[Kabanata 26 - Ang kanyang nararamdaman]
Buwan ng disyembre, papalabas ngayon si Laureen, Manang Agnese, at Dalya sa loob ng simbahan. Katatapos lang ng misa at ito na ang ika-walong araw ng simbang gabi, uuwi na sila ngayon sa mansyon mula sa pinakamalapit na simbahan.
Wala ngayon si Liam dahil abala ito sa kanyang trabaho, papalapit na ang bagong taon at maraming nais bumili ngayon ng malalawak na lupain na syang mayroon si Liam. Nakapanghihinayang man sapagkat hindi nabuo ni Liam ang siyam na araw ng simbang gabi dahil sa kanyang trabaho, ipinangako nya naman sa kanyang sarili na dadalo sya sa huling araw ng simbang gabi.
Pagkauwi nila ay dumeretso na si Manang Agnese sa loob upang mag luto ng gabihan habang si Laureen at Dalya naman ay nanatili muna sa labas dahil napakasarap sa pakiramdam ng malamig na hangin na syang nagpapadama sa kanila ng papalapit na pasko.
Ika-dalampu't tatlo na ngayon ng disyembre, habang pinagmamasdan ni Dalya ang parol na syang pinagmamasdan nya din noon noong araw na nagkabit sila ng Christmas Light ni Liam. Napangiti sya dahil doon, sa tuwing may parte ng ala-ala na kasama si Liam ay kusa syang napapangiti. Napatingin si Laureen sa limang batang nagsimulang kumata, nangangaroling.
"Mamamasko po!" Sigaw ng limang bata matapos kantahin ang 'Star ng Pasko' na kinanta ng iba't ibang mang aawit. Kumuha naman ng barya si Laureen sa kanyang bulsa at binigay iyon sa nasa gitna, napatingin na sa kanila si Dalya.
"Thank you, thank you. Ang babait ninyo thank you!" Pakantang pasasalamat ng mga bata, napangiti si Dalya habang nakatingin sa mga batang ngayon ay nag-uusap na kung magkano ang makukuha ng isa't isa. Labis syang natutuwa sa mga batang mababait at magigiliw.
"Ang kuripot naman ni Ate, ang laki-laki ng bahay tapos ten pesos lang binigay" Reklamo ng isang bata bago sila kumaliwa sa kabilang kalye upang doon naman mamasko, napasimangot naman si Laureen nang marinig ang sinabi ng bata.
"Aba! Atleast nga binigyan ko sila eh, pambili ko kaya sana 'yon ng monami na candy eh. Mga bata talaga ngayon, ang aarte!" Inis na sabi ni Laureen, nginitian sya ni Dalya at isinama papasok sa loob upang kumain na at huwag ng uminit ang ulo.
*****
"Nasaan na sya?" Kinabukasan ng gabi ay hindi na mapigilan pang mag tanong ni Dalya, papunta na sila ngayon sa simbahan ngunit wala pa rin si Liam. Ang sabi nito ay sasama daw sya sa huling araw ng simbang gabi.
"Sinong sya? Si kuya? Darating din 'yon, wait mo lang. Baka na-traffic" Sagot ni Laureen, tumango si Dalya at pinigilang mag-isip ng kung ano-anong negatibo. Dumeretso na sila sa simbahan dahil sinabi ni Laureen na susunod na lang ang kanyang kuya.
Ilang sandali pa ay nagsimula na ang misa ngunit wala pa rin si Liam, kanina pa pasimpleng palingon-lingon ang mata ni Dalya sa pag-asang makita si Liam ngunit wala talaga. Dumarami na ang tao, napuno na sa loob kung kaya't sa labas na lang umupo ang ilan. Kahit masigip sa pahabang upuan ay hindi naman nagreklamo si Dalya dahil nasa pinakadulo sya at ang katabi lang ay si Laureen, nasa tabi naman ni Laureen si Manang Agnese.
"Huwag mo nang hintayin 'yon si kuya, papunta na sya sa babaeng minamahal nya. Sabi nya sa akin kanina sa text" Pabulong na wika ni Laureen nang mapansin na hindi mapakali ang kanyang ate Dalya, nanlaki naman ang mata ni Dalya at gulat na gulat na napatingin kay Liam.
"M-may iniibig sa Liam?" Hindi makapaniwalang tanong ni Dalya, medyo nagpalakas ang kanyang boses kung kaya't napatingin sa kanya ang ibang tao na malapit sa paligid nya. Sumenyas naman si Laureen na hinaan ang boses nya.
"Malamang Ate Girl, ang tanda-tanda na ng kuya ko tapos wala pa ding iniibig?" Patanong na sagot ni Dalya, tila gumuho naman ang mundo ni Dalya dahil sa sagot na iyon ni Laureen. Hindi sya nakapagsalita, pakiramdam nya ay nawalan ng kulay ang makulay nyang buhay.
