Chapter 47

2 0 0
                                    

Hi, first i just want to say sorry if year's na (parang years na ata) ang lumipas dami lang talaga nang yari at tsaka walang time magsulat. 🤧 So please be with me this is not perfect alam kung andaming flaws nito so please comment kayo nang opinion ninyo please 🙏

----

Kinabukasan maaga akung umalis sa bahay. Nag text na rin ako kay Ezian kaso di nya ako ni-replyan. May ginagawa pa siguro yun.

Pagkarating ko sa school wala pang tao. Kay dumeritso ako sa guardhouse. Sa ilang minuto kong andun wala pang dumating na Ezian diba nya na receive ang text ko? Hays asan na ba sya.

Dumarami na ang mga studyante ang Naka tambay sa guardhouse pero yung hinihintay ko hindi pa dumarating.

Kay nag text nalang ako uli sa kanya na sa uwian nalang kami mag uusap. Saka ko pinasok ulit sa bulsa ang cellphone ko.

Mayamaya lang dumating na sila Ann at Angiena ngumiti ako sakanila saka kami pumunta na sa room namin. Kasi saktong pag dating nila tumunog na ang bell.

Nagsimula na ang klase pero hindi parin dumating si Ezian saan na ba yun? Di ba sya papasok ngayon? Hanggang sa natapos na ang first class pero hindi parin sya dumarating. Kaya nag text na ako sa kapatid nyang babae na si Ezxian.

To; Ezxian

Hi, bby girl nandyan ba kuya mo sa inyo?

Sent!

Hanggang sa natapos ang klase namin ngayong araw walang Ezian na nagpakita. Nag-alala na ako bakit ba ako kinakabahan nang ganito? Napa buga ako nang malalim na hininga saka kinalma ang sarili. Walang masamang mangyari kaya relax lang self.

Umuwi na ako samin pagkatapos nang klase naabotan ko pa sila inay nag lilinis sa kusina.

"Goodevening 'nay. Tapos na po ba kayung kumain?" Tanong ko.

"Kakatapos lang sayang hindi mo kami na abotan yung tatay mo inaantok na kasi. Ano kumusta pag-aaral mo nak?" Ngumiti ako sa magandang balita para kay inay

Malapit na kasi ang graduation namin malapit nang matapos ang buwan nang February. March na sa susunod na buwan.

"Ayos lang po nay. Pero sabi po nang teacher namin baka po mapabilang po ako sa with honors na ga-graduate. Pero ewan ko po baka hindi pa po sigurado yun kasi may last exam pa po kami diba?"  Sabi ko kay 'inay habang hinahanda ang kakainin ko.

"Okay lang yan anak. Basta yung grades mo lang e maintain mo para maka kuha tayo nang scholarship."  Naka ngiting sabi ni inay.

Nagpaplano kasi ako na kukuha nang scholarship para hindi na bibigatan sila inay sa mga gastos kapag nag co-college na ako. Mahal kasi ang tuition sa kukunin kung course which is Tourism.

Pagkatapos namin mag usap ni inay pumasok na ako sa kwarto saka nagbihis at nagpahinga na. Habang humihiga ako saka ko na alala na e check ang cellphone ko kung may message ba galing kay Ezian.

2 message!

May message pala nakalimutan kung pindotin pabalik ang silent. Sinilent ko kasi kanina kasi nagkaklase para di ako maka bastos sa discussion.

From; Ezxian

Ate, wala po si kuya dito lagi po kasi syang umaalis akala po namin na dyan na po sya titira sa inyo HEHEHE 😅

To: Ezxian

Bby girl, di nga kami nagkikita na ang kuya mo eh. Anong sina sabi mo na lagi syang umaalis? Bdw slr.

Sent!

Nagtataka ako habang inuulit binabasa ang message baka nagkamali ako sa pagkaintindi. Anong ibig sabihin na laging umaalis? Saan naman sya pumupunta?

1 message

From; Ezxian

Hala ate. Sigurado ka? Kung hindi sya sa inyo pumupunta saan naman yun. Baka pumunta na naman yun kay kila ate Betrix.

To: Ezxian

Ahh, okay bby girl. Wag mo nalang sabihin sa kuya mo na nag tanong ako ha. Goodnight na!

Sent!

Kahit naguguluhan nagawa ko pang mag reply kahit hindi ko naintindihan ang mga sinasabi nang kapatid nya. Sino si Betrix?

Ezian bakit hindi ka nag rereply sa mga text ko sayo. Ganyan kaba talaga ka busy para hindi mo man lang ako magawang replyan?

Hanggang sa diko namalayan naka tulog ako sa malalim na iniisip.

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now