Chapter 9

13 0 0
                                    


Kinaumagahan nagulat ako kasi ginising ako ni inay na may bisita daw ako kaya dali dali akung bumangon at pumunta sa banyo upang maligo.

Paglabas ko sa banyo dali dali narin akong nagbihis nang damit dipa nga ako tapos sa pagsuklay lumabas na ako sa kwarto. Nadatnan ko sina inay at itay kasama sina ann at angiena. Bihis na bihis silang dalawa saan kaya punta nitong dalawa?

"Oh andyan na pala baby khen" sabi ni itay ngumuti ako kay itay

"Goodmorning nay tay, oh bakit bihis na bihis kayong dalawa?" Tanong ko kina ann

"Ahh magsisimba tayong tatlo kaya kami narito para ipaalam ka, pero don't worry pumayag naman sila inay at itay" nakangiting sabi ni angiena ngumuwi ako kay angiena sa kanyang sinabi

"Pero kami tatlo ang magsisimba ngayon eh" sabi ko

"Oky lang anak sumama kana sakanila minsan lang naman din sila mag aya sayo magsimba eh, sa susunod tayo nang itay mo ang magsisimba ha" tumango ako sa sinabi ni inay bilang pagsang-ayon.

Kaya nag madali na akong nagbihis pang simba at inayos ko narin ang pagsuklay ko sa buhok. Pagkatapos kung mag ayos lumabas na ako s kwarto. Nagpaalam at nag mano muna kami bago umalis.

"Peace be with you" sabi ko sabay bow sa mga tao sa paligid ko. At nag biso biso naman kaming tatlo.

Pagkatapos naming mag simba nagpagdisisyonan naming tatlo sa mall muna kami tatambay bago umuwi. Pumunta kami sa nagtitinda nang ice cream at bumili, pagkatapos naming bumili naghanap na agad kami nang mauupuan.

"Gie? Si klent oh" Sabi ni ann

Kaya tumingin din kami ni angiena sa direction na tiningnan ni ann. Napangiti nalang ako bigla at iniling ang aking ulo.

Kaya pala ayaw na nya akong pansinin tss bakit ba kasi naniwala agad ako na kaibigan lang sila? Kasinungalingan lang naman pala.

"Oh girlfriend?" Tanong ni angiena. I just nodded on her as an answer.

"I thought there just friends?" Kunot noong tanong ni ann

"Akala ko rin eh yon kasi ang sabi nya, siguro hindi pa sila noon baka nanliligaw pa sya non"  sagot

"Ahh" sabi ani ann tumango nalang din si angiena.

Pagkauwi ko pagod akung humiga sa kama wala naman kaming ibang ginawa kundi ang maglibot lang kanina sa mall.

Mall ulit sa isip ko.

At doon biglang nag rewind yung nakita ko kanina si ezian at yung girlfriend nya mapait akung ngumiti. Tsk bakit? Yan ang tanong ko ngayon sa sarili ko.

BakitBakit Sumisikip ang dibdib ko.

BakitBakit parang sa tuwing naiisip ko ang nakita ko kanina para akong naiiyak?

Bakit? Bakit ang dami ko nang tanong sa isip ko pero ni isa wala akong nasagot?

Kaya napagpasya nalang ako na magbihis nang pangbahay at matulog ulit, gigising nalang ako mamayabupang magtanghalian.

"Nak gising na" hinahaplos haplos ni inay ang buhok ko parang ayaw ko pa yatang bumangon ang sarap sa pakiramdam.

"Nak gising kana hapon na magsisimba na kami nang itay mo bumangon kana nak" sabi ulit ni inay.

Kaya minulat ko na ang aking mga mata tiningnan ko si inay nakabihis na sya kaya bumangon na ako at pumunta sa banto para manghilamos.

"Aalis na po kayo tay?" Tanong ko

"Oo baby khen, kumain kana dyan nak aalis na kami" sabi ni itay at nag mano na ako sa kanila.

Pumunta na agad ako nang kusina at kumain na napasarap talaga ang tulog ko at hapon na ako nagising siguro napagud lang talaga ako sa paglibot libot naming tatlo kanina.

Pagkatapos kung kumain nanuod mo na ako nang tv. Kaso wala akong nagustohang palabas kaya pinatay ko nalang. Kinuha ko ang cellphone ko at tinext sina ann at angiena.

To: ann😘 To: angiena😍

Asan kayo? Ako lang dito sa bahay nagsimba sila ni itay.

Sent!

From: angiena😍

  @cousins crib! Movie mara.

From: ann😘

Movie marathon with siblings.

Binasa ko nalang ang kanilang minsahi at hindi ako nag reply baka nakakaistorbo ako sakanila.
Kaya ang ginawa ko nalang nag babasa ang mga lessons wala na akong ibang choice kaya mag aaral nalang ako.

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now