Chapter 40

7 0 0
                                    


Kay bilis nang buwan at araw parang kailan lang. Kinakabahan pa ako sa bago kung school na papasukan. Talagang hindi ko eni-expect na may makilala akong mga tunay na kaibigan kahit sa ilang buwan na pag sasama namin.

Hindi ko rin akalain na dito rin sa bago kung pinapasokan na skwelahan makilala ko ang taong nagpapatibok nang puso ko. 5months na syang nanliligaw sakin thankful ako kasi hindi parin sya nagsasawa.

Kakatapos lang nang baksyon namin balik skwela na ang haba nang bakasyon.

Sila Ann Nagbakasyon sa bahay nang kanyang Lola si Angiena naman nagbakasyon sa kanilang mga kamag-anak sa Leyte. Tapos si Ace sa bahay nang Daddy nya brokenfam. si Ace. Tapos ang pinakahuli si Ezian nag family outing sila lagi naman kaming nag tetext kahit malayo kami sa isa't isa kung hindi tinatawagan nya ako kapag wala na akong load.

Bumalik ako sa realidad nang biglang pitikin ni Ezian ang noo ko. Kaya sinamaan ko sya nang tingin. Saka ako napalingon sa tatlo pa naming kasama na tawang-tawa.

"Ina-ano kita?" Inis Kong sabi ni Ezian.

Lumapit si Ezian saka nya pinatong ang kanyang siko sa armchair ko. Tinaasan ko sya nang kilay anong ginagawa nito?

"Kailan mo ako sasagutin?" Nakanguso nyang tanong.

"Bakit? Nagmamadali ka ba?" Taas kilay kung balik na tanong.

"Hindi naman. Pero diba 5 months na akong nanliligaw sayo?" Nakanguso parin sya.

"Pagod ka na ba sa kahihintay?" Napaayos bigla si Ezian sa kanyang pagkaupo.

"Ako? Pagod? Kailan? Wala sa bukabularyo ko ang mapapagod Kheish. Kung sa finish line ang matamis mong Oo ang naghihintay." Saka nya ako kinindatan.

"BOOOM!" Sabay na sigaw nilang tatlo sa harap.

Napailing nalang ako sa tinatagal naming magkakaibigan si Ezian lang parang nagbago nang kaunti. Pwera sa iba. Snob parin isang sagot isang tanong. Saka iba na ang pakikitungo nya kina Ann, Angiena at saka kay Ace dahil hindi na daw sya nakakaramdam nang selos kapag maguusap kaming dalawa ni Ace.

"Ewan ko sa inyo." Kinuha ko nalang ang note ko sa susunod na subject.

"Ang swerte naman yang notebook mo. Buti pa sya nagawa mong tingnan. Wala pa nga syang ginagawa pero nakuha na nya ang tingin mo." Natatawa ako sa sinasabi ni Ezian.

Saan nya nakukuha ang mga ganyan? Kaloka sya. May pa ganyan na sya ha. Tumingin naman ako sa tatlo. Ayun naka-nga-nga haha.

"Klent, ikaw ba yan?" Bigalang tanong ni Angiena.

"Hindi ikaw si Klent! Sino ka ha?!" Sigaw ni Ann.

"Bro? May lagnat ka ba? Nag dederelyo kana na ba?...Ano bro?" Niyogyog ni Ace ang balikat ni Ezian.

"Tumigil nga kayo. Hayss!" Namula ang mukha ni Ezian. Hahaha nahihiya sya alam ko.

Kaya tawang-tawa kaming apat. Ayon tuloy lalong namula si Ezian.

Tumigil lang kami nang medyo marami-rami na kami sa classroom. Hindi na kasi kami lumabas nong nag break time dahil may dinala si Ace.

----

Uwian na nagmamadali pa ako kasi akala ko sabay sabay kaming lahat lalabas pero ayon iniwan nila ako lahat as in lahag pate si Ezian. Nag paalam muna sya sakin bago sya umalis ang sabi lang nya malapit na daw sasabog. Kaya tumango lang ako kahit hindi ko sya na gets kong anong sinasabi nya.

Kumatok muna ako bago ako pumasok. Nagtaka ako bakit ang dilim? Kaya tinawag ko muna sila inay at itay. Pero wala talagang sumasagot. Kaya hinanap ko na ang switch nang ilaw.

Pagkabukas ko nang ilaw biglang may pumutok. Sa gulat ko napasigaw ako. Nyetta aatakihin ako nito.

Nang medyo naka-adjust na ang paningin ko sa liwanag tumingin ako sa harapan ko.

Litiral na namilog ang mga mata ko. Kaya pala sila nag mamadali? Nyetta talaga. God. May bunner na naka sulat na "WILL YOU BE MY GIRLFRIEND KHEISHLY KHEN ❤?"

Napatingin ako sa gawi nila inay at itay. Napaluha si inay na may ngiti sa labi. Si itay naman ay niyakap nya si inay sa likod naka ngiti rin sya.

Saka ko tiningnan sila Ann, Angiena at si Ace. Grabe ang galing umakting nila ha. Wala talaga akung ka idea-idea na may ganito palang ganap.

Pagkatapos kung tingnan ang mga tao sa paligid si Ezian naman ang binigyan ko nang pansin. May hawak syang bouquet, napaiyak ako sa saya. Iniabot nya sakin ang bouquet pagkatangap ko sa bulaklak niyakap ko kaagad sya niyakap nya rin ako pabalik.

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now