Chapter 16

12 2 0
                                    

SABADO ito ang dahilan kong bakit ako kinakabahan ngayon. Ughh bakit ako kinakabahan? E, mamayang hapon panaman kami mag uusap. So bakit ako kinakabahan ngayon?

E kasi nga mag-uusap na kayo ni Ezian nang masinsinan, para magkalinawagan na kayong dalawa! Diba?

Oo nga mag-uusap lang naman kami, kaya bakit ako kinakabahan nang ganito? Ughh bakit rin ako nakikipag-usap sa sarili ko na babaliw na ba ako? Uggghhhh.

"Hoy, Khen! Para kang tanga dyan. Anong ginagawa mo dito? Pumasok na kaya tayo."  Naabotan nalang ako ni Ann pero heto parin ako nakipag debate sa sarili.

"Ha? Hinintay lang kita, alam kung ganitong oras ka papasok e. Sige tara na" palusot kong sabi huhu bakit ganito ang nararamdaman ko? Hindi ako mapakali.

"Talaga lang ha? Sige pasok na tayo baka nagsisimula na silang pumila doon." Tumango lang ako sa kanyang sinabi.

Pagpasok namin sa eskwelahan wala pang katao tao ang ground. Kaya dumiretso na kami sa classroom, pagkapasok namin dumiretso ka agad kami sa aming kanya kanyang upo-an.

Pagkaupo ko sa upo-an ay syang pagdating ni Ezian. Lalo lang akung hindi mapakali sa sarili bakit ba ako kinakabahan lalo? Maghunos dili a heart pakiusap baka atakihin ako nito e.

"GoodMorning Kheish" ngiting bati ni Ezian sakin.

"Morning" maikling sagot ko sa kanya hindi ko na sya tiningnan baka mahalata pa sya sakin.

"Okay ka lang ba?" Aba matindi bakit nya pa tinatanong? Tumango lang ako sa kanya bilang sagot hindi ko parin ako tumitingin sa kanya.

Tumayo lang sya sa harapan ko pero hindi ko parin sya tiningnan. Bakit sya andyan? Hindi a sya lalabas?

"May problema ba kheish?" tanong nya

"Wala, bakit?" sagot ko sakanya nagkukunywari akong may hinahanap sa bag ko para hindi ko sya matingnan.

Nanigas ako bigla sa kanyang ginagawa. Hinawakan nya ang chin ko para maiharap ang mukha ko sa kanya.

"Bakit ka ganyan kumilos?" Tanong nya

"Ha?" tanong ko

"Bakit hindi mo ako matingnan?" si Ezian

Paano kita matingnan kong ganito ang nararamdaman ko kapag naiisip ko ang usapan natin mamaya?

"Ha? Tinitingnan kaya kita kanina" sagot ko sa kanya kahit kinakabahan.

"Ah, talaga?" taas kilay nyang tanong.

Bakit ba sya ganyan? Di ba nya nahahalata na naiilang na ako sa kanyang ginawa?

"Oo, kaya pwede pakibitawan na ang baba ko?" pairap kong sabi.

"Taray, sige labas na tayo. Tayo nalang dalawa ang natira dito sa loob" Sabi nya.

Pagkabitaw nya sa baba ko inilibot ko kaagad ang paningin ko sa classroom. Tama sya hindi ko namalayan na kami nalang palang dalawa ang naiwan dito sa classroom. Ito naman kasi si Ezian e.

Lumabas na kami kaagad sa classroom namin kagaya noong unang sabay naming dalawa noon pinagtitinginan nanaman sya. Hindi ata ako masasanay na pinagtitinginan habang kasabay sya.

"Wow, ha kasabay mona nga si Klent tapos nakabusangot ka parin?" Bungad sakin ni Angiena pagkarating ko sa linya naming mg babae.

"Oo, nga ano bang nangyari? Bakit nakabosangot ka?" si Ann

"Marami kasing nakatingin samin kanina papunta rito. Hindi ako sanay na may nakatingin habang lumalakad" Sabi ko sa kanila.

"E, malamang pagtitinginan ka talaga kasabay mo pa naman ang hearthrob nang school na ito e. Ano pa ang eni expect mo?" Tama si Ann. Napabuntong hininga nalang ako.

"Baliwalain mo nalang yong mga yon. Hanggang tingin lang naman kasi sila sainyo e." Si Angiena.

Tama rin si Angiena hanggang tingin lang sila. Yon ba talaga ang dahilan kong bakit ako nakabusangot? Ang babaw naman nang rason ko-.-

Mabilis lang ang klase namin sa umaga hindi naman gaano kahaba ang suprise quiz sa ibang subject ang iba naman may pinakopya lang samin kaya mabilis lang talaga.

"Sabay na tayong mag lunch?" Biglang sabi ni Ezian.

Nakakahalata na ako nito kanina pa sya salita nang salita. Hindi naman sya ganito noon hihintayin nya mona na ako ang magsalita tsaka narin sya iimik.

Kinonotan ko sya nang noo sa kanyang tanong wala ba syang kasama ngayon kagaya dati? Break na ba sila? Kailan? Hayst ano ba tong iniisip ko.

"Ha? Kasama ko sila Ann at Angiena ngayon e" sabi ko sa kanya.

"Ah, okay basta mamayang uwian sabay na tayo" pagkasabi nya non umalis na sya sa harapan ko at lumabas na.

Ito naman ang kaba kanina bumalik na naman bakit ba kasi nya pa pinaalala? Hayst! Heart okay lang yan wala to mag uusap lang naman kayo mamaya e.

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now