[Kabanata 2 - Maynila]
"Inay? Sigurado po ba kayo na tayo'y pupunta sa tahanan ni Tiya Roberta?" Nag aalinlangang tanong ni Dalya sa kanyang ina, narito na sila ngayon at naglalakad papunta sa daungan.
"Oo anak, siguro naman ay pinapapunta nya ako sapagkat nais na nyang makipag bati sa akin. Nais ko rin na naroon ako sa kanyang tabi sa araw ng kanyang kaarawan" Nakangiting sabi ni Nay Tiodora, huminga naman sya ng malalim at tumango. Sakto namang narito na sila sa daungan kasama ang mga taong sasakay rin sa barko upang tahakin ang lugar na kanilang pupuntahan.
Naunang magsakayan ang mga mayayaman, sunod naman ang mga mahihirap na tulad ni Dalya. Sanay na sya sa ganitong klaseng sitwasyon na ang mga mayayaman at may pera ang laging nauuna at ligtas sa kung ano man ang mangyari, sumakay na rin si Dalya at inalalayan ang kanyang ina sa pag panik ng barko.
*****
Makalipas ang ilang araw na byahe ay sa wakas ay narating na nila ang Maynila, sabay silang bumaba ni Nay Tiodora sa barkong kanilang sinakyan. Ilinibot ni Dalya ang kanyang paningin at naroon ang pagkamangha sa kanyang mata dahil sa paninibago ng lugar na kanyang ginagalawan ngayon.
Parati lamang syang nasa Santa Prinsesa at bihirang-bihirang pumunta sa ibang bayan o lugar, habang naglalakad sila ni Nay Tiodora ay nakangiting pinagmamasdan ni Dalya ang mga bagay na hindi ganoong pamilyar sa kanya. Tinamasa ni Dalya ang kanyang paglalakad habang dala-dala ang kanilang ilang mga gamit.
Pinili nilang mag lakad sapagkat wala naman silang sapat na salapi upang sumakay sa mga kalesa na maaaring mag hatid sa kanila papunta sa nais nilang puntahan, malapit sa intramuros ang tahanan ng kanyang Tiya Roberta.
Makalipas ang ilang oras ay natanaw na ni Dalya ang isang mansyon na nakasisigurong pagmamay-ari ng kanyang Tiya, napatingin si Dalya sa intramuros na dinaraanan nila ngayon. Napapalibutan ito ng mga amerikanong sundalo, sandali lamang ang kanyang pag tingin sapagkat hindi nais ni Dalya na pag-isipan sya ng masama. Ang kanyang huling nabalitaan tungkol sa intramuros ay tuluyan na itong napasakamay ng mga amerikano.
Hindi nya malaman kung ano na ba ang sunod na mangyayari sa bansang kanyang kinabibilangan, labis syang nangangamba sa mga nangyayari na baka may giyera na namang maganap sa bansang pilipinas.
Habang papalapit sila ng papalapit ay may naririnig na silang ilang mga boses na nagkekwentuhan habang abala sa pagkain na sa palagay ni Dalya ay mga bisita ito ng kanyang Tiya Roberta. Tinignan nya ang kanyang ina at sa mukha nito ay mukhang sabik na sabik na syang makita at mayakap ang kanyang kapatid, dumeretso na sila sa mansyon.
Inilibot ni Dalya ang kanyang paningin, sadyang kay laki ngang tunay ng tirahan ng kanyang Tiya Roberta. Habang si Nay Tiodora naman ay biglang naalala ang mga araw kung saan iniwan sya ng kanyang kapatid na si Roberta at sumama sa isang mayaman at matandang lalaki upang makaahon sa hirap.
Tahimik na naglalakad si Tiodora pauwi sa kanilang tahanan dala-dala ang mga bayong, gabi na at mag-isa syang naglalakad. Hindi na nya naabutan ang kanyang ama habang ang kanyang Ina naman ay namayapa na noong nakaraang taon, ilang saglit lang ay narating na nya ang kanilang munting tahanan. Nagulat sya ng makita ang ginagawa ng kanyang Ate Roberta.
"Ate Roberta! Ano ang iyong ginagawa?" Gulat na tanong ni Tiodora ng maabutan si Roberta na nag-iimpake ng kanyang mga gamit, napahinga naman ng malalim si Roberta at tumigil sa pag-iimpake. Tinignan nya ng deretso ang kanyang nag-iisang kapatid.
"Ako'y sawang-sawa na sa buhay na ito, Teodora. Hindi ko na kaya pang mag tinda na lamang ng prutas at gulay sa palengke at mabuhay sa hirap" Seryoso nitong sabi at muling bumalik sa kanyang ginagawa, agad naman syang pinigilan ni Tiodora.
