[Kabanata 10 - Apektado]
"Ilan taon na po ba kayo Manang Agnese? Tila bata pa ang iyong lakas kung kumilos po kayo" Nakangiting tanong at sabi ni Dalya, narito sila ngayon sa kusina at nagluluto. Tinuturuan din ni Manang Agnese si Dalya kung paano gamitin ang mga bagay na hindi pamilyar kay Dalya.
"Sikwenta na ako Dalya, marahil ay sanay lang talaga ang katawan ko sa mga ganitong bagay kung kaya't mabilis ko itong nagagawa" Wika ni Manang Agnese, napatango-tango naman si Dalya.
Kung iisipin ay mas matanda pa talaga sya rito ngunit nang sya'y mapunta sa panahong ito ay ganoon pa rin naman ang hitsura at edad nya. Si Manang Agnese ang pangalawang tao na nakausap nya ng ganito, masaya sya sapagkat may makakasama na sya rito sa bahay.
Nasa kwarto si Liam sa itaas dahil may inaasikaso sya roon tungkol sa trabaho, isa itong negosyante ng mga lupain at patuloy pa ding umuusad ang kanyang trabaho. Patapos na silang magluto ngayon at maya-maya lang ay sabay-sabay silang kakain, sinigang na baboy ang kanilang linuluto ngayon.
"Sa inyong palagay Manang Agnese, sa tingin nyo po ba ay nasa isa tayong panaginip?" Hirit bigla ni Dalya na ikinatawa ng matanda.
"Hindi ko akalaing palabiro ka Dalya, akala ko ay masungit ka base sa aking mga naririnig" Natatawang saad ni Manang Agnese, nagtaka naman si Dalya. Hindi nya akalaing aakalain pa ng iba na masungit sya kahit kararating lang naman nya sa panahong ito, kumunot ang kanyang noo ng may maisip na dahilan kung bakit inakala ni Manang Agnese na masungit sya.
"Sinabi po ba sa iyo ni Liam na ako'y masungit?" Nakasimangot na tanong ni Dalya, hindi nya maalala kung sinungitan nya ba ito dahil ang tanging naaalala nya lang ay pinagbintangan nya ito ng ilang beses. Umiling naman si Manang Agnese.
"Hindi no, ang sabi ni Liam ay mabait ka raw at maganda" Nakangiting sabi ni Manang Agnese na ikinagulat ni Dalya, naramdaman nya bigla ang pag-iinit ng kanyang pisngi.
Hindi nya akalaing ipakikilala pa sya ni Liam sa iba bilang mabait kahit pa ilang beses nya itong sinigawan at pinagbintangan, ang nagpainit naman ng kanyang pisngi ay dahil sa sinabi nito na maganda daw sya.
"G-ganoon ba..." Natatameme na saad ni Dalya, hindi nya maunawaan kung bakit tila nagdidiwang ang kanyang puso ngayon dahil sa sayang nararamdaman nya.
"Tama nga naman si Liam, kay ganda mong babae. Sino ba ang mga ninuno mo? Wala akong masyadong alam sa'yo dahil ngayon pa lang naman kita nakasalamuha ng ganito" Nakangiting sabi ni Manang Agnese, hindi naman malaman ngayon ni Dalya ang kanyang sasabihin dahil lumulutang ang kanyang isip sa sinabi ni Manang Agnese.
"T-tapos na pong maluto ang sinigang, ihain na po natin" Saad ni Dalya at nginitian si Manang Agnese, hindi napansin ng matanda na tapos na pala silang magluto dahil sa kanilang kwentuhang dalawa.
*****
"Uh, Manang Agnese? Nasaan po si Liam?" Lakas loob na tanong ni Dalya, kanina pa sya ginagambala ng kanyang isip kung nasaan na si Liam.
"Malamang ay nasa taas pa rin sya, tawagin mo na lang sya at ako na ang maghahain dito" Saad ni Manang Agnese, nagulat naman si Dalya pero agad syang tumango upang hindi na mag isip ng kung ano-ano si Manang Agnese, naalala nya kanina ang tanong nito na kung asawa ba daw sya ni Liam.
