Chapter 25

9 1 0
                                    

"Ha? Anong pinagsasabi mo dyan." Maang-maangan ko sa kanya.

Tumingin naman ako sa gawi nila Ann at Angiena pinagdilatan ko sila nang mga Mata ko. Ngumiti lang sila sakin yung HILAW na ngiti.

"Kanino ka nagseselos?" Kunot noong tanong ni Ace.

"Kanino. Ako. Nagseselos? Nahihibang kana ba? Wala nga akong nagugustuhan tapos magseselos ako? Maghahanap muna ako nang lalaki na magugustuhan ko bago ako magselos ha." Ngiting pilit binigay ko sa kanya.

"Wala ka nga bang nagugustuhan o binaliwala mo lang ang iyong nararamdaman para...." Hindi natapos ang sasabihin ni Ann nang takpan ni Angiena ang bibig nya.

"Ang ibig sabihin ni Ann ay yung talaga bang wala kasi imposible kasi maganda ka at maraming gwapo dito sa school you know." Ngiting pilit ni Angiena habang si Ann naman ay napairap nalang sa kawalan.

"Hindi muna ako papasok sa mga ganyang bagay. Nangako ako kila inay at itay na mag-aaral muna Ako saka na ako mag boyfriend kapag nakapag tapos na ako." Ngiting sabi ko sa kanila.

"Pwede kanaman sigurong maki pag-date diba Khen?" Tanong ni Ace.

"Pwede naman siguro pero ayaw ko pa talaga pumasok sa ganong bagay. Aral. Aral muna ako." Sabi ko Kay Ace.

Tumango-tango naman si Ace sa aking sinsabi mukhang naintindihan naman nya ang gusto kung sabihin.

Hindi naman nagtagal Si Ace nagpaalam na sya samin na mauna na daw sya kasi may quiz sila kailangan pa daw nyang magreview. Mayamaya pa pumasok narin kaming tatlo sa room namin.

"Close na talaga kayo" malamig nyang sabi

"Ha?" Hindi ko kasi alam Kong sinong tinutukoy nya kaya nalilito ko syang tiningnan.

"Wala." sagot nya.

Sino ang tinutukoy nyang "Close na talaga kayo"? Si Ace ba ang tinutukoy nya?

"Si Ace ba ang tinutukoy mo?" Tanong ko na hindi sya tiningnan. Ngunit hindi sya sumagot kaya tumingin na ako sa kanya.

"So, si Ace nga. Wala namang masama kong nagiging malapit na kami sa isa't isa. Atsyaka~~" Hindi ko natapos ang sinasabi ko dahil bigla syang nagsalita.

"Para sayo walang masama. Pero paano sa taong nagtapat saiyo nang nararamdaman nya?" Parang may pumiga sa puso ko sa sinabi nya.

Hindi ko man lang naisip na may nasasaktan na pala ako. Pano kaya kung ako ang nagtapat sakanya tapos may Babae syang close na may pagtingin Kay Ezian ano ang mararamdaman ko? Magiging ganyan rin ba ang mararamdaman ko tulad nang naramdaman nya ngayon?

Hindi ko nasagot ang sinabi ni Ezian dahil pumasok na si Ms. Kaya nagfucos muna ako sa pagkikinig sa discuss nya. Pero paano ako makakafucos kung itong puso ko parang nasasaktan na hindi ko malaman Kong anong dahilan?

Uwian na hindi ko alam kong paano ko kakausapin si Ezian. Parang nahihiya akong harapin sya ngayon. Bukas ko nalang sya kakausapin.

Nandito na ako sa bahay kanina nung uwian hindi man lang sya lumingon sakin. Tss, kasalanan naman nya kung bakit sya galit ngayon hindi nya kasi ako pinatapos. Mahaba pa Sana ang sasabihin ko kaso hindi pa nga ako nakalahati pinutol nya agad ang sasabihin ko. -.-

To: Ezian💕

Sorry and Goodnight!😊

Text ko kay Ezian at nilagay ang cellphone ko sa lagayan atsaka natulog na bukas ko nalang sya kakausapin.

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now