Chapter 38

5 0 0
                                    


Ang bilis nang araw parang kailan lang nong nagtapat ako ni Ezian sa nararamdaman ko para sa kanya.

Noong araw rin nang sabado pagkatapos nang klase namin dumiretso kami sa bahay ipapaalam lang daw nya sa mga magulang ko na nililigawan na nya ako. Na pangiti ako habang ina-alala ko ang nangyare.

(Flashback)

Kinakabahan ako habang papunta na kami sa bahay. Kasama ko si Ezian ngayon pauwi sa amin. Kaya ako ngayon kinakabahan dahil ito na ang araw na ipapaalam ko sa mga magulang ko na may manliligaw na akong pinapayagan na manligaw na sakin.

"Oky kalang ba Kheish?" Tumango lang ako saka ko sya binigyan nang ngiti sa mga labi ko para sabihing oky lang ako.

Pero deep inside sobrang kabado na talaga ako parang sasabog na ang puso ko sa kaba. Ano kaya ang sasabihin nila inay at itay? Kinakabahan ako sa magiging resulta.

"Para po." Saka kami bumaba sa jeep na sinasakyan namin.

Hindi naman malayo ang nilakad namin sa babaan nang jeep kanina papunta sa bahay namin. Nagpawala muna ako nang malalim na hininga saka ako kumatok sa pintuan namin.

"'Nay, 'Tay nandito na po ako. Saka may kasama rin pala ako." Nadatnan ko sila inay sa sala nanunood nang Tv.

Lumapit ako sa kanila para mag-mano. Akala ko tatayo lang si Ezian pero sumunod pala sya sakin para mag-mano din nila Inay at Itay.

"GoodAfternoon po sa inyo." Bati ni Ezian sa mga magulang ko pagkatapos nyang mag-mano.

Napangiti ako kasi parang walang bakas sa mukha ni Ezian na kinakabahan sya sa harap nang mga magulang ko.

"Sino tong lalaki na ito baby Khen?" Taas kilay na tanong ni Itay.

"Ahh... 'Tay... Manliligaw ko po sya." Kinakabahan na sagot ko kay Itay.

"Hmmm..sige umupo ka dito ihjo.. Saka ikaw naman Baby Khen, pumunta ka sa kwarto mo kakausapin ko lang ito." Tinititigan ni itay si Ezian.

Ano ba ito! Ako ang kinakabahan ni Ezian e. Di ba sya kinakabahan? Tiningnan ko muna sya bago ako pupunta nang kwarto ang kalmado parin nya. Napailing na lang ako.

Pagkapasok ko sa kwarto sinarado ko kaagad ang pinto. Saka ako ulit napabuga nang hangin. Sana oky ang pag uusap nila.

Tapos na akong magbihis nang ay kumatok. Pagkabukas ko si inay pala na may ngiti sa labi.

"Bakit po 'nay?" Ngiting tanong ko.

"Pasok po 'nay."  Saka kami umupo sa kama ko.

"Masaya lang ako anak...Unti-unti nang bumabalik ang Khen na nakilala ko, sya ba ang dahilan kung bakit ka wala sa sarili nong nagdaang dalawang buwan? Mmmm?" namula ako sa sinabi ni 'inay.  Saka ako dahan-dahan tumango bilang sagot.

Hindi ako makatingin ni inay nahihiya ako. Bakit ba ako nakaramdam nang hiya? Uhh.

"Mahal mo na ba sya? Kaya ka pumayag na ligawan ka nya?" mahinahon na tanong ni inay.

"Opo, pero 'nay pangako ko po hindi ko po sya sasagotin agad kahit mahal ko po sya. Kailangan nya pa pong paghirapan makuha ang "oo" ko 'nay. Hindi rin po ako bibigay agad."

"Gusto ko ang sinabi mo nak, aasahan ko iyan ha." Nag-tatawanan kami ni inay nang pumasok si Itay sa kwarto ko.

"Pwede bang ako naman ang kakausap sa baby Khen ko?" tumango ako saka si inay naman ay tumayo na saka lumabas na sa kwarto ko.

"Baby Khen? Gusto mo ba talaga yong lalaki na yon?" Tumango-tango ako sa tanong ni itay sakin bilang sagot.

"Alam mo ba. Nagtatampo ako sayo bakit mas pogi pa sakin ang manliligaw mo?" natatawa nalang ako sa tanong ni Itay. "Pero gusto ko sya anak para sayo... Kasi.. Bumalik na ang Baby Khen ko na masayahin.. Kaya pumapayag na ako na manligaw sya sayo. Pero, kailangan sa bahay. Mmmm?" tumango tango ako saka ko ni yakap si Itay at nag thankyou na rin.

(End)

"Ang saya natin ah. Nakangiti lang na mag-isa? Di mo man lang pinansin itong pagkain na binili ko para sayo. Hindi mo ba ako namimis?"  kinu-notan ko nang noo si Ezian ang OA. Parang hindi sya lagi sa amin ah... Kulang nalang na doon sya titira.

Kahit sembreak doon samin nakatambay. Paano ko sya mamimis kung ganoon? Parang sira.

"Ezian oky kalang? Kahapon lang tayo hindi nagkita dahil sinama ka nang mama mo. Namimis kana non kasi parang hindi kana daw nakatira sa inyo." taas kilay kong sabi sa kanya.

Simula noong Official na manliligaw na sya akin hindi na sya umaalis sa tabi ko. Aalis na sana kami sa canteen nang may biglang himarang saking dinaanan saka ako sinampal bigla. Tiningnan ko sya sino tong babae nato? Lahat nang tao sa canteen napatingin sa amin banda. Si Ezian naman dali dali syang lumapit sakin saka nya sinamaan nang tingin ang babae na sumampal sakin.

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now