"A-ano ang ibig mong sabihin?" Naguguluhang tanong ni Tiodora, sinara na ni Roberta ang kanyang tampipi at binuhat 'yon.
"Makinig ka sa akin Tiodora. Kung nais mo na ring lisanin ang buhay na ito, mag asawa ka ng isang mayamang lalaki na syang mag aahon sa'yo sa hirap" Seryosong saad ni Roberta habang hawak ang magkabilang balikat ni Tiodora, umiling naman si Tiodora.
Sya'y may napupusuan ng ginoong intsek, at hindi nya kailanman gagawin ang mga bagay na sinabi ng kanyang Ate Roberta. Naroon man sa loob-loob nya nais ding yumaman ngunit hindi nya nais gumamit ng isang mayamang lalaki upang sya lang ay makaahon sa hirap.
"N-ngunit-" Napatigil silang dalawa ng may marinig na tunog ng kalesa sa labas ng kanilang tahanan, nagkatinginan silang dalawa.
"Paalam kapatid ko, padadalhan na lamang kita ng liham sa oras na ako'y makarating na sa maynila" Pamamaalam ni Roberta at yinakap si Tiodora, nangingilid ang luhang pinagmamasdan ni Teodora ang pag-alis ni Roberta sa kanilang tahanan.
Tinanaw nya ang kanyang kapatid sa bintana, nanlaki ang mata ni Tiodora ng makita ang isang matandang lalaki na inalalayang sumakay si Roberta sa loob ng kalesa. Tila nadurog ang kanyang puso habang tinatanaw ang pag-alis ng kalesa kung saan naroon ang kanyang nag-iisang kapatid, hindi sya makapaniwalang isang matanda ang piniling mapangasawa ni Roberta.
Lumipas ang panahon at nabalitaan nya na lang na mayroon ng dalawang supling si Roberta at ang asawa nito, sa pag lipas ng panahon ay tila nakalimutan na sya ng kanyang kapatid at yinakap ang maginhawang buhay nito.
Natauhan si Nay Tiodora ng kalabitin sya ng kanyang anak, doon nya lang natagpuan na may guardia pa lang humarang sa kanila. Kumpara sa mga bisita na makukulay ang mga suot na baro't saya, kupas na ang kulay ng suot na damit ni Dalya at Teodora na syang nagbibigay linaw na sila ay mahihirap.
Sa tingin ng guardia na humarang sa mag-ina ay hindi ito tumatanggap ng mahihirap na bisita dahil sa ugali nito, nasasaksihan ng ilan kung paano maliitin ni Roberta ang mga mahihirap na para bang hindi sya nabibilang doon noon.
"¿Quién eres y cuál es tu propósito aquí? (Who are you and what is your purpose here?)" Seryosong tanong ng guardia na humarang sa kanila, sumama ang mukha ni Dalya. Hindi sya makapaniwalang kay ganda ng salubong sa kanila rito, iyong isang guardia na ang nag tanong.
"Sino kayo at ano ang inyong pakay rito?" Seryosong tanong ng guardia, ang malalim nitong boses ang nagbibigay ng dahilan upang sya'y maging katakot-takot.
"Ako si Teodora, kapatid ni Roberta. Narito ako upang daluhan ang kaarawan ng aking kapatid" Matapang na saad ni Nay Tiodora.
"Ikaw ba'y nakakasiguro sa iyong sinasabi?" Tanong muli nito at tinignan sila mula ulo hanggang paa, tila umakyat ang dugo ni Dalya patungo sa kanyang ulo. Akmang sisigawan nya ang guardiang nanlalait sa kanila ng biglang may mag salita mula sa likuran ng dalawang guardia na syang bantay.
"Tiodora..." Nakangising bati ni Roberta habang nakatingin ng deretso sa kanyang kapatid, hindi ngayon malaman ni Dalya ang kanyang mararamdaman. Hindi nya masyadong mabigay ang atensyon sa kanyang Tiya Roberta sapagkat nais nya pang kalbuhin ang dalawang guardiang kumausap sa kanila kanina.
********************
#MemoriesOfTheSky
BINABASA MO ANG
Memories of The Sky
Historical Fictionmemories of the sky // historical fiction story Taong 1898, may isang binibining nabubuhay sa panahong iyon. Isa sa kaniyang mga pangarap ay ang magkaroon ng sarili at masayang pamilya, ngunit ang kaniyang pangarap ay tila biglang naglaho nang siya'...