Tumayo sya at dire-diretsong lumabas ng simbahan, hindi na nya nagawang makapag paalam pa at dumeretso na lang palabas. Nagtataka namang sinundan ng tingin ni Manang Agnese at Laureen si Dalya na ngayon ay tuluyan nang nakalabas ng simbahan, ibinalik na ni Manang Agnese ang kanyang tingin sa harap habang si Dalya ay pilit pa ding tinatanaw si Dalya. Ibinalik nya na rin ang kanyang tingin sa harap dahil pinagalitan sya ng Madre at hindi daw nakikinig.
Pagkalabas ni Dalya ay tumigil sya sa isang fountain at umupo sa pabilog na bato roon, hindi ito umiilaw kung kaya't walang ibang tao roon. Madilim ang kapaligiran ngunit maaaninag mo pa rin naman ang paligid dahil sa nagniningning na simbahan ngayon dahil sa mga christmas lights.
Pakiramdam ni Dalya ay biglang sumikip ang kanyang dibdib, tila nahihirapan syang huminga. Hindi nya alam kung bakit pinangingiliran sya ng luha ngayon, umihip ang malamig na hangin at hinawi nito ang nangingilid na luha ni Dalya. Hindi nya alam kung bakit biglang bumigat ang kanyang pakiramdam nang marinig ang katotohanan na may iba iniibig na pala ito.
"Maligayang pasko sa lahat!"
Ang sinasabi ng isip ni Dalya ay dapat syang maging masaya dahil araw na ng pasko ngayon ngunit tila taliwas iyon sa nararamdaman ng kanyang puso, narinig nya ang palakpakan ng lahat. Nanatiling nakayuko si Dalya, ngunit napatigil sya ng may pamilyar na sapatos na tumigil sa kanyang harapan. Dahan-dahang inangat ni Dalya ang kanyang paningin at hindi makapaniwalang pinagmamasdan si Liam.
"A-anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Dalya, kahit madilim ay kitang-kita ni Dalya ang pag aliwalas ng mukha ni Liam nang makita sya.
"Napakadilim, bakit ka nandito?" Imbis na sagot ang ibigay ni Liam ay tanong din ang ibinigay nito.
"At bakit ka umiiyak?" Dagdag ni Liam habang pinagmamasdan ang bawat detalye ng mukha ni Dalya, napakagat naman si Dalya sa ibaba nyang labi at napapikit. Hindi nya alam ang kanyang sasabihin ngayong nasa harapan na nya ngayon ang lalaking kanina nya pa hinahanap, ang kanina pa hinahanap ng kanyang puso.
"A-akala ko ba... Pupuntahan mo ang babaeng minamahal mo?" Naguguluhang tanong ni Dalya, nagulat sya ng humakbang ito papalapit sa kanya at dahan-dahang kinuha ang kanyang kanang kamay.
"Tama ka, kaya nga nandito ako sa harapan mo ngayon..." Sagot ni Liam habang nakatingin ng diretso sa mga mata ni Dalya, tila biglang bumagal ang takbo ng kanilang paligid at tanging ang isa't isa lang ang nakikita't naririnig.
Bigla ay namutawi ang iba't ibang ilaw sa fountain na kung kanina ay nababalot ng dilim, napatingin ang mga tao sa fountain na noo'y kalalabas lang ng simbahan. Nanlaki ang mata ng lahat at gulat na napatingin sa fountain na nagniningning ngayon dahil sa iba't ibang kulay na namumutawi dito. Isang kwento na ilang libong taon ng hinihintay ng lahat upang mapatunayan kung totoo ba ito.
"Ang sabi nila, iilaw daw ng kusa ang fountain na 'yan sa oras na may dalawang taong nanatili sa mismong harap ng fountain at ang puso nila ay parehong tumitibok para sa isa't isa..."
Kasabay ng pag ihip ng hangin ay ang pagbibigay linaw sa lahat na totoo nga ito, at kasabay din ng pag ihip ng hangin ay ang pangingilid ng luha ni Dalya. Kung kanina ay dahil sa sakit na nararamdaman, ngayon naman ay dahil sa sayang nararamdaman.
Ngunit napatigil sya nang makita ang isang pamilyar na lalaki, tulad ng dati ay nakasuot pa din ito ng kulay itim. Suot nito lagi ang itim nitong amerikana at sumbrelo, ito ay walang iba kung hindi ang taong pumatay sa kanya. Nakatingin ito ng diretso sa mga mata ni Dalya, ang mga tinging iyon na nagbibigay linaw kay Dalya na ang makapangyarihang lalaking iyon ang dahilan kung bakit sumibol ang liwanag sa tinaguriang bukal.
********************
#MemoriesOfTheSky
BINABASA MO ANG
Memories of The Sky
Historical Fictionmemories of the sky // historical fiction story Taong 1898, may isang binibining nabubuhay sa panahong iyon. Isa sa kaniyang mga pangarap ay ang magkaroon ng sarili at masayang pamilya, ngunit ang kaniyang pangarap ay tila biglang naglaho nang siya'...