Chapter 48

1 1 0
                                    

Please vote and comment please 😇

------

"Nay, baka mamaya po gagabihin ako nang pag-uwi may pupuntahan lang po ako." Paalam ko kay 'inay

Sabado na pala ngayon naisipan ko lang na puntahan ang sinasabi ni Shin naalala ko kasi nung sinabi nya about sa ex nya kuno.

"Sige basta wag kalang aabot nang alas 11 ha. Baka wala nang sasakyan nang ganung oras." Tumango ako saka binilisan ang pag kain nang agahan.

Si itay tulog pa kaya hindi ko na hinintay at nag madali nang umalis sa bahay.

Pagkarating sa school maaga pa naman kaya sa classroom lang muna ako tumambay. Hindi pa dumating sila Ann at Angiena.

Habang nag nakatunganga ako naisip ko bigla si Ezian. Papasok ba sya ngayon? Plano ko kasi syang kausapin para ma klaro na lahat bumabagabag sakin.

Naalala ko nuon ang sabi ni Shin na ex nya na pinupuntahan nya sana mali ang iniisip ko. Sa tagal na manliligaw ni Ezian sakin ni ex wala syang binanggit.

Alam mo naman ang Ezian mo ghurl. Kapag tinatanong lang sya sumasagot hindi sya share'rer na tao kaya wag kana mag taka. Oo kausap ko sarili ko wala akung magawa eh.

"Hoy! Nakatunganga ka dyan kanina pa kita sinitsitan hindi mo ako napansin" Nandito na pala si Ann "problema?" Napatingin ako sa kanya agad.

Gusto ko syang tanungin kung may alam ba sya sa ex ni Ezian kaso lang baka makahalata na may problema kami ni Ezian.

Ngumiti muna ako saka siya sinagot.

"Marami akung problema. Gusto mo isahin ko?" Natatawang sagot ko kay Ann saka sya umupo sa tabi ko (seat ni Ezian)

" Hindi pa ba papasok si Ezian? Nilamon na ba sya sa kama niya. Akala ko di sya matatablan nang sakit sa pag ka ICE nya HAHAHAHA" Natatawang sabi nya.

Yepyap! Ako na ang gumawa nang excuse para sakanya para hindi  na mag tataka ang mga teachers namin at mga classmates.

Baka akalain nila na Girlfriend ako pero hindi ko alam nasan Boyfriend ko. Para hindi narin nila ko iintrigahin pa.

Pero bago ko ginawa yun nag text ako sa kanya para ipaalam na ginawan ko sya nang excuse para pag balik nya di na sya mag tataka kung anung nangyayari.

"Ewan ko nga don e. Namis nya siguro ang kama nya kasi diba lagi sya samin." Sinabayan ko nalang si Ann

Ayaw kung mag sinungaling sa mga kaibigan namin pero hindi pa ako handa para ipaliwanag ang nangyayari. Kapag na settle na namin ni Ezian ang mga issue.

Issue? Anong issue nyo? Walang issue ghurl. Sadyang si Ezian lang may issue sa inyo gusto mulang isali sarili mo sa issue eh. Ooh ohh! Tsss.

Lunch break na nang magsama-sama kaming apat sa stage. Ang init kasi sa room dahil brownout kaya dito muna kami tatambay.

"Khen? Kumusta na si Klent? Mabuti naba pakiramdam niya?" Tanong bigla ni Ace

"Okay na siguro yun. Baka papasok nayon sa lunes." Sagot ko nalang hindi ako sigurado kung makakapasok ba sya hindi ko alam anong rason nya kung bakit sya absent.

Tumango-tango lang si Ace sa sagot ko. Nung nag bell na hudyat na tapos na ang lunch break.

Pumasok na kami sa aming classroom si Ace tumakbo pa papunta sa building nya. Hindi kasi sama-sama ang mga fourth year na classroom dito.

Uwian na at nag paalam na ako nina Ann at Angiena na mauuna ako umuwi pero excuse ko lang yun. Papunta ako patungo kila Shin nalaman ko lang ang lugar nya may tinanungan kasi ako ka klase ko na kilala si Shin.

Nang makarating ko sa village ay sakto naman pag labas ni Ezian na may kasamang babae. Masaya silang nag ke-kwentuhan habang dahan-dahan nag lalakad diko alam saan sila pupunta. Para lang akung tanga na naka titig sa gawi nila minamasdan ang mga ginagawa nila.

Kaya ba hindi na sya pumapasok kasi ito ang inaabala niya? Kaya ba sya hindi na pumupunta sa amin kasi may iba na syang pinupuntahan?

Nasasaktan ako sa nakikita ko. Pero tinitiis ko kasi baka kaibigan lang niya ito. Pero matatawag mo ba talagang kaibigan ang ganyang ngiti ni Ezian minsan ko lang sya nakikitang ganyan makatingin. At yung minsan na yun ay ala-ala na ganon din ang tingin nya sa akin nung nagtapat sya nang nararamdaman niya sa akin.

Diko namalayan na humakbang na ako papunta sa sakayan. Diko na pinigilan ang pag tulo ang luha sa mga mata ko. Pag ka para ko nang jeep sako ko pinunasan ang mga luha ko.

Now i know why he is so busy lately. I just saw in my own eyes tsaka Shin is right. The way Ezian see's her like jewel. May pagtingin pa naman pala sya sa ex nya bakit pa sya nan ligaw sakin? Para panakip-butas?

Nang maka uwi ako dumiretso ako sa kwarto saka ko tinawagan ang number ni Ezian.

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now