[Kabanata 30 - Ang Simula]
Tahimik na nakaupo ngayon si Dalya sa kanape habang naglalakbay ang kanyang isip sa kung anu-anong bagay, wala syang magawa ngayon dahil sya lang ang nasa salas at wala syang makausap. Masaya sya, masaya sya at maging ang kanyang puso.
"Nais mo bang sumama sa akin?" Napatingin si Dalya sa nagsalita at kararating lang, si Liam. Nakangiti sya kay Dalya ngayon na syang nakakahawa kung kaya't napangiti rin ito, narito sila ngayon sa salas at sila lamang ang tao.
"Saan naman tayo pupunta?" Nakangiting tanong ni Dalya, umupo si Liam sa kanyang tabi ngunit hindi na naman malaking bahay iyon sa kanya.
"Basta, sumama ka na lang sa akin" Ngiti ni Liam, tumango at ngumiti naman si Dalya. Inilahad ni Liam ang kanyang kamay na syang tinanggap ni Dalya at tuluyang umalis sa mansyon.
*****
Nakasakay ngayon si Liam at Dalya sa kotse na pagmamay-ari ni Liam at papunta na sila ngayon sa lugar na tinutukoy ng kanyang kaibigan, pagkarating nila sa entrada ng bayan ay tahimik na binasa ni Liam ang pangalan ng bayan. Habang si Dalya naman ay tila nakakita ng multo at gulat na napatulala ng mabasa nya ang pamilyar na pangalan ng bayan na kung saan sya nagmula.
Santa Prinsesa.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Liam ng makita ang reaksyon ng mukha ni Dalya, bakas sa mukha ni Liam ang pag-aalala.
Hindi naman nakaimik si Dalya, may kung anong tila bumara sa kanyang lalamunan na syang dahilan ng kawalan ng masasabi. Iniwas na lang ni Liam ang kanyang titig kay Dalya at itinuon ang atensyon sa pagmamaneho. Nang makabalik sa ulirat ay ilinibot ni Dalya ang kanyang paningin.
Hindi na ito tulad ng kanyang nakasanayan at naabutan, makulay at moderno na ngayon ang lugar na 'to. Wala na rin ang mga sugat na natamo ng Pilipinas mula sa kamay ng mga iba't ibang mananakop, bigla ay bumilis ang tibok ng puso nya ng makita ang hardin ng Santa Prinsesa na syang isa sa mga tambayan nya noong taong nakaraan.
"Liam, m-maaari ba tayong tumigil at pumunta sa harding iyon?" Tanong ni Dalya habang ang tingin ay naroon pa din sa hardin, nagtaka naman si Liam pero sa huli ay pumayag din at tumango.
Iginilid nya ang sasakyan at naunang bumaba upang pagbuksan at alalayang bumaba si Dalya, pinagmasdan nya sandali si Liam bago naunang naglakad papunta sa Hardin ng Santa Prinsesa na kay lapit na sa kanila.
Ngunit napatigil bigla si Dalya sa kanyang paglalakad ng bigla ay kumirot ang kanyang puso, napahawak sya roon at nagulat sya ng bigla ay kinakapos ang kanyang hininga. Agad lumapit si Liam at sinalo sya ng bigla ay nawalan sya ng balanse.
"Dalya!" Sigaw ni Liam habang pilit na tinatanong ito ngunit hindi nya magawang sumagot dahil sa panghihina, unti-unting lumabo sa kanyang pandinig ang boses ni Liam hanggang sa tuluyan na syang mawalan ng malay.
*****
Nagising si Dalya sa isang madilim na lugar, napahawak sya sa kanyang ulo at dahan-dahang tumayo. Nang mapaharap sya ay doon nya napagtanto na nasa isang lumang simbahan sya na linulumot na, umihip ang malamig na hangin at kasabay noon ay ang pagtindigan ng kanyang balahibo.
Dahan-dahan syang napalingon at nanlaki ang mata nya ng may makitang isang babae, hindi lamang ito isang pangkaraniwang babae sa kanya dahil ang kanilang mukha ay iisa lamang. Nanlamig ang buong katawan nya ng marinig nya ang dahan-dahan at nakakakilabot na boses nito at sinabing...
"Panahon na..." Nakangiting sabi nito, hindi sya makapaniwalang tinignan ni Dalya. Pakiramdam nya ay nananalamin sya, dahan-dahang naglakad ang babae papalapit kay Dalya at kasabay din no'n ay ang pagkabog ng malakas ng puso ni Dalya.
"S-sino ka?" Tanong ni Dalya at napaatras, nais nyang tumakbo ngunit tila walang katapusan ang daan sa lugar kung nasaan sya.
"Ako 'to, si Dahlia" Pakilala nito at tinignan si Dalya ng diretso sa mga mata, naguguluhan syang tinignan ni Dalya.
