Chapter 15

10 2 0
                                    

"Kayo na ba ni Klent Ocampo?" Tss. Akala ko naman kong ano ito lang pala ang tanong nya.

"Hindi" diretsahang sagot ko kay Felix.

Namilog ang mga mata nila Felix at Floyd sa sagot ko. Ano bang nakakagulat sa tanong ko?

"Bakit ganyan ang reaction nyong dalawa?" Tanong ko sa kanila. Hindi na kasi sila umimik e.

"Sorry, talaga hindi?" Tanong ni Felix

Tumango ako sa tanong nya mayamaya nang parang nakarecover na si Floyd tumawa sya bigla. Kaya napatingin kami sa direction nya.

"Hahahaha grabe hindi ako maka paniwala talaga totoo?" Natatawang tanong nya sakin.

Kagaya nang sagot ko kanina kay Felix tinangoan ko rin si Floyd bilang sagot.

"Bakit?" Sabay na tanong nilang dalawa.

Kinonotan ko sila nang noo sabay patalaga sia ha.

"Anong bakit? Para kayong ewan dalawa dyan" sagot ko.

"Hindi kasi ano ahmm, Bakit kayo hindi mag syota? Sa loob nang classroom natin ikaw lang ang pinapansin nya maliban kila Ann at Angiena kapag may tinanong sya tungkol sayo. Kaya tanong namin bakit?" Mahabang sagot nya sa tanong ko.

Talaga nagtanong sya tungkol sakin bakit hindi ko alam iyon? Tumingin ako sa kinaroroonan nang dalawa. Aba nag peace sign pa sila ha mamaya kayong uwian sakin.

"Ha? Ano bang pinagsasabi mo? Syempre kakausapin talaga ako noon kasi magkatabi kami haleerr?!" Inikotan ko sila nang mata ko.

"E kasi Khen nakapagtataka lang kasi samin sa nakakilala kay Klent hindi yon ganoon e" si Floyd na naman ang nagsalita

"Bakit ano ba sya?" Kunot noo kong tanong.

"Ito ha! Satin satin lang to wag nyong ipagsabi sa iba ha. Si klent na kilala namin kasi ay hindi palaimik magsisimula ka palang  kumausap sakanya tinataboy kana tapos ito pa kahit kailan hindi yon kumakausap sa mga nagiging katabi nya noon! Kaya tinanong ka namin bakit? Bakit ibang Klent ang nakikita namin kapag ikaw ang kaharap?" Mahabang salaysay ni Floyd

Napaisip tuloy ako sa kanyang sinasabi sakin. Kung totoo ang kanyang sibasabi sakin base on his observation. Hindi ko alam kong bakit basta bigla nalang ganoon din BOOM! THE END!

Hangang sa natapos ang klase hindi parin mawala sakin ang sinabi ni Floyd. Bakit ganoon ang observed nya e hindi ko nga na feel na ganoon sya e, gaya nang sabi nya sakin kanina.

"Okay ka lang?" Bilang tanong ni Ezian.

Napahawak tuloy ako sa aking dibdib sa gulat. Bakit bigla bigla nalang ito nagsasalita ni hindi ko nga sya kinausap simula kanina.

"Okay lang" sagot ko nalang.

Sa totoo lang hindi ako okay kasi bumabagabag parin saking isipan ang sinabi ni Floyd kung ganon nga ano ang pinapahiwatig ni Ezian sakin na hindi ko alam? Hays! Wag ko nalang isipin baka mabaliw ako wala sa oras. Huminga nalang ako nang malalim at iniigpit ulit ang mga gamit.

"Ang lalim nang iniisip mo" Sabi nya hindi patanong.

"Ha? Wala naman akong iniisip" pag dedeny ko sa kanyang sabi.

"Ano ba yang iniisip mo bakit ang lalim nang pagbuntong hininga mo?" Sige e push mo pa lalo ang tanong na yan Ezian.

"Okay sige iniisip ko kung paano ako gigising bukas nang maaga" sagot ko nalang sa kanya

Kunot noo ko syang tiningnan sa kanyang reaction. Totoo ba to o kathang isip lang? Bakit tuatawa sya? Anong nakakatawa? Unang kita ko syang tumatawa yong may kasama syang ibang babae.

"Nice joke" hindi na sya tumatawa ngayon nakangiti na sya. Joke? Anong joke sa sinabi ko?

"Ha?" Kunot noo kung tanong

"Nevermind, so tapos kana?" Tumangi lang ako bilang sagot sa kanyang tanong.

Sabay na kaming lumabas nang gate iwan ko don sa dalawa kong kaibigan kong asan na. Akala ko pa naman gaya nang dati hihintayin nila ako pero ngayon umuna nang lumabas may kasama daw mga lalaki ang dalawa sabi nang pinagtanongan ko kanina na kaklase rin namin.

"So bukas after class" biglang sabi ni Ezian.

"Ha? Anong bukas? Bakit?"  Nalilitong tanong ko.

Napabuntong hininga muna sya at tumingin sakin nang diretso. Na conscious tuloy ako saglit sa kanyang pag titig sakin. Wag ganyan Ezian baka ano basta!

"Diba sabi mo sa sabado na tayo mag usap?" tanong nya

"Ha? May sinabi ba ako nang ganoon? Kailan? Hindi ko matandaan e pasinsya na madaming eniisip e." syempre naalala ko yon no, kinakabahan na nga ako para bukas e.

"Talaga?" taas kilay nyang tanong. Bakit ang Gwapo mo? Hayst erase!

"Hehe syempre biro lang sige bukas uwian ha wag mong kalilimotan" ngiting pilit ang ginawad ko sakanya.

Kagaya noon pumara sya nang tricycle at sya narin ang nagbayad. Nagpaalam narin ako sa kanya and he wave his right hand to me as a goodbye.

Ang Boyfriend Kung Heartthrob ( On-Going )Where stories live. Discover now