha ko bakit ko pa ba yon isinasatinig sa kanya ughh... Kahiya talaga.

"Sorry Kheish. Hindi ko sinasadya masakit ba?" Gosh! Talaga bang kailangan itanong? Uggh kahiya nyeeetaa! Umiling lang ako bilang sagot.

"So, totoo ba ang mga sinasabi mo kanina? Gusto mo ako? Ako gusto ni Kheishly Khen Buentura? Haha." Natatawang sabi na nya napangiti nalang ako. Ang saya tingnan ni Ezian tingnan.

Sana noon ko pa sinubukan syang kausapin sana hindi na sana sya lubusang nasaktan.

"Im sorry kung nasaktan kita Ezian. Sana kina-usap na kita noon pa kung di lang ako naduwag. Pasensya na talaga ha." Paghinging paunmanhin ko ulit sa kanya.

"Hey, okay lang yon. Shhh...ako dapat ang mag-sorry sayo, e. Diba? Kasi ang dali kung sumuko sayo. Kaya sorry kung napanghinaan ako nang lakas nang loob. Kheish." Napangiti nalang ako saka ko sya niyakap ulit.

"Ibig ba sabihin nito. Tayo na?" Biglang sabi ni Ezian habang magkayakap kaming dalawa. Kumalas bigla ako sa kanyang yakap.

"Nek! Nek! Mo! Ano ka sineswerte? Ang sakit kaya sa mga mata ko nong pa-iba-iba kang mga babaeng kinakasama lage dito sa school. Saka isa pa gusto ko kapag nanligaw ka doon sa bahay. Ok ba iyon sayo?" Taas kilay kung tanong sakanya.

"Naparewara lang ako noon sorry about doon ha. Saka kung yan ang gusto mo sa bahay? Edi sa bahay para makilala ko narin ang mga magulang mo." Napailing nalang ako kasi pagkatapos nyang sabihin iyon kumindat pa sya.

"Ito na talaga, official na akong nanliligaw sa iyo." Tumango ako saka sya ngumiti.

------

Nasa room na kami ngayon may pa suprise quiz si Miss. Buti nalang talaga at nakapag-review ako kanina.

"Pass your paper in front. Ako nalang ang mag che-check nito. Wala na tayong time." Pinasa naman namin sa harap ang mga papel namin.

Pagkatapos namin ipinasa sa harap ang mga papel kinuha na ni Miss saka nya nag sabi nang class dismised!

Break time na. Kaya niligpit ko muna ang mga gamit ko. Papalabas na sana ako nang may biglang nagsalita sa likuran ko.

"Hindi mo ba ako yayayain kumain Kheish?" Nakangusong sabi ni Ezian. Napailing nalang ako saka ko sya nginitian.

"Bakit ka pa nandito? Akala ko lumabas kana?" Lumapit na ako sa kanya saka ko hinawakan ang kamay nya patayo.

"Kailan ka babalik sa upo-an mo? Namimis na kita." Bakit ba ito laging naka nguso ngayon? Ang cute tuloy nya tingnan.

"Sasabihan ko si Valerie kung papayag sya na lilipat na ako sa original seat ko."

"Papayag man o hindi. Lilipat ka mmmm.." Tumanggo nalang ako.

"Khen! Ano yan? Landian?" Sigaw ni Ann.

"Grabe ka naman Ann landian talaga? Nag-uusap lang yan oh!" Singit ni Angiena.

"Kung di yan landian bakit magkahawak ang mga kamay nilang dalawa? Hip-hip! Wag ako Khen. Nakita ko!" Napayuko nalang ako tsk... Ang talas nang mata ah!

"My God! Ibig sabihin nito KAYO NA?!" sigaw ni Angiena sa pinakahuli nyang sinabi.

Taranta naman akong umiling ano batong mga babaeng ito oh! Napalingon ako sa likod ko kasi Nakangisi lang sya di ba sya na babahal? Ughhh.... Chismisssss na naman itooo! God!

"Hindi pa kami guys! Manliligaw ko pa sya. Ano ba kayo ang advance nyo." Saka ko siniko nang mahina ang nasa likod ko. E pag tawanan ba ako?

"So, may chance na sasagutin mo sya? Paano ang mga BEBE nito?" Turo ni Ann kay Ezian. Kaya tumingin din ako kay Ezian saka sya tiningnan nang mariin.

"Wala lang ang mga yun." Seryosong sabi ni Ezian.

"Siguraduin mo lang. Kapag yang mga BEBE mo ginugulo si Khen! Magiging basang sisiw talaga sila sakin. Mmmm!" Sinamaan nya nang tingin si Ezian saka si Ezian naman ay tumango nalang. At ako naman napangiti tinitingnan si Ezian para akung baliw nito.

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now