"A-anong ibig mong sabihin? Ako si Dalya!" Sigaw ni Dalya sa kanya ngunit ngumiti muli si Dahlia at natatawang napailing.
"Yeah, you maybe the first Dalya but— I am the true Dahlia" Ngiti nito, ang ngiti nito kanina pa ay sarkastiko. Hindi na mapigilan pa ni Dalya na magsalubong ang kanyang kilay dahil sa inis, pakiramdam nya ay pinaglalaruan sya nito.
"Ano bang sinasabi mo at bakit ba ako nandito?!" Inis na reklamo ni Dalya at maglalakad na sana paalis ngunit napatigil sya ng hawakan sya ng kanyang kamukha sa braso ng sobrang higpit, ngayon ay nawala na ang ngiti nito.
"Ang buhay mo ngayon ay syang buhay ko!" Sigaw sa kanya nito at kasabay no'n ay ang pangingilid ng luha nito, gulat namang napatingin sa kanya si Dalya.
"A-anong ibig mong sabihin?" Nagugulat na tanong sa kanya ni Dalya, humigpit ang hawak nito sa kanyang braso kung kaya't nakaramdam sya ng sakit.
"Hindi ko na palalagpasin pa ang panahon na 'to para sabihin sa'yo ang totoo na isa kang impostora! Ang katawan na ginagamit mo ay sa akin! At ang buhay na tinatamasa mo ngayon ay dapat lang na sa akin!" Sigaw sa kanya ni Dahlia, nagsimula ng kumulog. Dumilim na rin ang kalangitan, nanginginig na ngayon ang kamay ni Dalya dahil sa kaba.
"H-hindi ko maintindihan! Ano bang meron ka na wala ako?! Bakit ka nya nagustuhan?!" Galit na sigaw sa kanya ni Dahlia, ang mga mata nito ay tila apoy na nagliliyab ngayon dahil sa galit. Pumasok naman sa isip ni Dalya si Liam, ang kanyang minamahal.
"S-si Liam?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dalya, nagsimula nang bumuhos ang malakas na ulan na may halong kidlat. Nararamdaman nya ang bawat pag patak ng ulan sa kanyang balat na ang ibig sabihin ay hindi sya nananaginip, totoong nangyayari ito ngunit tila sya ay sumasailalim sa isang kapangyarihan.
"Oo, si Liam na walang iba kung 'di ang kasintahan ko..." Saad ni Dahlia at dahan-dahang napangisi, nanlaki ang mga mata ni Dalya. Pakiramdam nya ay tila may tumutusok ngayon sa kanyang puso, pumasok sa kanyang isipan ang makapangyarihang lalaki na syang pumatay sa kanya at maaaring may kinalaman ito dito.
Napatakip si Dalya sa kanyang tainga dahil sa tawa nito, tumunog ng malakas ang kampana sa lumang simbahan na nanaig sa buong kapaligiran. Unti-unti na itong naglalaho sa kanyang paningin, bigla ay may naramdaman syang malakas na pwersang tumama sa kanya na ang dahilan upang mawalan sya ng malay.
*****
Nagising ang diwa ni Dalya dahil sa hikbi na kanyang narinig, dahan-dahan nyang inimulat ang kanyang mga mata. Inilibot nya ang kanyang paningin at napagtanto nya na sya'y nasa ospital, napatingin sya kay Liam na hawak ngayon ng mahigpit ang kanyang kamay habang nakayuko ang mukha sa puting kama.
Sinubukang igalaw ni Dalya ang kanyang daliri, nagtagumpay naman sya dahil napatingin sa kanya si Liam. Unti-unting pumasok sa isipan ni Dalya ang pangyayari sa lumang simbahan bago sya mawalan ng malay, nangilid ang luha sa mga mata ni Dalya at dali-daling yinakap si Liam.
Natatakot si Dalya, natatakot sya sa kung anong maaaring mangyari sa kanilang dalawa. Ilang sandali pa ay dahan-dahang kumawala si Liam sa yakap si Dalya at malungkot na ngumiti sa kanya.
"Naaalala mo na ba... Mahal ko?" Tanong ni Liam, tila biglang kumirot ang puso ni Dalya dahil sa katotohanang maaaring hindi sya ang tunay na tinutukoy nito at kailanman ay hindi magiging sya.
********************
#MemoriesOfTheSky
BINABASA MO ANG
Memories of The Sky
Historical Fictionmemories of the sky // historical fiction story Taong 1898, may isang binibining nabubuhay sa panahong iyon. Isa sa kaniyang mga pangarap ay ang magkaroon ng sarili at masayang pamilya, ngunit ang kaniyang pangarap ay tila biglang naglaho nang siya'...