Chapter 13

22 1 0
                                    

"Matanong nga kita bakit mo ako kinausap muli? Ito talagang tanong ko ang bumabagabag sakin e, nong bigla mo akung sinungitan nagiging cold ka sakin kaya pwede pakisagot mo mona?" Tanong ko.

Diko na mapigilan sya na mismo nag undyok sakin na tanongin ito. Umiiwas nga ako e kasi diko alam ang sasabihin ko pero ito sya bigla bigla nalang na parang nagagalit kasi iniiwasan ko sya?

Sinong tanga ang hindi iiwas kong ito ang gusto nyang iparating sa pamamagitan nang kanyang mga kilos.

"Okay im sorry about my action basta hindi ko pa masasabi ang dahilan ko. All i can say's im really really sorry" paghingi nya nang tawad

Anong dahilan nya? Bakit hindi nalang nya sabihin sakin ngayon?

"Ikaw naman ang tatanongin ko. Kaya mo rin ba ako iniiwasan dahil kay Ace?" Tanong nya "Binigyan mo sya nang number, Kaya ba hindi mo na ako nagawang kulitin sa text?" Dagdag nyang tanong.

Kunot noo ko syang tiningnan seryoso ba sya sa kanyang tanong? Teka kailan ba ako nangulit sa kanya sa text?

"Hindi dahil kay Ace kaya kita iniiwasan, teka nga pwede ba sa sabado nalang natin to ituloy ang usapan natin? Baka mag alala nanaman ulit yung magulang ko kapag umuwi ako ulit nong ganong oras, e."

"Okay, sa sabado siguraduhin mo lang na hindi mo na ako ulit iiwasan" paniniguradong sabi nya

Hindi na ako nagsalita tinaasa ko nalang yung kanang kamay ko.

Pagkatapos naming magusap. Pumara sya nang tricycle para sakin, gaya kahapon sya nanaman ang nagbayad. Pagkauwi ko sa amin nagmano muna ako nila inay at itay at dumiretso na sa kwarto ko.

Pagkapasok ko sa kwarto humilata kaagad ako sa kama. Hindi naman gaano ka pagod ang klase, doon lang talaga ako napagod sa kakaiwas ni Ezian pero ang labas huli parin, walang epek yong pagiwas ko sa kanya.

"Kaya mo rin ba ako iniiwasan dahil kay Ace?"

Hindi naman dahilan si Ace kung bakit ko sya iniiwasan. Iniiwasan ko sya dahil may girlfriend na sya ang sweet pa nga nila, e.

Nag flashback tuloy bigla yong mukha nya kasama yong girlfriend nya, bakit hindi pa mabura sa aking isipan? Kapag naalala ko yon laging sumisikip tong dibdib ko. Ewan ko siguro dahil sa bra lang ito? Wala kasi kaming history na may sakit sa puso.

Friday na kaya maaga akung papasok ngayon, may exam kasi kami sa first subject namin. Kaya 4:30 palang nang hapon nandito na ako sa guardhouse naka tambay.

Dahil maaga pa, nagpasya akung mag scan sa e tetest ni Miss mamaya. Nakapag aral na ako kanina.

"Khen" tawag ni Angiena

Milagro ah, si Angiena maaga ngayon.

"Oh, gie aga natin ah." Sabi ko

"May test ngayon si Miss,e. Inigahan ko talaga pumunta dito para sabay tayong mag-aral. Baka malaki narin ang kuha ko sa mga test ni Miss kapag ikaw tung kasabay kung mag-aral" Ngiting sabi nya.

Napailing nalang ako sa kanyang sinasabi, matalino si Angiena kaya lang laging late sa first subject.

"Ewan ko sayo Gie puro ka kalokohan e. Mag-aral kana dyan, tapos na ako kanina sa bahay nag sa-scan nalang ako" sabi ko

"Teka, may naalala ako eh, kahapon ko pa talaga to dapat itanong sayo kaso nakalimotan kong itanong ito."

"Sige magtanong kana" sabi ko

"Bakit ka hinigit bigla ni Klent? Wag mong sasabihin na may tinanong lang at ayaw nyang may ibang makarinig. Rason mona yon kay Ann, wag ako may naamoy kasi ako noon eh kaso diko lang ma comfirm e." Kunot noo ko syang tiningnan.

Anong naamoy? Anong pinagsasabi nito? Pareho talaga sila ni Ann may naamoy pero wala akung naamoy non. Mga imahinasyon talaga nila oh, grabe ang lawak.

"Pinagsasabi mo dyan na amoy?" Tanong ko

"Wag mong ibahin ang usapan khen, kaya sumagot ka nalang. Bakit ka nga hinigit ni Klent?" Naka pout pa sya ang cute tuloy nya tingnan.

"Ha? Yun ba?" Mag-isip ka utak "ahhh, kaya ako hinigit nong lalaking iyon kasi may secret kami." Wow! Ang galing grabe ang ganda nang naisip mo utak!

"Grabe Khen, ang galing nang palusot mo ha. Kung si Ann ang sinagot mo nang ganyan talagang oo kaagad ang sasabihin non. Kaso si Angiena ako e," may pa sadface sadface pa sya. Grabe talaga tong mang-asar sakin si Angiena huhu.

"Alam mo Gie, may naalala ako" sabi ko sa kanya. Ang bruha tudo lapit pa sa mukha ko.

"Ano?" Angiena

"May test kasi tayo sa first subject tapos hindi kapa nakapag-aral. Bukya ang kalalabasan mo dyan sige ka" haha nakakatawa ang mukha ni Angiena.

Hindi na ulit nagsalita si Angiena yun lang pala ang katapat e. Mayamaya dumating narin si Ann silang dalawa na ni Angiena ang nag-aaral. Sakto naman natapos sila ay nag bell na hudyat na wala nang klase ang Morning class. Feeling ko may maisasagot na sila mamaya sa test. Pareho kasi silang matalino.

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now