[Kabanata 5 - Pagpapakilala]
"Twenty eighteen..." Sagot nito sa katanungan ni Dalya, napatigil si Dalya sapagkat hindi nya naunawaan kung ano ang sinabi ng lalaki.
"T-twenti e-eytin?" Naguhuluhang tanong ni Dalya, napasapo naman ang lalaki sa kanyang noo.
"Dalawang libo at labing-walang taon na" Pagsasalin nito sa wikang tagalog, unti-unting prinoseso ni Dalya sa kanyang utak ang mga numerong nabanggit. Nanlaki ang kanyang mga mata ng mapagtanto kung anong taon na.
"Ano?! Paumanhin ngunit ikaw yata ay nagkakamali! Isang libo walong daan siyamnapu't walo pa lamang!" Nabibigla nyang sabi.
"1898? Panahon ng laban ng mga kastila at amerikano" Wika ng lalaki at napatango-tango, nanlaki lalo ang mga mata ni Dalya.
"P-paano mo nalaman?" Gulat na tanong ni Dalya sa kanya, huminga naman sya ng malalim.
"Tulad nga ng sabi ko sa'yo, 2018 na ngayon. Pinag-aaralan ang makasaysayang nakaraan ng pilipinas sa araling panlipunan, kaya alam ng ilan ang pananakop ng amerikano sa pilipinas at maging ang espanyol at hapones" Mahabang salaysay nito, napaisip naman si Dalya. Hindi sya makapaniwalang nangyayari ito ngayon, pakiramdam nya ay malapit na syang maniwala na sya'y nasa makabagong panahon nga.
"N-ng ilan? Ano ang iyong ibig sabihin?" Tanong ni Dalya sa kanya, huminga naman ng malalim ang lalaki.
"Hindi lahat ng mga tao ngayon lalo na ang mga kabataan ay interesado sa kasaysayan ng Pilipinas" Sagot nito, tila nakaramdam naman ng lungkot ang puso ni Dalya dahil doon.
Nanaig muli ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa, nakatulala lang sa kung saan si Dalya habang ang lalaki ay nakatingin sa kanya. Ilang sandali pa ay may naisipang itanong si Dalya.
"Sya nga pala, ano ang iyong pangalan?" Tanong ni Dalya sabay tingin sa lalaking nakatingin din sa kanya ngayon, masasabi nya na may natatangi itong kagwapuhan at kakisigan.
"Liam..." Wika ng lalaking nagngangalang Liam at inilahad ang kamay sa harapan ni Dalya, hindi naman malaman ni Dalya kung tatanggapin nya ba ang kamay ni Liam na nakalahad ngayon sa kanyang harapan. Nagulat naman si Dalya.
"A-ano ang iyong ibig sabihin?" Nagugulat na tanong ni Dalya, higit na ipinagbabawal ang paghahawak ng kamay ng isang ginoo at binibini kung hindi naman ito magkasintahan at nakatakdang ikasal sa isa't isa.
"Shake hands, pakikipag-kamay" Sagot ni Liam. "N-ngunit hindi maaaring maghawak ang ating kamay, isa itong kapangahasan sa mata ng mga tao" Wika ni Dalya sabay iwas ng tingin, hindi sya sanay sa ganitong usapan at hindi nya maunawaan kung bakit hindi nito alam iyon.
"Ngunit 'wag mo nang intindihin iyon, Dalya ang aking ngalan" Nakangiting pakilala naman ni Dalya at tinanggap ang kamay ng binata.
Sa unang pagkakataon ay lumabag sya sa hindi at hindi dapat gawin ng isang ginoo at binibini. Ramdam nya ngayon ang lambot ng kamay ng binata, kapangahasan man ito sa paningin ng mga tao ngunit sila lang naman ang tao rito kung kaya't wala na iyon sa kanya.
Lumitaw ang tipid na ngiti sa labi ni Liam na sa unang pagkakataon ay nasilayan ni Dalya, bigla ay nakaramdam sya ng kung anong kabog sa kanyang puso na sa unang pagkakataon din ay naramdaman nya. Napatulala sya sa ganda ng ngiti nito, nang matauhan ay umiwas din sya ng tingin.
"How are you— Kamusta na ang kalagayan mo?" Tanong ni Liam sa kanya ng mag bitaw ang kanilang kamay, si Dalya na ang unang bumitiw.
"Ayos naman, ako'y walang ibang nararamdaman na sakit..." Sagot nito at pinutal na ang kanyang sinasabi, hindi nya alam kung tama ba na sabihin nyang sya'y nabaril ng isang kakaibang lalaki at pag gising nya ay nasa makabagong panahon na sya.