Pagpanik nya ay dumeretso na sya sa kwartong kanyang pinagtulugan kagabi, ang alam nya ay naroon ang ilang mga gamit ni Liam. Pagbukas nya ng pinto ay tama nga sya dahil naroon si Liam at nakahiga sa kama, mukhang nakatulog na ito sa gitna ng gawain. Maingat at tahimik namang naglakad papasok si Dalya at sinara ang pinto, dahan-dahan syang naglakad papunta sa kama at umupo roon.
Napatingin sya sa payapang mukha ni Liam na natutulog ngayon, hindi maitatanggi ang kagandahang lalaki nito na syang nagpapalingon sa dose-dosenang kababaihan. Maging sya yata ay naaakit na rin dahil sa kagwapuhan nito pero agad nya iyong pinigilan, agad syang umiwas ng tingin at napalunok. Huminga sya ng malalim.
Dalya, huwag kang mag isip ng kung ano-ano. Umalis ka na sa silid na ito at sabihing natutulog pa si Liam kung kaya't kayo na lang ni Manang Agnese ang kumain at tirhan na lang si Liam.
"Tama, si Liam lang iyan Dalya. Ang lalaking tumulong sa'yo at sinabihan ka ng maganda—" Agad napatigil sa pagsasalita si Dalya at napakagat sa ibaba nyang labi, hindi nya akalaing maging iyon ay lalabas sa kanyang bibig.
"Malay mo ay nagsisinungaling lang sya? Tama Dalya, baka nais ka lang nyang pagtakpan ngunit ang totoo ay mukha akong demonyo sa kanyang paningin na dumating sa kanyang buhay" Napasimangot naman tuloy si Dalya dahil sa ideyang iyon, napailing-iling na lang si Dalya sa kanyang sarili.
Pakiramdam nya ay lumalala na sya, nagulat sya ng gumalaw ito ng kaonti ngunit nakapikit pa rin ang mata. Nahawi nito ang kumot dahilan upang tumambad kay Dalya ang katawan ni Liam, nanlaki ang mata ni Dalya dahil wala pala itong suot na pantaas na damit!
Agad syang napatayo at dali-daling umalis sa silid na iyon, mabilis din syang bumaba ng hagdan at hinahabol ang hiningang umupo sa upuan. Nagtataka namang napatingin sa kanya si Manang Agnese.
"Oh? Bakit parang tumakbo ka mula dito hanggang norte?" Tanong ni Manang Agnese at umupo na rin sa kabisera, umiling naman si Dalya. Magsasalita na sana sya ngunit napatingin sila sa pababa na si Liam at nakasuot na ito ng damit pantaas, agad syang napaiwas ng tingin dahil naalala na naman nya ang kanyang pinagsasasabi kanina.
"Liam, sakto ang pagbaba mo. Magdasal na tayo at kumain" Wika ni Manang Agnese, nasaksihan nito ang paglaki ni Liam dahil matagal na syang katulong sa bahay nila Liam.
Ngayon naman ay naririto pa rin sya at kasama pa din si Liam, tumango naman ito at umupo na sa harap ni Dalya. Napasulyap sya rito ngunit nakayuko lang ito, nagsimula na ang dasal sa pangunguna ni Manang Agnese. Nagsimula na silang kumain ngunit nakababa lang ang tingin ni Dalya at nanahimik na rin, hindi nya alam ngayon kung paano makikisabay sa kwento ni Manang Agnese gayong nasa kanyang harapan ngayon ang taong pilit nyang iniiwasan ng tingin.
Ngunit bakit ba tila ikaw ay apektadong-apekto Dalya? Eh ano naman ngayon kung magtama ang inyong paningin? Ako'y nababaliw na sa panahong ito!
********************
#MemoriesOfTheSky
BINABASA MO ANG
Memories of The Sky
Historical Fictionmemories of the sky // historical fiction story Taong 1898, may isang binibining nabubuhay sa panahong iyon. Isa sa kaniyang mga pangarap ay ang magkaroon ng sarili at masayang pamilya, ngunit ang kaniyang pangarap ay tila biglang naglaho nang siya'...