Chapter 19

8 2 0
                                    

Sunday na ngayon kaya maaga akong gumising dahil magsisimba kami mamaya nina inay at itay. Dahil feeling ko ang ganda nang umaga ko ako na ang nagluto para sa aming Agahan.

Pagkatapos naming mag-agahang tatlo nagsibihis na kami para magtungo sa simbahan. Pagkatapos kong magbihis hinintay ko nalang sila inay sa sala.

"Tara na po nay, tay." Sabi ko sa kanilang dalawa.

Ngiti at tango lang ang kanilang sagot sakin kaya ngumiti rin ako pabalik sa kanila. Humawak ako sa kanilang kamay pumagitna kasi ako sa kanilang dalawa nang makalabas kami nang bahay.

Pagkatapos nang mass diretso uwian kami para daw ang grasya na ibigay nang panginoon didiretso sa bahay. Kaya pagkarating namin sa bahay nag asikaso na si nanay para pumunta na sa aming munting sari-sari store.

Kami nalang dalawa ni tatay naiwan sa bahay. Nag presenta na si tatay na sya ang magliliinis nang bahay. Dahil wala na akong gagawin tinapos ko narin ang lahat nang mga assignments ko kahapon nang gabi pagkarating ko sa bahay. Ako na ang naglaba sa aming mga duming damit para makapagpahinga narin si tatay pagkatapos nyang maglinis nang bahay.

"I like you"

Habang nagkukusot ako nang damit biglang nag popup sa isip ko ang sinabi ni Ezian kahapon. Kaya ipiniling ko ang aking ulo upang maalis sa aking isipan ang sinabi nya kahapon.

Lunes na bukas hindi ko alam kong ano o paano ko sya haharapin. Parang nahihiya ata ako habang iniisip ko ang pagkikita namin bukas. Pero teka bakit ako mahihiya? Wala naman yon sakin LIKE lang naman e.

Talaga wala lang sayo yon? - makikipag debate pa ata itong kabilang utak ko ah -.-

"Maglaba kana lang Khen, wag mo nalang yon isipin. Para matapos ka kaagad." Sabi ko sa sarili ko.

Para akung baliw dito pinagsasabihan ko ang sarili ko. Di naman gaano katagal ako natapos sa paglalaba ko pagkatapos kong magsampay nagtungo ako sa kusina para uminom nang tubig.

Nong tangahali umuwi so inay galing sa tindahan namin tinulongan ko syang magluto. Pagkatapos naming magluto ako na ang tumawag kay tatay at nag handa nang lamesa.

Pagkatapos naming kumain tatlo ako na ang nagligpit nang lamesa at nag presenta narin ako na ako ang maghuhugas nang pinggan.

Narito na ako sa kwarto upang magahinga napagod ako ngayong araw any dami kung inakong gawain. Pero okay natulungan ko naman sila inay at itay.

"Nak, gising na maghahaponan na tayo bumangon kana dyan nak." Niyogyog ni inay and balikat ko para magising ako.

Kinusot ko muna ang mga Mata ko at nag inat-inat tsayaka ako bumangon.

"Nay, maghihilamos muna po ako ha. Susunod nalang po ako sa inyo" pagkasabi ko dumiretso kaagad ako nang banyo upang maghilamos.

Pagkatapos naming kumain nang haponan ako na ang naghugas nang pingan. Pagkatapos ko sa aking ginawa nagpaalam na ako nila inay na aakyat na ako sa kwarto.

Pagkarating ko sa kwarto humiga ulit ako sa kama. Papaidlip na Sana ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.

From: Ezian 💕

Good evening 👋 busy ka pa ba?

Pinalitan ko ang name nya sa phone ko kahapon Hindi ko alam kung bakit ("💕")  ganito ang nilagay ko sa dulo nang panggalan nya. Basta gusto ko lang.

To: Ezian 💕

Hindi na bakit? May kailagan ka ba?

Papasent palang ako nang maalala ko na wala pala akong load. Tss kaya binalik ko nalang ulit ang cellphone ko sa lagayan. Makatulog na nga lang.

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now