MOTS PROLOGO

109 12 5
                                    

[Prologo]

"Nais mo bang sumama sa akin?"

Napatingin si Dalya sa nagsalita at kararating lang, si Liam. Nakangiti sya kay Dalya ngayon na syang nakakahawa kung kaya't napangiti rin ito, narito sila ngayon sa salas at sila lamang ang tao.

"Saan naman tayo pupunta?" Nakangiting tanong ni Dalya, umupo si Liam sa kanyang tabi ngunit hindi na naman malaking bahay iyon sa kanya.

"Basta, sumama ka na lang sa akin" Ngiti ni Liam, tumango at ngumiti naman si Dalya. Inilahad ni Liam ang kanyang kamay na syang tinanggap ni Dalya at tuluyang umalis sa mansyon.

*****

Nakasakay ngayon si Liam at Dalya sa kotse na pagmamay-ari ni Liam at papunta na sila ngayon sa lugar na tinutukoy ng kanyang kaibigan, pagkarating nila sa entrada ng bayan ay tahimik na binasa ni Liam ang pangalan ng bayan. Habang si Dalya naman ay tila nakakita ng multo at gulat na napatulala ng mabasa nya ang pamilyar na pangalan ng bayan na kung saan sya nagmula.

Santa Prinsesa.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Liam ng makita ang reaksyon ng mukha ni Dalya, bakas sa mukha ni Liam ang pag-aalala.

Hindi naman nakaimik si Dalya, may kung anong tila bumara sa kanyang lalamunan na syang dahilan ng kawalan ng masasabi. Iniwas na lang ni Liam ang kanyang titig kay Dalya at itinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Nang makabalik sa ulirat ay ilinibot ni Dalya ang kanyang paningin.

Hindi na ito tulad ng kanyang nakasanayan at naabutan, makulay at moderno na ngayon ang lugar na 'to. Wala na rin ang mga sugat na natamo ng Pilipinas mula sa kamay ng mga iba't ibang mananakop, bigla ay bumilis ang tibok ng puso nya ng makita ang hardin ng Santa Prinsesa na syang isa sa mga tambayan nya noong taong nakaraan.

"Liam, m-maaari ba tayong tumigil at pumunta sa harding iyon?" Tanong ni Dalya habang ang tingin ay naroon pa din sa hardin, nagtaka naman si Liam pero sa huli ay pumayag din at tumango.

Iginilid nya ang sasakyan at naunang bumaba upang pagbuksan at alalayang bumaba si Dalya, pinagmasdan nya sandali si Liam bago naunang naglakad papunta sa Hardin ng Santa Prinsesa na kay lapit na sa kanila.

Ngunit napatigil bigla si Dalya sa kanyang paglalakad ng bigla ay kumirot ang kanyang puso, napahawak sya roon at nagulat sya ng bigla ay kinakapos ang kanyang hininga. Agad lumapit si Liam at sinalo sya ng bigla ay nawalan sya ng balanse.

"Dalya!" Sigaw ni Liam habang pilit na tinatanong ito ngunit hindi nya magawang sumagot dahil sa panghihina, unti-unting lumabo sa kanyang pandinig ang boses ni Liam hanggang sa tuluyan na syang mawalan ng malay.

*****

Nagising si Dalya sa isang madilim na lugar, napahawak sya sa kanyang ulo at dahan-dahang tumayo. Nang mapaharap sya ay doon nya napagtanto na nasa isang lumang simbahan sya na linulumot na, umihip ang malamig na hangin at kasabay noon ay ang pagtindigan ng kanyang balahibo.

Dahan-dahan syang napalingon at nanlaki ang mata nya ng may makitang isang babae, hindi lamang ito isang pangkaraniwang babae sa kanya dahil ang kanilang mukha ay iisa lamang. Nanlamig ang buong katawan nya ng marinig nya ang dahan-dahan at nakakakilabot na boses nito at sinabing...

"Panahon na..."

********************
#MemoriesOfTheSky

Memories of The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon