MOTS KABANATA 25

16 4 4
                                    

[Kabanata 25 - Hawak kamay]

"Miss ka na namin Mommy, sana ay payapa ka ngayon habang pinagmamasdan kami mula sa kalangitan" Nakangiti man ngunit may bahid na lungkot na sabi ni Laureen, maging si Liam ay nakayuko din. Nakararamdam naman ng awa si Dalya para sa magkapatid na Sevilla.

Magsasalita pa sana ulit si Laureen ngunit biglang tumunog ang kanyang telepono, may tumatawag. Nagpaalam si Laureen na sasagutin nya muna ang tawag bago sya umalis sa loob at lumabas upang kausapin ang tumawag sa kanya, dahilan upang maiwan si Dalya at Liam roon.

"Mommy, sya nga pala si Dalya. Sa palagay ko ay tinuturing nya na akong kaibigan ngayon" Ngiti ni Liam, napatigil si Dalya dahil sa sinabi nito.

Naalala nya noong nasa hapag sila at sinabi nya na paborito nya si Laureen bilang kapatid habang si Manang Agnese naman ay bilang kanyang pangalawang Ina, bigla nyang nabanggit ang pangalan ni Liam kung kaya't wala syang ibang naisip na palusot kung 'di bilang kaibigan.

"Marahil ay ganoon na nga po, sa mga tulong na ibinigay nya sa akin ay nararapat lang na maging kaibigan ko sya" Ngiti din ni Dalya, napatango naman si Liam habang nakangiti.

"Yey! Magka-ibigan na sila" Bigla ay sumulpot si Laureen sa kanilang tabi at masiglang sinabi iyon, napatigil si Dalya dahil sa paraan ng pagkakasabi ni Laureen ng pagkakaibigan. Matalim na tinignan ni Liam ang kanyang kapatid dahil sa ibig ipahiwatig nito, dali-daling naglakad si Laureen papunta kay Dalya at yumakap sa braso nito at binelatan ang kanyang kuya.

*****

Narito sila ngayon sa simbahan at tahimik na nakikinig sa sinasabi ng padre na nasa harapan, malakas ang boses nito dahil sa mike. Nasa gitna ni Dalya at Liam si Laureen, naninibago rin si Dalya dahil hindi na alintana pa kung magtabi ang lalaki at babae at kahit pa hindi nito kakilala. Maraming tao at maging sa labas ay mayroon na rin dahil naubusan na ng upuan sa loob.

"Ang biyaya ng Panginoong Hesukristo, ang pag-ibig ng Diyos Ama at ang pakikisama ng Espiritu Santo ay mapasa-atin, ngayon at kailanman. Amen" Wika ng LEM.

"Humayo kayo't ibigin at paglingkuran ang Panginoon!" Ani naman ng diyokono.

"Salamat sa diyos" Wika ng lahat, nagtapos na ang misa at kasabay no'n ay ang pagpalakpak ng lahat.

"Halika, magpabasa tayo ng Holy water kay father. Gusto ko din mabawasan ang mga kasalanan ko" Anyaya ni Laureen at hinawakan ang kamay ni Dalya upang hatakin sya papunta sa unahan, napatingin naman si Dalya kay Liam at hinawakan ang ibabang braso nito upang sumama sa kanila.

"Agwa bendita ang iyong ibig sabihin hindi ba?" Tanong ni Dalya kay Laureen nang makarating sa unahan at makita ang hawak ng padre, binitawan na nya si Liam. Maging sya ay hindi alam kung bakit nya nagawa iyon.

"Uh, oo na lang" Sagot ni Laureen, nagsimula nang ihagis ng padre ang tubig ng agwa bendita. Tinamaan si Liam sa kanyang braso habang si Dalya naman ay sa kanyang kamay, napatingin si Dalya sa braso ni Liam at sa kamay nya.

Mukhang ako'y naging mapusok at pinagagalitan ngayon ng panginoon.

"Ano ba 'yan, ako ang nagyaya dito pero ako ang hindi tinamaan ng holy water. Halika na nga" Reklamo ni Laureen, nag bigay galang si Dalya sa harap ng altar kung kaya't napagaya si Laureen. Napatingin si Laureen sa kanyang kuya at yumuko ito bilang pag galang, matapos no'n ay sabay-sabay silang lumabas ng simbahan.

Memories of The SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon