Chapter 42

5 0 0
                                    


Maaga akung umuwi sa bahay ni hindi na nga ako naka pagpaalam sa kanila.

Hindi naman sa nag papa-apekto ako sa sinasabi nang babae na yon. Pero may punto rin sya.

Iniling ko ang ulo ko sa naiisip ko. May tiwala ako kay Ezian. Yan dapat ang  iniisip ko hindi yong sinasabi nong babae na yun.

"Ang aga mo naman anak? Nasa labas ba si E.K.? Papasukin mo muna para makakain sabay na kayo."

"Wala po si Ezian 'nay. Nagmamadali kasi akong umuwi." Sabay upo ko sa upuan.

"Bakit? Nag-away kayo?" Kalmadong tanong ni inay.

"Hindi po. Akala ko kasi matatae na ako kanina kaya nagmamadali po ako." Pagsisinungaling ko kay Inay.

Napailing si inay sa sagot ko. Kahit nga ako ang bastos nang rason ko.

Pagkatapos kung maghilamos nagbihis na ako nang pambahay na damit.

(Ring!!)

"Hello?" Sagot ko sa kabilang linya.

"Galit ka ba?" Umiba ata ang tono nang bosses ni Ezian.

"Ha? Bakit naman ako magagalit? May kasalanan ka ba?"

"Bakit hindi ka nag paalam?"

"Eh, nawala sa isip ko. Ang naiisip ko lang na hindi ako matatae sa shorts ko."

"Pfftt"

"Tinatawana mo ba ako?"

"Ha? Sinong tumawa? Haha. Sige na. So tapos kana bang bumanyo? Ano basa ba o matigas?"

Ano bang pinagsasabi nito?

"Anong 'basa ba o matigas'?" Tanong ko sa kabilang linya.

"Pffttt! Wala,wala. Wag mo nalang isipin yon. So pano? Matutulog ka na ha?"

"Hmmm.. saka sorry di ako nagpaalam kanina."

"Oky lang yon. Goodnight."

"Sige, Goodnight rin."

Akala ko na binaba na nya kasi tahimik na sa kabilang linya. Pero bigla syang nag salita.

"Iloveyou Kheish."

Napakagat ako bigla sa iba-bang labi ko. Feeling ko uminit bigla ang mukha ko.

Nagpakawala muna ako nang malalim na hininga. Bago ko sya sinagot.

"Iloveyou, too. Ezian." Naka-ngiti ako habang sinasabi sa kanya ang binibitawang salita ko. Mukhang tangga lang Khen?

Saka na nya binaba ang tawag.

Pagkatapos nang tawagan namin ni Ezian humiga na ako sa kama.

Paano kung totoo ang sinasabi nung babae na iyon? Makakaya ko pa bang patawarin si Ezian? Hays!

Ano ba itong iniisip ko? Ang negga kong mag-isip.

Diba Khen!? Pagkatiwalaan mo lang si Ezian. Hindi ka nya sasaktan kapag masaktan ka man nya hindi na nya sinasadya iyon kaya kalama kana utak.

Paiba-ibang pwesto na ako dito sa higaan pero hindi parin ako inaantok.

Gulong pakanan, gulong pakaliwa. Sige gulong gulong kalang Khen. Para na akung ewan.

Kaya bumangon ako at pumunta nang kusina upang magtimpla nang gatas. Siguro naman tatablan na ako nito.

Ubos na ang gatas pero wala paring epek. Ayan kasi sa kakaisip mo ayan puro negga kasi ang iniisip ayan tuloy nawala yong antok mo.

Matxt na nga lang si Ezian. 11:38pm pa naman siguro gising pa iyon.

To: Ezianlabs❣

Hi.

Sent!

Ilang minuto pa akong naghintay. Hays, tulog na siguro iyon. Pipilitin ko nalng na makatulog.

Hanggang sa hindi ko namalayan bumibigat na ang mga mata ko hanggang sa tuloyan na akong dinalaw nang antok.

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now