Chapter 34

3 0 0
                                    


Sa pagkaalis ni Ezian tumakbo kaagad ako papunta sa CR. Doon ako nagpatuloy sa pag-iyak. Parang tangga lang umiiyak na hindi alam ang dahilan.

Alam mo ang dahilan pero you always denied it! - Wow! Galing ni utak ngayon pa talaga sisingit? Kitang nag iimote ako dito e.

Kagaya nang nararamdaman mo! Lage mong dine-deny! Kaya ka nasasaktan! - Ano ba to! Pati kabilang utak ko sinisisi ako? Nyettaa naman oh!

Alam ko ba talaga? O nagmaang-maangan lang talaga ako na hindi ko alam? Ugghhh!!! Tanga! syempre alam mo! Pero lage mong deni-deny! Nyetta talaga!!

Sige, self! Pakipag debate ka sa utak mo go! Pero nasabi mo na lahat e. You reject him. Di mo naman pwedeng sabihin na "Hey, na WOW MALI KA!" Diba? Nasaktan ko na sya. Ayaw kong  saktan pa sya ulit.

Siguro nga sa ngayon tama ang ginawa ko, sana lang talaga di ko pagsisihan ito balang araw. Nang medyo nabuhos ko naman ata lahat na dapat ilabas ngayon na luha, ay lumabas na ako saka ko inayos ang mukha ko. Mukhang natabingi kasi e. Haha nice joke self!

Ang tagal ko pala sa loob nang CR? Kasi saktong paglabas ko nag bell na. Teka? Ilang baldi ba ang nailuha ko? Parang baliw lang jino-joke ang sarili? Haha. Tawa tayong mga dalawa lang.

"Oh, anyare? Khen?" Bungad ni Ann.

Paglabas ko kasi dumiretso ako sa guardhouse sakto naman pagkarating ko nandoon din na si Ann.

"Ha? Wal na puwing lang." Ginawaran ko sya nang ngiting pilit. "Bakit? Namumula ba? Ugh. Sana diko nalang~~"

"Bakit ka umiiyak? Sa hitsura nang mata mo. Mukhang kanina kapa umiiyak. May problema ba?" Napatigil ako sa sinAbi ni Ann napaka observant talagang babaeng ito.

Hindi pa dumating si Angiena pero mayamaya lang dadating nayon. Kaya tumingin ako kay Ann.

"Ano ka ba. Ako iiyak? At bakit ako iiyak? Napuwing nga lang ako e. Bahala ka kung dika naniwala." Sige deny pa Khen! Akala mo mauuto mo ha.

Napailing nalang si Ann at di na nya ako kinulit mukhang naiintindihan naman nya. Sabay na kaming pumasok sa room di pa kasi dumating si Angiena bakit ang tagal nya ngayon?

"I'm sorry miss na late ako." Hinging paumanhin ni Angiena.

Napailing nalang ako. She will not be Angiena kapag di sya na late sa first subject always. Pero nakakahabol naman sya matalino e.

Breaktime na syempre kaming tatlo nanaman ang magkasama di na ulit sumama sina Felix ewan ko kung bakit siguro may mga kaibigan na kasi silang mga lalaki?

"Bakit ang tahimik nyong dalawa?" Biglaang tanong ni Angiena habang kagat-kagat nya ang kanyang beskwet.

"May iniisip lang ako." Tanging sabi ni Ann.

"Ako? Ano..." Diko natapos ang sasabihin ko kasi may biglang yumakap sakin sa likod.

"Okay ka lang ba? Nandito lang ako Khen. Maasahan mo ako. Kahit papaano." Mahinang sabi ni Ace habang yakap ako.

Paano nalaman ni Ace nakita nya ba kami kanina o di kaya narinig?

"Teka? Anong nangyayare? Bakit may pa yakap-yakap?" Nalilitong tanong ni Angiena.

Nahagip sa paningin ko si Ann sakit ba ang nakita ko sa kanyang mga mata o namamalikmata lang ako?

Kaya siniko ko kaagad si Ace saka ko sya hinarap. Ang baliw di ba nya nakita na okay lang ako? Tss.

"Bou pa naman ako Ace bakit? Bakit naman ako hindi magiging ok? Anyare? Bakit ka may pa yakap-yakap? Touchy mo ha!" Pabirong inirapan ko sya.

"Oo nga, bakit hindi sya magiging ok? May nangyari ba?" Tanong ni Angiena kay Ace.

"Ahmmm, may pupuntahan lang ako. Una na ako sa inyo." Paalam ni Ann di na namin sya napigilan kasi bigla nalang syang tumakbo.

Sana hindi ako nag kakamali sa nakikitang kinikilos ni Ann. At sa nakita ko sa mga mata nya kani-kanina lang. Sinundan ko nalang sya nang tingin hanggang sa nawala na sya.

"Ahm, sige na Ace una na kami ni Angiena? Okay lang ba? May ano pa kasi sa susunod na subject e ahmm. Quiz? Oo tama quiz." Ngiting pilit na sabi ko saka ko hinila kaagad si Angiena. Pro-protesta sana sya kaso tinakpan ko kaagad ang bibig nya saka sya kinaladkad paalis.

Baka ano pa ang malaman ni Angiena e. So, may alam si Ace sa nangyari kanina? Papaano?

Nabitawan ko nalang si Angiena nung nasa classroom na kami. At humingi rin ako nang sorry saka ako dumiretso sa upoan ko bagong upoan ko pala nakipag exchange kasi ako sa kaklase ko malayo kay Ezian para safe.

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now