"Mabuti naman kung gano'n, kainin mo ang mga prutas na gusto mo para lumakas ka agad" Saad ni Liam at itinuro ang mga prutas na nasa lamesang katabi ngayon ng hinihigaang kama ni Dalya. Tumango naman si Dalya, akmang aalis na si Liam ngunit pinigilan sya ni Dalya.
"S-sandali! Ikaw ba ang lalaking lumapit sa akin bago ako mawalan ng malay?" Pahabol na tanong ni Dalya, nais nya ding magpasalamat sa lalaking iyon dahil hindi sya iniwan nito sa daan at tinulungan. Tango ang tanging isinagot ni Liam.
"M-maraming salamat muli" Pasasalamat ni Dalya at ngumiti ng marahan, tinanguhan sya muli ni Liam.
"Walang anuman, babalik ako" Saad nito at tuluyan ng lumabas sa kwarto, ang mga huling salitang binitawan nya ay ang syang nagpapanatag sa loob ni Dalya dahil alam nyang may taong babalik para sa kanya at hindi sya iiwan...
*****
Tulalang nakatingin si Dalya sa bagay na hindi nya maunawaan kung ano habang kumakain ng ubas, iniisip nya ngayon kung ano na ang magiging takbo ng kanyang buhay ngayong nasa makabagong panahon na sya. Wala syang ibang kakilala rito kung hindi si Liam na ngayon lang din naman nya nakilala, sa kanyang isipan ay magiging palaboy na lang sya sa daan.
"Hayaan mo na Dalya, ang importante ay buhay ka at humihinga. Ngunit huwag sana akong umabot sa punto na ako'y magnanakaw na dahil sa labis na kagutuman-" Naputol ang ginagawang pakikipag usap ni Dalya sa kanyang sarili ng bumukas ang pinto at tumambad si Liam na agad napatingin sa kanya.
Nahihiyang umiwas ng tingin si Dalya, baka iniisip na ni Liam ngayon na sya'y nababaliw. Naiinis sya dahil mukhang hindi na sya nagmumukhang dalagang pilipina sa panahong ito, sya'y nagmumukha ng isang babaeng kinulang sa tulog at kung ano-anong tumatakbo sa isipan.
"Saan ka nakatira?" Tanong ni Liam, napaisip naman si Dalya kung ano ang kanyang sasabihin.
"Nakatira ako sa isang barrio kung saan ang aking tinitirhang ay gawa sa bahay kubo" Sagot nya, magsasalita na sana si Liam ngunit nagsalita ulit sya.
"Ngunit dahil ako'y nasa makabagong panahon na, hindi ko na alam ngayon kung ano na ang nangyari sa aming tahanan. Kung hindi mo naitatanong, ang buong pangalan ko ay Dalya Trinidad. dalawampu't anim na taong gulang na ako, noong nakaraang buwan lang ipinagdiwang ang aking kaa-" Napatigil na naman sa pagsasalita si Dalya dahil hindi nya namalayang halos isinaad nya na pala ang kanyang buhay kay Liam, napapikit syang muli sa inis at hiya.
"Kung gayon, saan ka titira ngayon?" Tanong ni Liam sa kanya, napaisip muli si Dalya. Susundin nya na lang ang kanyang kapalaran na tumira sa lansangan.
"Ako'y maninirahan na lang sa kung saan-saan, sanay na naman ako sa hirap ng buhay kung kaya't walang problema sa akin iyon. Maaari rin akong mamasukan sa palengke, ang isa o dalawang piso ay sapat ng sweldo upang ako'y mabuhay" Sagot nya.
Sa kanyang panahon, ang isa o dalawang piso ay malaking halaga na. Ang hindi nya alam, hindi na sya maaaring mabuhay pa sa halagang piso o dalawang piso o limang piso dahil kay liit na halaga na lamang nito sa panahong ito. Magsasalita sanang muli si Dalya ngunit sa pagkakataong iyon ay si Liam naman ang nag salita upang pigilan sya, gulat na napatingin si Dalya sa kanya ng marinig ang sinabi nito.
"Maaari kang tumira sa akin..."
********************
#MemoriesOfTheSky
BINABASA MO ANG
Memories of The Sky
Historycznememories of the sky // historical fiction story Taong 1898, may isang binibining nabubuhay sa panahong iyon. Isa sa kaniyang mga pangarap ay ang magkaroon ng sarili at masayang pamilya, ngunit ang kaniyang pangarap ay tila biglang naglaho nang siya'...