MOTS KABANATA 33

18 4 5
                                    

[Kabanata 33 - Ang Katotohanan]

"Pamilyar sa akin ang pangalan nya, binanggit mo na sa'kin 'yon dati hindi ba?" Dahan-dahang napaangat ang tingin ni Dalya kay Liam dahil sa tanong nito, napangiti sya ng kaonti dahil kahit papaano ay naaalala nito ang tunay nyang pangalan.

Ngunit sa kabila ng kanyang ngiti ay naroon pa din ang gulat sa kanya dahil sa katotohanang nakalibing na ngayon ang katawan nya, marahil ay tuluyan na nga syang namatay sa kanyang panahon noong araw na sya'y binaril ng makapangyarihang lalaki. Naisip nya bigla kung ano kaya ang naramdaman ng kanyang Inay, marahil ay nasaktan ito ng lubos. Kumpara sa taon kung kailan sya namatay, mas matagal na nabuhay ang kanyang Inay Tiodora sa kanya. Ipinikit ni Dalya ang kanyang mga mata.

Inay, patawad po kung iniwan kita...

Mabigat ang loob na napahinga ng malalim si Dalya at muling idinilat ang kanyang mga mata, umupo sya sa sahig kahit pa maalikabok. Marahan naman nyang hinawakan ang pangalan nyang nakaukit sa puntod, tumabi na sa kanya si Liam pinagmamasdan din ang puntod ng katabi nya ngayon.

"Napakaganda ng pangalan nya, parehas kayo" Ngiti ni Liam, napatingin naman si Dalya ng diretso kay Liam. Nais nyang mapangiti dahil sa papuri nito ngunit tila may pumipigil sa kanya, ang katotohanang naroon pa rin si Dahlia sa sinabi nito.

Ngunit sino ang mas matimbang?

Nais nyang itanong iyon kay Liam ngunit hindi nya rin naman kaya dahil natatakot sya, natatakot sya na marinig ang sagot nitong hindi sya. Napakurap ng dalawang beses si Liam dahil tila nakipag usap sya sa hangin, nanatili lang itong nakatingin sa kanya habang ang mga mata nito'y sumisigaw ng kalungkutan. Huminga ng malalim si Liam, sa totoo lang ay nakakadaling basahin ni Dalya para sa kanya.

"Kung makikita mo lang ang kanyang pisikal na anyo ngayon, malamang ay magugulat ka" Wala sa sariling saad ni Dalya.

"Nakita mo na ang mukha nya?" Nagtatakang tanong ni Liam, napatigil si Dalya at napatingin kay Liam. Kung si Dalya ang nasa posisyon ni Liam, matagal na nyang iiwan ang sarili dahil sa ka-wirdohan nito.

"W-wala, kalimutan mo na ang aking sinabi" Saad ni Dalya at umiwas ng tingin.

"Sa totoo lang, hindi ko akalaing totoong tao ang iniisip mong ikaw" Muling napatigil si Dalya at gulat na napatingin kay Liam dahil sa hindi inaasahang pandideretso nito, seryosong nakatingin ngayon sa kanya si Liam.

Iniisip nya ba na isang imahinasyon ko lang na ako si Dalya Trinidad?

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Dalya at akmang tatayo na ngunit mabilis na tumayo si Liam at inalalayan sya patayo, pinagpagan na nila ang kanilang sarili.

Ano ba'ng tumatakbo sa isip nya?

Pilit nyang binasa ang kilos, galaw, emosyon, at mga mata nito ngunit sa huli ay hindi pa rin sya nagtagumpay. Naisip nya na baka iniisip ni Liam na imahinasyon lang sa kanyang isip ang lahat ng sinasabi nyang totoo naman, kaya siguro sya pinakisamahan at sinakyan ni Liam sa lahat ng kanyang sinasabi at tila ba hindi ito nagugulat sa kanyang mga sinasabi.

"Gusto mo na bang maalala ang lahat?" Tanong ni Liam, sa pagkakataong iyon ay unti-unting lumabas ang iba't ibang emosyon sa mga mata nito.

Naguguluhan man ngunit tumango na lang sya, ito rin naman talaga ang pangunahing dahilan kung bakit ninais nyang pumunta sa Santa Prinsesa. Ang malaman ang nakaraan ni Dahlia at Liam, ang nakaraan bago pa sya dumating sa mundo nila.

Memories of The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon