Chapter 21

6 0 0
                                    

Pagka-upo ko sa upuan ay syang pagpasok ni Ezian sa classroom. Tumingin sya sa gawi ko at ngumiti hindi ko alam Kong anongg itutugon ko sa kanyang ngiti kaya ang ginawa ko hindi ko nalang pinansin at yumoko ako para hindi ko makita ang kanyang reaction.

"Hi, kheish" Bati ni Ezian pagkarating nya sa kanyang upoan.

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot. Hindi ko alam Kong paano sya patutungohan hindi ko rin alam kong bakit ako kinakabahan ngayon. Binati lang ako ni Ezian pero itong puso ko grabe ang pag tibok.

Break na dali dali akong lumabas sa classroom para bumili nang tubig sa canteen. Pagkatapos kong uminom nang tubig parang medyo okay na ang pagtibok nang puso ko. Akala ko aatakihin na ako kanina sa classroom may sakit na ba ako sa puso bakit ang bilis nang tibok kanina?

Inisip kong mabuti kung bakit bumilis bigla ang tibok nang puso ko? Naglalakad ako patungo sa tambayan naming tatlo iniisip ko parin kung bakit ganon kabilis ang tibok nang puso ko.

Nagsimulang bumilis ang tibok nang puso ko nang binati ako ni Ezian hanggang sa nagtuloy tuloy na hindi na huminahon ulit ang puso ko nang umupo na sya sa kanyang upoan na katabi ko lang.

"Khen, okay ka lang?" Tumingin ako sa aking harapan si Ann pala.

"Ha? Oo okay lang ako" ngiting sagot ko sakanya.

Itanong ko kaya kay Ann itong.. Ay wag na ngalang si nanay nalang ang tatanongin ko mamaya baka hindi na ito normal ang puso ko baka mamaya may sakit ako sa puso tapos hindi lang sinabi sakin para.....Ughh ano batong iniisip ko normal ang puso ko wala akong SAKIT!

"Hoy, Khen, Khen, Khen." sigaw ni Ann.

Bumalik ako sa tunay na mundo sa pamamagitan nang sigaw ni Ann sa tinga ko. Grabe makasigaw   nasira na siguro ang eardrums ko sa loob nang tinga ko.

"Bakit ba Ann? Makasigaw naman ito parang nasa kabilang bayan ako oh." Inis kong sabi.

"Sinong hindi sisigaw Khen. Salita ako nang salita dito tapos ikaw ang lalim nang iniisip mo ha!" Inis nyang sabi rin sakin. "Oh, anong gumugulo sa isip mo bakit napakalayo na nang nilipad nang utak mo?" Pagpatuloy nyang sabi.

Sasabihin ko ba sakanya? Hindi nalang mona syaka ko nalang sasabihin sakanya. Bumuntong hininga Mona ako bago sumagot.

"Ahmm.. Iniisip ko kasi yong reaction mo kanina yong kanina" I emphasis the word  "kanina" para maisip nya kaagad.

"Oh, ahmm.. Ano kasi... Hayy. Hindi ko talaga alam kong paano ito sasabihin." Bumuntong hininga sya bago nagpatuloy sakanyang sasabihin. "Alam naman nating tatlo diba na may Girlfriend na sya baka lang pina-paasa kalang nya tapos paano kong masaktan ka nya?" alam kong concern lang siya sa mararamdaman ko hindi ko din sya masisi kong bakit ganoon ang tingin nya Kay Ezian.

"Salamat sa pag-alala Ann thankyou talaga pero ano kasi wala pa kong Plano para sa ganyang bagay ang main priority ko sa ngayon ay ang pag-aaral ko at makatapos nang kolehiyo." Sabi ko Kay Ann.

Hinawakan ni Ann ang kamay ko at tumingin saking mga Mata.

"Khen, oo priority mo sa ngayon ang pag-aaral at hindi ka nag-iisa don. Kami rin ni Angiena first priority rin namin yan. Pero Khen ha pag-iisipan mo nang mabuti ang papasokan mo" mahabang paalala ni Ann.

Hindi na ko nakasagot sa kanya tumongo nalang ako. Hanggang sa uwian iniisip ko parin ang mga paalaa ni Ann sakin.

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now