Chapter 45

7 1 0
                                    

Kinabukasan nadatnan ko si Ann sa labas nang gate. Napakunot ako nang noo anong ginawa nya dito sa labas? May hinintay ba sya?

"Ann" tawag ko sa kanya.

Lumingon sya sakin at nginitian nya ako.

"May hinintay ka pa ba dito sa labas?" Tanong ko sa kanya nang nakalapit na ako sa kanya.

"Ahh, wala. Nagdadalawang isip pa ako kung papasok ba ako o hindi." Napakunot ako nang noo.

"Ha? Bakit naman?" Takang tanong ko.

"Hayst.. sige na nga pakialam ko sa kanila." Saka nya ako hinawakan at sabay na kaming pumasok sa campus.

Kahit nalilito binalewala ko nalang at saka ako sumabay na sa kanya sa paglalakad.

"Okay ka lang ba Ann?" Tanong ni Angiena sa kanya.

Tumango lang si Ann bilang sagot nya kay Angiena.

Hayst! Naalala ko tuloy ang nayari kahapon. Napabuntong hininga ako saka ako tumingin sakanila. Si Angiena nalang ang hindi pa nadadamay sa gulo ko.

Sana hindi na sya madamay pa. Ito kasing mga admirers ni Ezian kasi di pa naka move-on. Pati mga kaibigan ko dinamay na nila.

"Hey, are you okay?" Napatingin ako sa katabi ko.

"Okay lang naman bakit? Ikaw ba okay ka lang?" Tanong ko pabalik ni Ezian.

"To be honest im not okay.. Nahihiya ako sayo Kheish." Napakunot ako nang noo.

"Ha? Bakit kanaman mahihiya sakin e Girlfriend mo naman ako." Mahinahong sabi ko sa kanya.

Ano bang kinahihiya nya?

"Nong nangyare kahapon sa canteen.. diko alam na ganon pala ang iisipin nila sayo. Kung pwede ko lang bugbugin ang babae nayon binugbog kuna kaso.. hindi ko kaya e.. nagagalit ako sa kanya Kheish pero diko alam kung paano ko sya magagantihan! Nadamay na si Ann. At Nahihiya rin ako sa kanya." Inis nyang sabi.

Hayst! Problema. Di talaga sya mawawala  lalo na sa relasyon. Normal lang ang problema sa relasyon dito talaga sinusubok kung gaano kayo katatag na magkasintahan. Sana lang kapag dinumog na kami nang bagyo nakakapit parin kami sa isa't isa.

"Wag mo nalang yon intindihin ang importante hindi na suspend si Ann. Saka hindi naman ako nagpapa-apekto sa kanilang mga sinasabi kaya wag mo nalang yon intindihin ha?" Tiningnan ko sya sa mga mata nya.

Tumango lang din naman sya saka umayos na kami nang upo dahil pumasok na ang susunod na magtuturo samin. Yumingin uli ako kay Ezian.

Tumingin sya sakin saka ko sya nginitian at ngumiti rin sya pabalik sakin. Saka ako nag focus na sa pakikinig ni Mam.

Break time na. Hindi na kami pumunta pa sa canteen dahil si Ace na ang inutosan  namin since nandoon na sya sa canteen akala nya kasi na pupunta kami don buti nalang at nag text si Ezian sa kanya at nakisuyo kami dito sa room nalang namin sya babayaran.

"May masakit ba sayo Ann?" Biglang Tanong ni Ace sa kaligitnaan nang katahimikan namin dito sa room...

"Wala naman.. tanongin mo yung haliparot na yon baka sya nasaktan? Tsk!" Inirapan sya ni Ann.

Ewan ko dito sa babae na'to di ba nya na si-sense? Na..ayst basta! Ayaw ko nang makigulo sa kanila.

Napailing nalang ako.

----

Pasensya kung maikli lang at sabaw pa babawi tayo sasusunod na update!

Hi sa mga bumabasa sa story ko 👋

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now