Chapter 11

17 2 2
                                    

Kinakabahan na ako kasi dapat nandoon na sana ako sa bahay tiyak nag alala na yon sina inay't itay. Saan ba kasi ako nito dadalhin?!

"Klent! Bukas nalang tayo mag usap oh, baka nag-alala na sila inay't itay sakin" sabi ko

Ang loko parang walang narinig ah! Ang lapit lapit lang namin tapos pabingi bingihan? Ughh kakainis!

"ANO BA KLENT! SABING BUKAS NALANG TAYO MAG USAP! NAG-ALALA NA YONG MAGULANG KO KLENT!" sigaw kung sabi sa kanya para marinig na nya ang sinabi ko.

"Hinaan mo nga yang boses mo gabi na" sagot nya.

Napairap nalang ako sa kawalan kainis talaga tong ulol na ito eh! Napapamura tuloy ako nang wala sa oras!

"Bitawan mo na ako" sabi ko.

"Saan mo ba ako dadalhin? Kung hindi ka rin naman pala sasagot sa mga tanong ko pwede ba bitawan mo na ako kasi yung mga magulang ko siguradong sigurado ako na nag alala nayon sa mga oras na ito kaya please lang bitawan mo na ako para maka'uwi na ako" mahinahong sabi ko sa kanya.

Huminto muna sya at humingga nang malalim at saka humarap sakin.

"Sorry, hindi na mauulit. Ihahatid nalang kita sa inyo" sabi nya

Tumango nalang ako sa kanyang sabi at pumara na sya nang tricycle. Akala ko ihahatid nya ako pero may sinabi lang sya sa driver at nag bayad.

Pagkauwi ko sa bahay sinalubong ako agad ni inay, napapikit ako nang mariin ano ang sasabihin ko kay inay ano ang sasabihin ko kung bakit ako natagalan sa pag uwi? Kasalanan to ni ezian ughhh.

"Buti at nandito kana nag alala kami nang itay mo kasi lagpas na nang uwian mo pero hindi kaparin umuuwi, nakatulog na ang yong itay sa kahihintay sayo nak" nag alalang sabi ni inay.

"Nay pasensya na po hindi ko na po uulitin nay sorry" paumanhin kong sabi

"Sige nak, magbihis kana at para makakain kana nang haponan mo bukas mo nalang kakausapin ang itay mo ha? At ako'y matutulog na nak hinintay lang talaga kitang umuwi" sabi ni inay.

Tumango ako sa sinabi ni inay at humingi ulit nang paumanhin. Pagkapasok ni inay sa kanilang kwarto pumasok narin ako sa kwarto upang makapagbihis.

Hindi ako kumain nang haponan at hindi narin ako lumabas sa kwarto, nakatulog kaagad ako pagkahiga ko sa kama.

Kinabukasan humingi ka agad ako nang sorry kay itay, hindi naman daw sya galit sakin kaya okay na. Wag ko nalang daw yon uulitin.

Hindi ko naman talaga uulitin yon kasi hindi ko narin papansinin si ezian. Nag alala tuloy yong mga magulang ko.

Pagkatapos naming mananghalian ni inay gumawa na ako sa aking assignment.

"Nak, maligo kana alas kwatro na nang hapon" sabi ni inay.

"Maya-maya na po nay, pagkatapos ko dito sa ginagawa ko" sagot ko

"Para saan bayang ginagawa mo?" tanong ni inay

"Wala lang po to 'nay" sabi ko.

"O sige maiwan na kita may gagawin pa ako sa kusina nak" sabi ni inay at umalis na.

Pagkatapos nang ginagawa ko naligo kaagad ako at dali daling nagbihis. Paglabas ko nag paalam at nagmano ako kay inay atsaka umalis na sa bahay.

"Khen, saan ka dinala ni klent kahapon? Hindi kana namin naabotan ni angiena ang bilis nyong nawala ni klent" sabi ni ann

"Wala dyan lang sa tabi tabi" sagot ko lang

"May sinabi ba si klent sayo?" tanong nya

"May tinanung lang ayaw nya kasing may makarinig sa aming usapan kaya umalis kami di na ako nakapag paalam sa inyong dalawa pasensya na" hinging tawad ko kay ann

"Okay ĺang yon walang problema samin ni angiena yon" ngiting sabi ni ann kaya ngumiti nalang din ako.

Pagdating namin sa classroom ni ann wala pang masyadong tao sa classroom kaya umupo muna ako sa katabing upuan ni ann. Mayamaya pa dumating na si angiena at umupo rin sya sa harapan ko pero di nya yon pwesto nakisali kasi sya sa aming usapan ni ann. Marami na kami sa classroom kaya nag paalam na ako sa dalawa na babalik na ako sa upoan ko, nag paalam narin si angiena kasi babalik narin sya sa kanyang pwesto.

Kalaunan dumating narin ang aming adviser at nag simula agad sya sa kanyang ituturo samin ngayong gabie. Habang nag didiscuss si miss pasimple kung sinulyapan si ezian, matangos ang ilong, maganda ang pagkakurba nang kanyang labi, nababagay sa kanyang mukaha ang kanyang makapal na kilay at ang kanyang mga pilikmata hindi gaano kahaba pero bagay sa kanyang mata.

"Stop starring" sabi nya kaya nagulat ako ron pero diko pinahalata tumikhim muna ako na parang walang nangyari at nakinig na ulit sa dini-discuss ni miss sa harap.

Hindi na ako nagbalak ulit na sumulyap sa kanya hanggang sa break time namin dali dali na akung lumabas, doon ko nalang hihintayin sina Ann sa stage.

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now