Chapter 28

7 1 0
                                    

Nanlaki talaga ang mga Mata ko nang makita ko si Ace sa harapan ko may hawak syang mga bulaklak?!. Anong ibig sabihin nito?

"Ano bang meron Ace bakit may ganitong eksina? Atsyaka yung dalawang lalaki kanina asan?" Nilibot ko ang aking paninggin sa paligid. Nakita ko sila nasa may likoran ni Ace kaya pala familiar ang mga mukha nila dahil kaibigan nila si Ace.

"Sorry, Khen. Atsaka gusto ko lang na ano.. May sasabihin pala ako sayo. Wala akong pakialam kung papayag ka o hindi basta.... Kheishly Khen liligawan na kita simula ngayong araw." Literal nanlaki talaga ang mga Mata ko sa narinig ko mula sa bibig nya.

"Kyaaaaahhh!!!!"

Tili nang mga babaeng kinikilig sa sinabi ni Ace. Ano bang pumasok sa utak nito? Bakit nya ako liligawan? Akala ko ba kaibigan Kami! Bakit ganito?!

Nang medyo naka-recover na ako sa pagkagulat tumikhim muna ako nanunuyo ata ang lalamunan ko. Nilibot ko ang paningin ko ang dami palang mga tao!! Ngayon ko lang din alam na nasa Stage kami!!! My God! Talaga nitong si Ace!!!

"Ace." Ano ba ito! Hindi ko alam ang sasabihin ko. Asan ba sila Ann at Angiena?

"Khen, it's ok. Manliligaw pa naman ako hindi mo pa ako sasagutin kaya kalma kalang okay?" Tumanggo ako sa sinabi ni Ace. Tama sya Nanliligaw pa sya hindi pa nya ako tinatanong nang "Will you be my Girlfriend?" kaya relax Mona Khen.

"Teka nga. Hindi naman ako pumayag ah! atsaka mamaya na tayo mag-usap may klase pa ako. Excuse me" Saka ko sya tinalikuran hindi ko na pinansin ang mga bulong-bulongan nila dumiretso na akong pumasok sa room.

"Oyyyyy~~~"

"Sinagot mo ba si Ace, Khen?"

"Swertee mo Khen eyy~~"

Yan ang mga salitang sumalubong sakin pagpasok ko sa room namin. Hindi ko nalang pinansin at dumiretso na ako sa aking upoan.

Mamaya ka sakin Ace! Kainis ka talaga Ace!!! Ugghhh.

"Ganyan ka ba kiligin Khen? Hahaha." Natatawang sabi ni Angiena. Anong nakakakilig doon?! Nyetta talaga!

"Kanina pa nag-salubong ang kilay mo Khen, wala namang masama sa ginawa ni Ace. Pinaalam lang nya sa boung campus na gusto ka nyang ligawan." Seryoso nang sabi Ni Angiena.

Uwian na nagmamadali talaga akong magligpit para maabotan ko si Ace kaso itong dalawa hindi nila ako nilubayan. Ughh! Sinong hindi magsasalubong ang kilay?!

"Anong walang masama? Yon na nga ang masama, e. Pinaalam nya! Tapos may pa sabi pa syang "wala akong pakialam kung papayag ka o hindi basta liligawan kita Simula ngayong araw". Ughhh!!! Pinasakit ni Ace ang bunbunan ko!" Mahabang sagot ko kay Angiena. Ang bruha tawang tawa pa. Akala nya talaga na joker ako. -.-

Nandito na kami sa gate papalabas na kami kaso nagsitilian ang mga babae sa labas nang gate. Kasi nandon lang naman sila Ezian at Ace?! Bakit nagsusukatan sila nang tingin? Anong problema nitong dalawa? Lumipat ako sa kanilang dalawa saka ko hinatak si Ace. Hindi ko na nilingon si Ezian at hindi ko na rin pinansin ang mga pagtawag nila Ann at Angiena.

Nang medyo malayo-layo na aming nilakad binitawan ko na si Ace. Pagtingin ko sa kanya pangiti-ngiti pasya, kaya kinonotan ko sya nang noo! May tupak talaga itong lalaki nato!

"Bakit mo yon ginawa Ace?" Mahinahong tanong ko sakanya tiningnan ko sya nang mabuti para malaman nya na hindi ko nagustohan ang ginawa nya.

"Gusto ko lang naman na ipagsigawan gusto kitang ligawan." Sagot nya hindi sya makatingin sakin nang diretso.

"Bakit may pa ganon pa Ace?! Pwede mo naman akong sabihan na tayong dalawa lang ang nakakaalam diba? Na appreciate ko ang effort mo Ace, ang sakin lang sana Hindi mo nalang yon ginawa." Nakacross-arms ako habang sinabihan si Ace.

"Ok, I'm sorry. Akala ko... Sige, hindi na mauulit." Nakayukong sabi nya. Napangiti ako sa kanyang sagot.

"So, may gusto ka sakin?" Naka-ngiting tanong ko sakanya. Natatawa na ako kasi talagang nahihiya sya samantala kanina sa stage parang walang paki-alam sa paligid.

"Bakit ka natatawa? Nahihiya na nga ang tao." nakangusong sabi nya.

"Ahm, Ace." tumingin sya sakin. "Alam mo naman diba na hanggang pagkakaibigan lang ang kaya kung ibigay sayo" Nakatitig na ako ngayon sakanyang mga mata.

"Mahal kita....." Namilog ang kanyang mga Mata sa sinabi ko.

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now