Chapter 6

15 0 0
                                    


Prrriiitttt!!!

Pito ni sir hudyat na tapos na ang boys sa paglalaro, kaya kami namang mga girls ang mag lalaro magka grupo kami nila ann at angiena.

"Go! Kheeeen"

"Idool galingan mo"

"Kheeeen iloveyou"

Nahihiya tuloy ako sa mga pabirong cheer nang mga kaklase kung mga lalake napailing iling nalang ako sa kanilang mga sigaw.

"Go! Kheeeeeeen" bilaang pagsigaw na hindi pamilyar na boses.

Kaya tumingin ako sa direction nung sumigaw nagulat ako kasi siya yong lalaki na pinakiusapan ni sir kanina, kumaway pa sya.

"Goshh! Swertee ni kheeeen eyy~"

"Oyyyyyy! Kheeeen ayeeeeee~~~"

May ilang nag bubulungan at ang iba naman kinikilig diko nga kilala yung sumisigaw eh kaya nginitian ko lang siya.

Ibabaling ko sana ang paningin ko kina angiena at ann nang mahagip sa paningin ko si ezian na matalim akong tiningnan. Nginitian ko siya pero bigla syang umalis. Anyare?

"Oyyyy~ ikaw ha kilala mo pala si Ace" sabi ni Ann kinunotan ko siya nang noo bago sumagot.

"Ha? Sino yon?" Kunot noong tanong ko

"E di yung nginitian mo nang matamis kanina eyyy~~" si Angiena na man ang kumakansyaw sakin na pailing na lang ako at ngumisi.

"Hindi ko yun kilala"sagot ko sa kanila

Kakatapos lang nang laro namin at panalo ang team namin ang galing kasi nitong dalawa eh parang pang championship ang laro.

"Eh doon kay "Ezian" mo? Anyare don nag walkout bigla?" Biglang singit na tanong ni Angiena sakin.

"Maka'mo' kanaman dyan diko naman yon pag-aari atsaka ano--" diko na tuloy ang pagsasalita ko nang may nginguso si Angiena sa likod ko.

Kaya lumingon ako sa likod ko at nakita ko si Ezian nakatitig lang sakin. Makatitig naman ito parang tutunawin ako sa isip nya ah.

"Oh, Ezian? Bakit?" Nakagiting tanong ko.

Bumaling ang tingin niya nina Ann at Angiena at bumuntong hininga muna sya bago nag salita.

"Ahmm.. Estrada and Mendoza right?" Mga surename nina Angiena Estrada at ni Judy Ann Mendoza , tinaas lang ni Ann ang kanyang kaliwang kilay at kay Angiena naman ay tumango.

"Pwede bang ako muna ang sasabay ni Kheishly mamayang uwian?" Namilog ang mata ko sa tanong ni Ezian bakit may kailangan ba siya?

"Oky lang sige una na kami byee" may sasabihin pa sana si Ann pero pinigilan ni Angiena pwersahan niyang hinila palabas si Ann sa classroom.

Napailing iling nalang ako sa kanilang dalawa atsaka tumingin ulit kay Ezian nakataas ang isang kilay niya sakin, bakit ang gwapo nya tignan pag ganya?! Tsss justice please!

"Ahmm...ano ahmm..may kailangan kaba?" Kinakabahang tanong ko sa kanya.

Pagangat ko nang tingin sa kanya para akung malulusaw sa titig nya, bakit ganyan siya makatingin?

Di sya sumagot sa tanong ko sa halip tinulungan nya akung magligpit nang gamit ko at siya na ang nagdala nang bag ko palabas.

"Anoo ahmm Ezian? Pwede ako nalang ang magdadala nang bag ko? Nakakahiya kasi eh pinag titinginan na nila tayo please?!" Pakiusap ko sa kanya tumingin muna siya sa paligid saka nya binigay ang bag ko na hawak nya kanina.

Hindi talaga siya pala salita e no, kaya tahimik lang kami naglakad ulit.

"Saan ka nakatira?" tanong nya bigla

"Ahmmp ano ahmm malayo pa kasi dito bakit?" kinakabahan kung tanong sa kanya pero nagawa ko paring ngumiti. Tiningnan lang niya ako nang masinsinan atsaka siya nag salita.

"Kilala mo ba si Ace?" Tanong ni Ezian kaya madali ko namang iniling ang ulo ko bilang sagot.

"Hindi ko sya kilala diba bago pa ako dito? Nagulat din ako kanina nang bigla lang siyang sumigaw sa pangalan ko" sagot ko

"Sa susunod wag kang ngingiti kahit kanino lalo nang lalaki pa ang ngingitian mo" mahinahon nyang sabi

"Ha? Bakit? Wala namang masama ah kung ngingitian ko lang sila lalo na at may kaibigan akung mga lalaki." kunot noong sagot ko

"Tss" kunot noo ko syang tiningnan

Bumuntung hininga sya at saka pinilig ang kanyang ulo atsaka nag sabi na ihahatid ako sa sakayan.

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now